Chapter_SEVEN_
_now playing_
Imagination
(⏩⏸️⏪)
by:shawn mendesNakalabas na ako ng pamilihan ng hindi ko namamalayan. Medyo masukal na ang gubat na nilalakaran ko. Alam ko pa naman ang daan pabalik dahil kita pa rin naman dito ang pamilihan. Dala dala ko pa rin ang basket sa kanang kamay ko na may laman na pinamili kong damit kanina. Napatingala ako sa sobrang nagtataasan na mga puno at ang huni ng mga ibon. Parang nag uusap ang mga ibon sa pamamagitan ng mga huni nito.
Kaysarap pakinggan...
Napapikit ako sa sobrang gaan sa tenga ng huni ng mga ito. May narinig akong kaluskos sa itaas ng puno kaya naman napamulat ako mula sa pagkakapikit. Tinignan ko ang aking paligid at pinakiramdaman. Ngunit wala akong mahagilap na kakaiba.
Siguro ay isang ibon lamang iyon. Mas mabuti sigurong bumalik na ako sa pamilihan. Baka naghihintay na saakin si heros.
Paghakbang ng aking mga paa paharap ay nagulat ako ng may isang engkanto ang nakangiting bumungad saakin. Ang kanyang kasuotan ay iba sa mga nakita kong engkanto kahit na sa pamilihan. Humakbang ito paabante kaya naman napaatras ako.
Sino ba ang nilalang na ito? Parang may kakaiba sakanya hindi tulad ng mga engkanto na nakakasalamuha ko. Parang may kung ano sakanya na di ko mawari kung ano. At ang kanyang kasuotan ay maitim pero maputi naman sya...gwapo sya infairness! T-teka nga! hindi ito ang tamang panahon para pagpantasyahan ko ang kanyang kagwapuhan! Ano ba ang binabalak ng nilalang na ito?
"S-sino ka?"-nauutal kong tanong habang umaatras parin habang sya naman ay walang tigil sa pag abante.
"Hindi na mahalaga kung sino ako"-nakangiti nitong aniya
Nanayo ang mga balahibo ko dahil sa ngisi nya. Umaatras parin ako hanggang sa tumama yung likod ko sa isang puno. Wala na akong ibang maatrasan...mauulit na naman ba itong kokornerin ako gaya ng ginawa ni lucas saakin?
"Paano ba yan binibini? Wala ka nang maatrasan pa"-huminto ito sa aking harapan.
"A-ano ba ang k-kailangan mo sa a-akin?"-nauutal ko pa ring tanong rito
May kakaiba talaga akong nararamdaman sa nilalang na ito at hindi maganda ang pakiramdan na iyon. Iba sya sa mga engkanto...hindi maari ang naiisip ko. Bampira ba sya? Itim kasi ang suot nya eh! Kaya na sya lumapit sakin dahil gusto nyang sipsipin ang dugo ko? Hindi ko aakalain na may bampira pala dito...
Nagulat ako ng bigla syang humalakhak. Isang malakas na halaklak. Umalingawngaw sa buong paligid ang kanyang halakhak. Nakakabinging halakhak kaya naman tinakpan ko ang aking mga tenga.
Kailangan kong makaalis dito... Hindi talaga maganda ang kutob ko dito sa lalakeng ito. Kailangan kong mag isip ng paraan.
"Nakakatawa ang iyong mga sinasabi sa iyong mga isipan binibini"-usal nito matapos ang kanyang nakakabinging halakhak..
Hindi na dapat ako magulat sa kanyang sinabi pero sadyang hindi ko maiwasan dahil nakalimutan kong nakakabasa nga pala ng isipan ang ito.
"Hindi ako isang bampira gaya ng iniisip mo binibini. Katulad mo lang din ako na isang engkanto ngunit iba ang aking uri bilang engkanto. Nakapagtataka lang na may kapangyarihan ka naman para makatakas saakin ngunit bakit hindi mo ginawa? Isa ka ba talagang totoong engkanto o nagtatago ka lang bilang isang engkanto at itinatago mo lang ang iyong tunay na katauhan bilang isang engkanto. Isang pagbabalat-kayo. Kung gayon ay napaka galing mong manlinlang. Ngunit pagdating saakin ay hindi mo ako malilinlang"-biglang naging seryoso ang kanyang mukha. Mas lalo namang dumagdag sa aking kaba ang kanyang mga sinabi.

YOU ARE READING
Behind That Magic
Fantasy𝙷𝚊𝚗𝚍𝚊 𝚔𝚊 𝚗𝚊 𝚋𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚜𝚞𝚔𝚒𝚗 𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚑𝚒𝚠𝚊𝚐𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚞𝚗𝚍𝚘 𝚗𝚐 𝚎𝚗𝚌𝚑𝚊𝚗𝚝𝚎𝚍 𝚠𝚘𝚛𝚕𝚍?