(chapter_five_)

6 0 0
                                    

Chapter_FIVE_

    
                 _now playing_
                   Happy now
                   (⏩⏸️⏪)
            by: Zedd_ft. Elle duhe

"Ikaw lang ba ang nakatira rito? Ay nakalimutan ko nga pala yung pangalan mo... Ano nga pala ang pangalan mo?"--tanong ko rito habang inililibot parin ang aking paningin sa kanyang bahay.

Grabe...gusto ko tuloy maging engkanto😂

"Meron akong kapatid na babae pero nasa palasyo sya para maglingkod sa mahal na prinsesa. Umuuwi lang iyon kapag gabi."-sagot nito. Meron syang kinuhang isang libro?

Anong meron sa gabi? Bakit sa gabi pa sya umuuwi?

Umupo sya sakanyang silya na kakaiba ang disenyo. Hindi ko alam kung ano ang pangalan ng libro dahil medyo may kalumaan ito.

"Ano nga palang pa--"-pinutol nya ang sasabihin ko.

"Heros"-putol nya sa sasabihin ko.

Tss. Suplado talaga! Sarap ihampas sa pader! Ugh! Kainis! Bwisit!

Itiniklop nya ang kanyang libro at nilagay ito sa lalagyan.

"Sumama ka saakin sa taas"-sabi nito bago nagpaumunang maglakad papuntang taas na sinasabi nya

Ano naman kaya ang gagawin naman sa taas? Hala! Don't tell me?-- Ay hindi! Erase! Erase! Wag kang mag isip ng ganyan rayne...kalma

Sumunod lang ako sakanya.

Ang ganda talaga ng hagdan nya, naka spiral. Grabe kasing yaman nya siguro yung may ari ng coca cola saamin. Meron din kayang mas mayaman o marangya pa kaysa sakanya? Tingin ko kasi ay isa lamang sya sa mga nasasakupan ng reyna nila dito pero kahit na sakop lang sya, ang yaman nya ah! Pero infairness! May pa reyna reyna pa sila. Saamin nga wala eh-- ay meron pala pero sa ibang bansa naman yun. Tulad ni queen elizabeth---teka buhay pa kaya yun? Ewan.

Iniwasan ko nalang mag isip dahil nakakabasa nga pala ng isipan ang heros na ito.

Yung pangalan nya katunog ng isang bayani sa ingles yung 'heroes' kaso wala namang letter 'e' yung name nya.

"Ito ang iyong magiging silid pansamantala. Bibigyan kita ng damit pamalit ng aking kapatid. Hihiramin mo lang iyon pansamantala dahil pupunta tayo sa bayan bukas para mamili ng iyong kasuotan"-mahabang sabi nito.

Nasa pinakataas ako ngayon. 5th floor kumbaga sa mundo namin. Napakaraming pintuan. Talagang maliligaw ka kung isang baguhan lamang katulad ko.

Asan kaya ang mga magulang nya? Bakit kapatid nya lang ang kasama nya rito?

"Asan nga pala ang mga magulang mo her--"-napapikit ako sa inis dahil pinutol na naman nya ang aking sasabihin

"Wag kang masyadong matanong binibini. Pumasok ka na lamang sa iyong silid"-iritang sabi nito bago ako tinalikuran

"Ba't ba ang hilig hilig nyang mamutol ng sasabihin? May nasabi na akong mali? Parang nagtanong lang eh. Masama?"-bulong ko sa sarili ko.

Tss. Gwapo sana kaso ang sungit eh. Ayoko sa mga masusungit. Nakakairita.

Binuksan ko ang pintuan ng magiging silid ko. Pagbukas ko ay namangha ako sa ganda ng nasa loob. Namilog na naman ang mga bibig ko.

Pagpasok ko kasi sa loob ay mayroong isang malaking bintana at kita roon ang palasyo yata yun. Nasa pinakamataas kasi akong bahagi. Mabuti nalang at dito ako nilagay ni heros. Ang nag iisang kama ay kasya lamang saakin. Ang kumot at ang unan ay parang mamahalin kung sa mundo namin ito. Ang kumot at ang unan ay parehong kulay asul na parang kumikinang. May lamesa rin sa gilid ng kama. May isang lampara rin na nakapatong rito. May isang salamin din na ang laki ay pang human sized. Ang salamin ay napalilibutan ng nakaukit na isang uri ng bulaklak at dahon ng isang kahoy. Ang mga dingding ay nababalutan ng maliliit na ugat ng punong kahoy at mga bulaklak na nakapagdadagdag sa ganda ng silid. Maliwanag rin ang loob dahil sa liwanag na nagmumula sa bintana. Ang hangin din ay malayang nakakalabas pasok sa silid na preskong presko.

Behind That MagicWhere stories live. Discover now