Chapter_FOUR_
_now playing_
Comethru
(⏪⏸️⏩)
by: Jeremy_Zucker(Gaya po ng lagi kong paalala ay hindi po konektado ang kantang ito sa parte ng storyang ito...thanks!)
Nagising ako sa huni ng mga ibon sa aking paligid. Pupungay pungay pa ang aking mata bago bumangon. Bigla kong naalala ang nangyari kagabi.
"Teka. Panaginip lang ba lahat ng iyon?"-nagpalinga linga ako sa aking paligid.
"Mukha namang walang nagbago."-kibit balikat kong sabi.
Nasa gubat parin ako. Kaya masasabi kong panaginip lang lahat ng iyon. Hindi totoo ang portal at hindi rin totoo iyong mga alitaptap na may iba't ibang kulay at ang higit sa lahat ay hindi rin totoo iyong may isang nilalang na gustong lumusob at lapain ako kagabi...
"Haaay buti nalang."-pinagpagan ko ang aking sarili. Pinakiramdaman ko ang aking paa at
Himala! Hindi na masakit ang aking paa. Nakakalakad na ako ng maayos. Thank you lord!
Aalis na sana ako ng may magsalita sa aking likod.
"Saan ka pupunta binibini?"-bigla akong natigilan. Hindi ko napansin na may tao pala sa aking likod kaya naman dahan dahan akong napalingon rito.
Isang lalake na may kaputian ang tumambad saakin.
Ang gwapo naman ng isang to. Mukhang sa planetang kepler ito nanggaling... ang gwapo eh! Daig pa si Jungkook sa kagwapuhan! T-teka! Bakit iba ang kanyang kasuotan?
Natigil ako sa pag iisip ng lumapit ito saakin.
"Hindi ka taga rito binibini, tama ba ako?"-opo hindi po ako taga rito kasi naligaw lang ako. Gustong gusto ko iyong sabihin sakanya pero hindi ko ginawa.
"Yes your right. Hindi ako taga rito"-pinigilan ko ang sarili kong umismid
"Ang iyong kasuotan ay iba"-umikot ikot ito sa akin.
Ang iyong kasuotan rin ay iba=_=
"Base sa iyong pananalita ay iba ang iyong lenggwahe. Ingles ba ang tawag roon?"-nangungusisa nyang tanong. Wala naman sa sarili akong napatango.
Hindi ba sya nakapag aral? Kaya hindi nya alam ang salitang ingles? Kawawa naman.
"Kung gayon ay isang kang tao"-natawa naman ako sa sinabi nya.
"Kuya. Wala po akong panahon sa mga biro nyo. Bakit po parang gulat na gulat kayo na malamang isa akong tao? Bakit hindi po ba kayo tao kuya? Ano kayo isang halimaw?"-natatawa kong sabi rito
Nagpapatawa ata si kuya. Gwapo sana eh kaso parang may sayad ata ito sa utak.
"Isang pagkakamali na pumasok ka rito sa mundo namin binibini"-nakangising sabi nito saakin
Pagkakamali? Isa bang pagkakamali ang pasukin ang kagubatan? Anong akala nya? ang gubat na ito ay mundo para sakanya? Haay. Mababaliw ako sa isang to. Mukhang walang pinag aralan ang lalakeng to.
"Hindi mo ba alam na nababasa ko ang nasa iyong isipan?"-nakita ko ang galit sa kanyang mga mata. Nanlaki ang mata ko at umawang ang bibig ko.
"May pinag aralan ako binibini. Hindi ako kagaya ng iniisip mo na walang utak"-nakangiting aniya.
"Nagbibiro ka lang diba?"-umiling sya "So p-pano mo n-nabasa ang nasa loob ng a-aking i-isipan?"-nauutal kong tanong sakanya.
"Simple lang. May kapangyarihan akong taglay at ang isang katulad mo ay wala"-mayabang nitong sabi
Nanaginip na naman ba ako? Oh lord. Kung nanaginip man ako ay gusto kong gisingin nyo na ako ngayon din T_T
"Naka pasok ka sa mundo ng mga engkanto binibini at hindi ka nararapat sa mundong ito. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng mga tao sa mundo namin"-may diin nitong sabi
S-so ibig s-sabihin... Isang e-engkanto ang nasa harapan ko ngayon?! At lahat ng mga nangyari kagabi ay hindi isang panaginip?!
"Tama ka sa iyong naisip binibini. Habang maaga pa ay kinalaingan mong bumalik ngayon mismo sa mundong pinanggalingan mo habang may panahon kapa"-may halong pagbabanta na aniya
P-pero
"Paano ako makakabalik?"-nag aalala kong tanong
Hindi ako pwedeng manatili rito. Tsaka hindi ko naman talaga ginustong pumasok sa portal dahil wala na akong ibang pagpipilian nun! Malay ko ba na dadalhin pala ako dito sa mundong ito ng lecheng portal na iyon. Kung may nakalagay lang sana na signage na 'ang lagusang ito papunta sa mundo ng mga engkanto' edi sana hindi nalang ako pumasok sa portal at hayaan ang sarili na malapa ng isang nilalang na may mapulang mata....😑
"Hindi ko alam. Kung paano ka nakapasok rito ay ganon din ang gawin mo"-sagot nito saakin bago naglakad papalayo.
