(ch@pter_nine_)

5 0 0
                                    

Ch@PTer_nine_

                _now pl@ying_

                Don't st@rt now

                   ( ⏩⏸️⏪)

          By: dua Lip

Iminulat ko ang aking mga mata dahil sa isang napanaginipan ko. Nanaginip ako na nakalabas na daw ako sa mundong ito. Ang akala ko talaga ay totoo ang lahat ngunit isang panaginip lang pala. Ang saya ko pa nung malaman kung finally nakalabas na din ako sa mundo ng mga engkanto. Pero ang lahat ng kasiyahan ko ay binawi dahil isa lamang pala iyong panaginip. Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng aking silid. Umaga na pala...
Nakatagilid akong nakahiga sa kama. Babalik nalang siguro ako sa pagtulog... Hinayaan kong sakupin ng aking katawan ang buo kong kama ng may matamaan akong isang matigas na bagay. Pagharap ko patagilid ay si Cairo ang bumungad sa akin na may napakalaking ngiti, kaya naman nanlaki ang dalawa kong mata. At--at pagkaharap ng pagkaharap ko ay halos magdikit ang aming mga mukha dahil sa sobrang lapit nito. Isang daliri lang ang distansya ng aming mukha at isang pagkakamali lamang ay magkakahalikan kami nitong si Cairo.

"Kyaaaaaaaaaaaaaaaaahhhh!!!!"-napasigaw ako at naitulak si Cairo kaya naman nalaglag ito sa aking kama.

Dali dali naman akong bumangon sa hinihigaan ko.

"Bakit mo ba ako tinulak?"-may halong pagkairita ang pananalita nya.

Bakit ko daw sya tinulak?! Huh! Bakit ko nga ba sya tinulak? Eh kasi ganto kasi yun... Eh panong hindi ko sya itutulak eh humiga sya sa aking kama at tumabi saakin?! Hindi porke, magkaibigan na kami ay may gana na syang gawin ang lahat ng gustuhin nya! Ano na lang ang iisipin ng mga ta--este engkanto pala kung makikita nila kaming magkatabi sa iisang kama? At ang lakas talaga ng loob nyang tumabi sa kama ko.

Kaya naman kinuha ko ang unan sa aking kama at pinaghahampas sya gamit ang unan habang sumisigaw ng

"Pervert! Pervert! Pervert! Pervert!"-sigaw ko habang nilalakasan ko ang paghampas sakanya.

"Tumigil ka! Kundi susunugin ko yang unan mo!"-banta nya saakin kaya naman naibaba ko ang unan na ginawang panghampas sakanya.

"Ano ba ang sabihin nung sinabi mo? Ano yun? Per--pervert?"-kunot noong tanong nito saakin.

Agaran ko naman syang sinagot.

"Bastos! Isa kang napaka walang yang bastos!"-sigaw ko na naman sakanya. Bigla namang nag iba ang awra ng kanyang mukha.

"Bastos? Ano bang nakakabastos dun ha? Bastos na ba yun para sayo Rayne? Eh wala naman akong ginawa sayo. Tumabi lang ako sayo, bastos na kagad? Ang dumi mo mag isip! Gusto mo ba may gawin ako sayo?"-sa huli nyang sinabi ay naibato ko sakanya ang unan kaya naman nagtatawa ito.

Nakakainis! Ihhh!! Kahit na walang nakakabastos dun, saakin kasi meron! Babae at lalaki magkatabi sa iisang kama? Juskolord! Tsaka--tsaka yung sobrang close ng mga mukha namin ay konting konti nalang talaga ay magkakahalikan kami sa isang maling galaw lang! Ugh! Buset!

"Bastos! Lumayas ka nga! Ke aga aga, pinapa init mo ulo ko!"-bulyaw ko sakanya. Tumayo naman sya mula sa pagkakahulog sa sahig at pinagpagan ang sarili.

"Wag kang sumigaw dahil naririto pa si Heros. Sige ka baka marinig ka nya"-umawang naman ang mga bibig ko dahil sa sinabi nya.

Maya maya ay bigla kong narinig ang tinig ni Heros na tinatawag ang aking pangalan at palapit ng palapit na ito saaking silid kaya naman nataranta ako habang si Cairo naman ay nakangising nakatingin lang saakin.

"Sabi ko sayo eh"-mayabang na sabi nito. Sinenyasan ko syang umalis na pero umiling lang ang loko. (>_<)

"Rayne? Anong nangyayari dyan? Bakit ka sumisigaw?"-nasa may tapat na sya ng pintuan ng aking silid kaya naman pinagpapawisan na ako ng hard! Leche naman oh! Isa pa tong Cairo na ito! Imbes na tumulong saakin ay natutuwa pa itong pinagmamasdan ako! Hindi ko na alam ang gagawin ko!

"Hindi ka nakakatulong"-i mouthed him pero ngisi lang isinagot ng buset!

"Rayne? May problema ba? Buksan mo ang pintuan Rayne. Pagkabilang ko ng sampung segundo at kapag hindi mo parin binubuksan ang pintuan ay gagamitin ko ang aking kapangyarihan, mabuksan lang ang pintuan"-aniya. Kailangan kong gumawa ng paraan para hindi tuluyang makapasok si Heros sa aking silid at kapag wala akong ginawa ay malalaman nyang nandidito sa aking silid ang isang engkantong pinapapaiwasan nya saakin! Malalagot ako pag nagkataon! Shit na this!

