(chapter_eight_)

5 0 0
                                    

Chapter_EIGHT_

                   _now playing_
                  Trust my lonely
                     (⏪⏸️⏩)
                  by: alessia cara

Kanina pa ako nakaupo sa aking kama. Mulat na mulat ang aking mga mata. Hindi ko alam kung anong oras ba akong nagising.

Wala ba silang orasan? Nangangamoy na ako...huhuhu T_T kailangan kong maligo dahil ilang araw na din akong hindi nakaligo magmula ng mapadpad ako sa mundong ito.

Bumaba na nalang ako para tanungin si Heros kung may paliguan ba sila rito.

Gising na rin siguro yun...

Pagkabukas na pagkabukas ko palang ng pintuan ng aking silid ay biglang bumungad saakin si Heros. Blanko ang mukha.

Great! Hindi ko na kailangang bumaba at hanapin ang lalakeng ito dahil nandidito na ito mismo sa aking harapan.

"Anong iyong kailangan Heros?"-taka kong tanong

Ano nga bang ginagawa nya sa tapat ng pintuan ng silid ko?

"Ipinabibigay ito ni Aquila sayo"-may inabot sya saakin na isang pabango? Anong gagawin ko sa pabango? Para ano? Eh hindi naman ako mahilig sa mga pabango...

May inabot kasi sya saakin na parang isang lalagyan na gawa sa kahoy na may nakapulupot na ugat ng kahoy. Ang takip nito ay isang dahon lamang na ibinalot bilang pantakip. Parang potion lang ang lalagyan.Tatanungin ko sana sya kung ano ang gagawin ko sa pabangong ito pero isinaisip ko na lamang iyon. Kaya imbes na iyon ang itanong ay iba nalang ang itinananong ko sakanya.

"Heros. Meron ba kayong paliguan? Kahit batis man lang? O ilog?"-malamang sa malamang na wala talaga silang banyo kaya kahit na batis lang o ilog ay okay na basta makakaligo ako dahil ligong ligo na ako tsaka medyo nangangamoy na rin ako. Medyo lang! Ilang araw na akong hindi nakakaligo.

"Kaya nga iyan ipinabibigay ng aking kapatid na si Aquila ay para magamit mo iyan para sa iyong pangligo. Merong isang malinis na batis sa hindi kalayuan. Ihahatid kita roon tapos ay aalis na ako dahil may ipinauutos saakin ang mahal na hari ng palasyo. Dalhin mo na ang iyong mga pamalit pati iyang ibinigay ko sayo. Maghihintay ako sa labas"-mahabang paliwanag nito saakin bago ako tinalikuran.

Sungit talaga ket kelan! Wala man lang ba akong magandang umaga na bati dyan? Hmmp! Kainis! Kahit ngayong araw lang ay pwede bang maging mabait man lang sya saakin? Kahit ngayon lang?

Bumalik nalang ako sa loob para kuhanin ang pamalit ko. Pagkatapos ay bumaba na ako.
Pagkalabas ko ay nakatalikod sya saakin. Bigla naman itong napaharap saakin.

"Pwede pakibilis bilisan mo ang iyong kilos at nagmamadali ako"-konting konti nalang uusok na talaga tong ilong ko sa sobrang inis sa lalakeng ito.

Bakit ba ang sungit sungit nya ngayon? Ke aga aga=_= sana naman may pahinga yung pagiging masungit nya ano? Kase unang una palang ay pinakitaan kagad ako ng kasungitan! Araw araw yatang may dalaw itong Heros na ito... Baligtad siguro dito sa mundo nila. Yung mga babae yung hindi dinudugo tapos yung mga lalake yung nagsusuffer na kada buwan ay may dalaw. Ang ganda kaya siguro sa feeling nun kasi walang hassle.

Padabog akong sumunod sakanya. Ilang minuto lang ang lumipas ay narating na namin ang batis na sinasabi nya. Hindi naman pala malayo... Namangha ako sa ganda at linaw ng batis. Medyo may kalakihan ang batis. Kumikinang ang batis dahil sa linaw ng tubig.

Oo nga pala! Kailangan ko nga pala ng tuwalya.

"Aalis na ak---"-pinutol ko yung sasabihin nya.

Behind That MagicWhere stories live. Discover now