Pano ko gagawin yun?! Eh nakapasok lang naman ako dahil sa biglang may lumitaw na portal sa harap ko. Tsaka hindi ko na alam kung bakit nangyari yun...
Hinabol ko ang lalake. Mabuti nalang at hindi pa ito nakakalayo saakin kaya naabutan ko sya.
"Sandali!"-sigaw ko kaya naman napalingon ito saakin
"P-pakiusap. Tulungan mo ko. Hindi ko naman kasi ginusto na pumasok rito sa mundo nyo"-pagmamakaawa ko. Hinawakan ko ang kanyang kamay.
"Sumama ka saakin"-wala akong nagawa kundi ang sumunod sakanya. Ngayon ko lang namasdan ng maayos ang paligid. Hindi ito kagaya nung gubat sa mundo ko na napapalibutan ng mga pine trees. Samantalang dito naman ay ang nakapalibot ay isang uri ng puno na hindi ko malaman kung anong klase basta ito ay masyadong malalaki at matataas. May mga iba't ibang uri rin ng bulaklak ang nasa paligid na sa tingin ko ay wala sa mundo namin ang ganoong uri ng mga bulaklak. Ang mga bulaklak ang nagsisilbing pabango ng paligid dahil habang sinusundan ko ang engkantong ito ay amoy na amoy ko ang napakahalimuyak na bango ng bulaklak. May mga huni rin ng mga ibon akong naririnig na parang kumakanta.
Kaysarap pakinggan
Maya maya ay biglang huminto ang lalakeng engkanto kaya hindi ko ito namalayan at bumangga ang ulo ko sa malaking katawan nya.
"Aray"-daing ko. Mukhang napalakas ata pagtama ng ulo ko sa balikat nya ata yun.
"Nandito na tayo"-napatingin naman ako sa sinasabi nya.
"Isang malaking kahoy?"-takang tanong ko
Ano naman ang gagawin namin dyan sa kahoy na yan?
"Bahay ko yan"-sagot niya. Nagulat naman ako sa sinabi nya at may napagtanto kalaunan. Nakalimutan kong nakakabasa nga pala sya ng isipan.
Pero teka? Ito? Ito ba? Ang bahay nya? Ibang klase rin pala ang bahay ng mga engkanto... Ang nababasa ko kasi sa mga fairytales ay ginto daw ang bahay ng mga engkanto. Nagkamali pala ako. I mean sila pala, kasi sila ang nagsulat ng kwento eh.
"I-ito? Ang bahay mo?"-takang tanong ko habang nakaturo sa sinasabi nyang bahay daw nya
"Oo. Yan nga ang bahay ko. Isang simpleng puno lamang kung makikita mo sa labas ngunit iba ang nasa loob"-nakaharap sa bahay nyang sabi.
"Weh?"-sa halip na sagutin ay hindi nya ako pinansin at lumapit sa puno. May ginawa syang kung ano kaya sa isang pikit ko lang may biglang lumitaw na pintuan.
"Wow! Ang galing... Pano mo nagagawa yun?"-wala sa sarili kong sambit. Hindi na naman nya ako pinansin at nagtuloy tuloy na pumasok sa kanyang sariling bahay. Pagkapasok ko sa loob ng bahay nya ay namangha ako sa ganda ng nasa loob. Tama nga sya. Isang simpleng puno sa labas pero sa loob ay ubod ng ganda. Parang bahay lang ng isang mayamang tao sa mundo namin. Wala nga lang chandelier. Ang tanging ilaw lamang ay lampara at mga sulu. Ang kanyang mesa ay gawa sa kahoy na ubod ng kinis. Napakalaki ng bahay nya. Ang kanyang hagdan paakyat paitaas ay naka spiral na gawa rin sa kahoy na ubod din ng kinis. Ang lahat ng kanyang mga kagamitan ay gawa sa kahoy lahat ngunit napaka gandang tignan at ang kikinis nito.
Sa tantya ko ay nasa limang floor lahat ang bahay nya!
Itutuloy...
YOU ARE READING
Behind That Magic
Fantastik𝙷𝚊𝚗𝚍𝚊 𝚔𝚊 𝚗𝚊 𝚋𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚜𝚞𝚔𝚒𝚗 𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚑𝚒𝚠𝚊𝚐𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚞𝚗𝚍𝚘 𝚗𝚐 𝚎𝚗𝚌𝚑𝚊𝚗𝚝𝚎𝚍 𝚠𝚘𝚛𝚕𝚍?