"Rayne. Isa...dalawa...tatlo...apat...lima...anim...pito...walo"-napapikit ako sa inis at nagsalita.

"Ah...eh...ba't kaba nagbibilang Heros? P-pasensya kana Heros. Sumigaw lang ako kasi nahulog ako sa kama. Oo tama! Nahulog kasi ako sa kama kaya naman napasigaw ako. Hehe, hindi mo na kailangan pumasok sa aking silid"-pagsisinungaling ko. Sana lang maniwala ka please...maniwala ka please...

"Okay ka lang ba Rayne?"-nag aalalang tanong nito. At ang sunod na nangyari ay biglang bumukas ang pintuan ng aking silid na syang nagbigay sakin ng labis na pagkagulat at bigla. Biglang iniluwa nito si Heros ng may pag aalala sa mukha.

Tinignan ko naman kung saan kanina'y nakatayo si Cairo ay hindi ko na sya nakita. Bigla itong nawala. Nakahinga naman ako ng maluwag ng dahil dun.

"Bakit parang namumutla ka Rayne? Napuruhan ka ba? Bakit kaba nahulog?"-alalang tanong nito saakin, hindi ko sya sinagot. Hinawakan nya ang aking braso, paa, likod kung meron bang masakit saakin ngunit iling lamang ang sagot ko.

"Okay lang ako Heros. Pasensya kana kung pinag alala pa kita. Maari mo na akong iwan dito Heros dahil kailangan mo pang pumunta sa palasyo. Iwan mo na ako rito, kaya ko ang sarili ko Heros kaya humayo kana"-kalmado kong utos sakanya. Kita ko sa kanyang mukha ang gustong manatili pero mas minabuti nya nalang na sundin ang sinabi ko. Tuluyan naman akong nakahinga ng maayos ng tuluyan na syang nakalabas sa aking silid.

"Hoooo...parang tumigil yung paghinga ko dun ah"-hinimas himas ko ang aking dibdib upang pakalmahin ito. Nanghihina akong napaupo sa kama ko.

Isang linggo na din mahigit magmula nung pumayag ako sa kasunduan ni Cairo saakin kapalit ng pagtulong nya saakin na makabalik sa mundo namin. Halos--i mean araw araw ay naririto si Cairo sa bahay ni Heros upang guluhin, asarin, at kung ano ano pa na nagpapainit ng ulo ko araw araw. Nandidito lamang sya sa bahay ni Heros kapag wala na si Heros at nalaman nyang nagtungo na ito sa palasyo. Sa mga panahong iyon ay mas naging malapit kami sa isa't isa ni Cairo at nahinuha kong masaya naman palang kasama at kaibigan si Cairo. Napag alaman ko din na isa pala syang prinsipe ng mga maitim na engkanto. Prinsipeng makulit at pagala gala kung saan saan at hindi ginagampanan ng maayos ang kanyang tungkulin. Nakakatawang isipin. Sa loob din ng panahong iyon ay hindi na gaanong masungit saakin si Heros. May nasasabi na rin sya saakin pero paunti unti ngalang. Pero mas mainam na rin siguro iyon. Hindi ko sya pipilitin kung ayaw nyang magsabi sakin dahil personal na buhay nya iyon. At ang higit sa lahat ay mas naging malapit din kami sa isa't isa ng kapatid ni Heros na si Aquila. Parang tunay na kapatid na ang turing namin sa isa't isa. Alam na din ni Aquila ang tunay kong pagkatao. Sa una ay nabigla si Aquila pero kalaunan din ay malugod nya akong tinanggap, kahit na anong klase pa daw akong nilalang, mapa tao man o engkanto ay tanggap nya ako ng buong buo. Si Aquila na ang ikatlong engkanto na nakakaalam na isa akong tao. Gusto kong panatilihin na sila lamang ang gusto kong makaalam na isa akong tao pero mukhang mahirap iyon. Kung saan saan kami pumupunta ni Cairo. Minsan ay nagpupunta kami sa pamilihan at namimili ng kung ano ano pero sya lamang ang nagbabayad dahil wala naman akong pilak. Kapag nasa bahay na sya ni Heros ay nagpapalit sya ng damit gaya ng isinusuot ng mga puting engkanto upang hindi mahalata ng iba na ibang uri syang nilalang na sya ay isang itim na engkanto. Minsan din ay magkasama kaming pumupunta sa batis, minsan din ay nagpupunta kami sa isang pinakamataas na puno at inaakyat iyon. Sa tuktok niyon ay makikita mo ang halos kabuuan ng lugar.

Ngayon lamang ito ginawa ni Cairo, ang pumasok sa pamamahay ni Heros ng hindi pa ito nakakaalis sa kanyang tahanan. Walang hiya talaga kahit kelan. Hindi man lang niya naisip na mahuhuli kami ni Heros at mapapaaga pa ito ng hindi man lang namin nalalaman at napag aaralan kung paano at sa anong paraan mabubuksan ang portal. Hindi talaga sya nag iingat. Masyado syang padalos dalos.

Napapailing na lamang ako dahil sa lalakeng iyon.

Itutuloy...

Behind That MagicWhere stories live. Discover now