(chapter_three_)

6 0 0
                                    

ChaPTER_three_

PORTAL

    
                 _now playing_
             Don't know what to do
                   (⏩⏸️⏪)
               by: BLACKPINK

Tuloy tuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa matapilok ako't mahulog sa isang bangin na di naman masyadong malalim kaya kahit papaano ay hindi ako gaanong nasaktan. Ang paa ko na lamang inaalala ko dahil napapadaing ako kapag inaapak ko ang aking paa sa lupa.

May naramdaman akong mga yabag malapit saakin kaya nagtago ako sa isang bato na sakto lamang para maitago ang aking katawan.

"Rayne please! Magpakita kana! Kailangan nating mag usap! Sasabihin ko sayo lahat ng gusto mong malaman Rayne. Alam kong nagkamali ako at isang malaking pagkakamali ang saktan ang taong pinakamamahal ko... I-i want you back Rayne... I really want you back..."-mula sa isang malakas na sigaw ni Lucas ay unti unti itong humina at naging kalmado

Pleasee...tumigil kana... Ayokong marinig lahat ng katotohanan ngayon...ayoko...natatakot akong marinig ang mga yun. Hindi pa ako handa.

"Rayne! Kailangan na nating bumalik pakiusap! Naliligaw na tayo!"-dinig kong sigaw ni Lucas

Bigla akong kinabahan. Kung hindi ako sasama kay Lucas ay baka mas lalo lang akong lumalayo sa camp site namin at maligaw. At may posibilidad na hindi na ako kelanman makakabalik pa. Kinalaingan kong sumama kay Lucas kahit na anong man ang mangyari dahil magdidilim na.
Kaya naman dali dali akong lumabas sa aking pinagtataguan at tinawag si Lucas.

"Lucas! I'm sorry! Nasan ka lucas! Pakiusap lucas sumagot ka! Makikinig ako sayo. Bumalik na tayo please"-para na akong maiiyak dahil walang sumasagot saakin pero hindi ako nawalan ng pag asa. Sumigaw ng sumigaw parin ako. Nagpalakad lakad ako iniinda ang sakit ng aking mga paa na natapilok kanina.

"Lucas! Andito ako! Lucas!"- nagsisigaw ako sa loob ng kagubatan. Ilang minuto ang lumipas pero walang sumagot saakin. Nanlumo ako ng mapagtantong nakalayo na si Lucas. Kung sana ay hindi nalang ako nagtago ay baka kasama ko nalang si Lucas ngayon na pabalik sa camp site namin. Tuluyan ng nilamon ng kadiliman ang buong paligid hanggang sa ang isang bilog na buwan na lang ang tanging nagsisilbi kong liwanag.

Napaupo nalang ako. Iniisip kung dito na ba ang huling hangganan ko. Kung dito na ba ako unti unting mawawalan ng buhay. Isinandal ko ang aking likod sa isang puno.

Sa pagkakataong ito ay tuluyan ng tumulo ang mga luha kong kanina ko nilalabanang huwag ilabas. Itiningala ko ang aking ulo sa kalangitan. Umaasang may dadaan na shooting star para makahiling ako na sana ay may makakita saakin dito at iligtas ako sa pagkabulok rito sa kagubatan. Pero wala.

Hanggang sa unti unting bumibigat ang aking mga talukap sa mata dahil narin siguro sa pag iyak hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.

Nagising ako sa isang ingay na hindi ko mawari kung anong uri ng ingay iyon. Akala ko ay umaga na pero madilim parin ang paligid. Hindi ko alam kung anong oras na ba ngayon. Napatingin ako sa aking harapan at nagulat ako sa aking nakita.

"Kyaaaaaahhhhhh!"-malakas na sigaw ko kaya naman bigla akong napatayo at isang pagkakamali na bigla akong tumayo dahil kumirot ang aking paa kaya napaupo ulit ako. Naghanap ako ng isang sanga para may panghampas ako kung sakaling sasaktan ako ng isang nilalang na ito.

