Chapter_SIX_
_now playing_
This feeling
(⏪⏸️⏩)
by: the chainsmokers ft.Chelsea
Humarap ako sa salamin matapos kong maisuot ang mga iyon."Wow..."-namamangha kong bulong sa sarili
Dahil sa kasuotan kong ito ay nagmumukha akong parang isang tunay na engkantada...mukha nga lang...😑
Bumabagay saakin ang nakapatong saaking ulo ang isang parang korona na punong puno ng bulaklak. Ang damit ko rin ay masyadong bumabagay saakin pati narin ang sapin saaking paa. Napangiti ako habang tinititigan ang aking sarili sa salamin
Para naman akong isang goddess sa posturang ito! Parang kamukha ko na nga ang goddess na si athena dahil rito eh! Tsaka parang kamukha ko na din si rose dewitt bukater ng titanic! Oh ha! Dami kong kamukha. Iba talaga pag maganda ka😅 di jowk lang. Yokong mag feeling.
Saktong sakto saakin ang damit.Ang kulay ng damit ay kulay crema na hindi aabot saaking paa. May isang kulay ginto rin na parang manipis na sinturon yata? Para sa aking bewang. Walang kahit na anong disenyo ang damit na ito parang nilagyan lang ito ng pampakinang para kahit papaano ay kaakit akit ito tignan. May dalawang pulseras na kulay ginto ang nakalagay sa basket. Binuksan ko ang lock nito at isinuot ko ang dalawa sa magkabilang kamay sa aking may palapulsuan hanggang sa sumikip ito sa aking palapulsuan. (A/N: kayo na bahala mag imagine:-)
At! Wag ka!...off shoulder ang damit na ito kaya kita ang maputing shoulder ko! Ang sexy ko naman ata sa suot na ito! Hapit na hapit talaga sa aking katawan ah? Para namang araw araw silang dumadalo sa isang party kong ganito ang suot nila...
Ibunubuhaghag ko ang aking buhok. Hindi ko nalang ito tinalian pa. May suklay din palang nakaipit sa damit na gawa rin sa kahoy. Infairness! Kumpleto! Itinirintas ko ang aking buhok ng bahagya.Nang makuntento sa pag aayos sa sarili ay bumaba na ako.
"Heros?"-tawag ko rito dahil hindi ko na ulit sya nakita doon sa silya ng maiwanan ko sya kanina rito.
Baka pumasok lang sakanyang kwarto? Napagod siguro kababasa ng libro nya...
Akmang aakyat na sana ako pabalik sa aking silid ng
"Bakit mo ako hinahanap?"
"Ay kabayo!"-literal na nagulat talaga ako dahil sa biglaan nyang pagsalita. Muntik pang mawalan ako ng balanse. Napalingon naman ako rito.
"Bakit kaba kasi biglang sumusulpot at nanggugulat kapa?!"-sigaw ko rito. Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko eh...muntik pa akong madulas dahil sa pagsulpot nya! Para syang kabute! Kung saan saan sumusulpot.
Nagtaka naman ako dahil sa itsura nito ngayon. Umawang kasi ang bibig nya at nakatulala lang saakin.
Ay natulala lolo nyo te! Nagandahan siguro saakin! Tulo pa laway eh! Di jowk lang^_^
Nilapitan ko naman ito at ginalaw galaw ang aking kamay sa kanyang mukha. Kaya naman sandali itong napapikit at inalog alog ang sarili.
"L-lumayo ka n-ga saakin"-utal na sabi nito. Aba at nauutal pa sya! Nakakautal ba talaga ang kagandahan ko ginoong heros? Nyahaha
Bigla ko namang tinakpan kagad ang bibig ko kahit na ang isip ko lang ang nagsasalita dahil nakalimutan kong nakakabasa nga pala sya ng isipan. Nailang naman ako ng bahagya.
Grabe naman makatingin to. Yung tingin nya parang tinutunaw ako!
"Ah..eh..lalabas muna ako sandali. Maglalalad lakad lang. Ililibot ko lang ang aking sarili"-naiilang kong sabi. Hindi ko talaga makayanan yung tingin nya eh!

YOU ARE READING
Behind That Magic
Fantasía𝙷𝚊𝚗𝚍𝚊 𝚔𝚊 𝚗𝚊 𝚋𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚜𝚞𝚔𝚒𝚗 𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚑𝚒𝚠𝚊𝚐𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚞𝚗𝚍𝚘 𝚗𝚐 𝚎𝚗𝚌𝚑𝚊𝚗𝚝𝚎𝚍 𝚠𝚘𝚛𝚕𝚍?