Nagkakagulo ang mga tao ngayon sa mansyon ng mga Aragon dahil sa pagdukot kina Nathalie, Laureen at sa anak nito. Tahimik lang ang dalawang magkapatid sa gilid na ikinabahala ng iba dahil baka ano ang magawa nila sa kung sino man ang lapastangan na dumukot sa tatlong iyon.
"Naka handa na ang grupo namin, We're just waiting for a go signal " Prime na seryoso din itong habang nakabaling ang tingin kina Sofia, nag aalala din ito sa kung anong posibleng mangyari sa kapatid niya.
Tumango naman si Sofia dito bago naman si Prime lumapit sa kung saan naka pwesto si Rain para tignan yung footage sa kung paano dinukot ang tatlo.
"wala pa ding progress sa kung sino ang pwedeng dumukot kina Lau. wala man lang kasi itong pagkakakilanlan pwera nalang sa nag ala ninja sila " ungot ni Root na ngayon ay nagsisimula na din na maasar habang ang katabi naman nito na si Clio ay busy din sa phone neto.
" I haven't seen it before and I guess mahihirapan tayo e trace kung sino-sino ang nasa likod ng pag dukot di ko rin maitatanggi na magaling sila because of the way they move" sabi ni Rain matapos nito tignan ang footage kaya biglang nagpalatak ang katabi nito na si Prime.
" Me too. Wala nadin akong maisip kung sino ang posibleng dumukot sa kanila. " Prime.
Napatingin naman silang lahat sa dalawang magkapatid na halatang may ideya ng pumapasok sa utak nila sa kung sino ang nasa likod ng kabaliwan na ito.
" We have no time left if tama ang hinala ko, We have to act fast at hanapin sila sa madaling panahon " nanginginig at kuyom ang kamao na sabi ni Eye dito.
" do you still remember about the one na pinapa trace ko sayo and about his background ? " Sofia asked Root at tinanguhan naman ito ng dalaga.
" About Albert Sandoval ? That guy is Mafia leader. I already hacked their system and bugged them last month to get more information about him and all I can say is hindi ito basta- basta na kalaban, Wait! Ano ang kinalaman ng Mafiosong to sa pagkawala ng tatlo ? " Root kaya biglang napasinghap si Prime sa narinig at tinignan nito si Eye na ngayon ay di na maitsura ang mukha.
Naatasan kasi ito noon ni Eye na hanapin ang lalaking iyon pero magaling magtago ang lalaki at dahil naging busy din kasi ito sa kompanya nila.
" Siya lang ang posible na magpadukot kay Lie "
"Kay Lie, Pero paano sila Lau at Baby Aureen, bakit pati sila dinala nila? " nagtataka na tanong ni Alexa dito kaya agad ito na binatukan ni Emily dahil sa tanong nito.
" Boba ka ba ?!! Magkasama sila kaya malamang pati sila dinala. Utak kasi! " sabi nito na ikinanguso naman ni Alexa sabay kamot sa ulo nito.
" Masyado kasing seryoso yung usapan pati ikaw nagiging seryoso na di-----Aray! Oo na! " sabi nito pero tumigil lang din ito dahil kinurot at pinaningkitan agad ito ni Emily ng mata.
Natahimik naman ang lahat at tanging tunog lang ng keyboard ang maririnig sa loob at nakakatutok lang silang lahat kay Root na seryosong nag tatatype sa laptop nito hanggang sa mapangiti ito.
" Gotcha! " nasabi nalang nito kaya napatayo agad sila nila Clio. " and you are right nasa kanila nga sila ni Lie. "
" If he do something to them . I'll surely kill that bastard " seryosong sabi ni Eye at halata ang panginginig nito dahil sa galit at takot na baka kung ano ang gawin ng baliw na yun sa tatlo.
BINABASA MO ANG
The Ice Queen
Narrativa generaleSOFIA ARAGON- She is known as The Ice Queen , Everyone is afraid to approach and talk to her (Except for her close Friends) because of her lifeless eyes and everyone knows her as if she don't give a d*mn, But everyone still admire her from a far bec...