Isa kasing kuneho ang nakatingin saakin. Natakot ko siguro iyon dahil sa pagsigaw ko dahil bigla itong napatakbo at nagtago sa isang butas ng puno. Nakikita kong nangingig ito sa takot kaya binitawan ko ang hawak kong isang maliit na sanga at nilapitan ang isang kuneho. Pagkalapit ko ay pilit syang tumatago pero wala na syang masisiksikan pa.

"Natakot ba kita? Sorry. Akala ko kasi ay sasaktan mo ako. Tinakot mo rin kasi ako eh kaya quits na tayo"-nakangiti kong sabi dun sa kuneho.

As if naman na maiintindihan talaga ako neto...

Kinuha ko sya sa butas na kanyang pinagtataguan at niyakap iyon. Napakalambot  ng kanyang balahibo. Ang sarap nyang yakap yakapin. Ngayon ko lang nakita ng itsura nito sa malapitan.

Ang cute pala ng kunehong ito..

Ang kanyang balahibo ay kulay puti. Ibinababa ko na sya. Pagkababa ko rito ay hinagod hagod nya ang kanyang ulo sa aking binti. Mukhang gustong gusto nito ang yakapin kaya pinagbigyan ko ito. Muli ko syang binuhat at niyakap.

Maya maya ay may biglang may isang alitaptap ang lumitaw sa aking harapan. Nagpalipad lipad ito sa aking harapan hanggang sa dumami na ang nagsilitawan na mga alitaptap na iba't iba ang kulay.

Nakapagtataka... Ang buong akala ko ay kulay dilaw lang ang kulay ng alitaptap, bakit iba iba ngayon ang kulay nito sa aking harapan?

Nagulat nalang ako ng biglang bumuo ng isang bilog ang mga alitaptap. Biglang nawala ang mga alitaptap. Ang natira na lamang ay isang bilog na paikot ikot na kulay asul na lumiliwanag. Nabigla ako ng bigla kumawala saakin ang kuneho kaya binitawan ko ito. Bigla itong pumasok sa paikot na bilog na lumiliwanag. Nawala ang kuneho. Kinusot kusot ko ang aking mata.

"Namamalikmata lang ba ako? O kaya'y nanaginip?"-sinampal sampal at kinurot ko ang aking sarili pero nasa harapan ko pa rin ito.

Hindi nga ako nanaginip...totoo ang nasa mismong harapan ko! Nakakamangha.

May kung ano sa sarili ko na gustong lapitan iyon kaya naman lumapit ako rito. Parang may kung anong enerhiya ang nasa loob. Hinawakan ko iyon.

"P-parang isang p-portal?"-nauutal kong tanong sa sarili.

Inalog alog ko ang aking ulo.

"Teka portal? Iyon ang mga napapanood ko sa mga palabas. Ang akala ko ay hindi totoo iyon at gawa lamang ng imahinasyon? Mga bata lamang ang naniniwala sa mga ganun? Ibig bang sabihin na ang nasa alamat ay totoo?"-napaatras ako sa gulat

Hindi pwede

Lalayo na sana ako sa mismong portal ng may bigla akong narinig na mga kaluskos sa paligid. Nakaramdam ako ng takot. Napalingon ako sa likod ng may makita akong isang pulang mata na parang nagmamasid saakin. Mukha isa itong mabangis na nilalang na parang naghahanap ng makakain. Handang lumusob saakin para gawin akong pagkain. Maya maya ay dahan dahan itong lumapit saakin kaya naman nataranta ako. Napalingon ako sa portal na parang unti unting lumiliit.
Parehong pareho sa mga palabas na nakikita at napapanood ko. Sa isang palabas kasi na napanood ko ay ilang minuto lang itatagal ng portal bago ito unti unting liliit hanggang sa maglaho ito. Nakita kong papalapit na sa akin ang nilalang.

"I think i have no any other choice. Kailangan kong pumasok sa portal na ito o ang kainin ng nilalang na ito"-bulong ko sa sarili

Humarap ako sa portal. Pumikit ako bago napagdesisyonang pumasok rito.

Jusko lord..kayo na po ang bahala saakin kung saan man ako dadalhin ng portal na ito.

Itutuloy...

Behind That MagicWhere stories live. Discover now