Natapos ang exam namin... Andito ako sa Campos naglalakad papunta sa Building nila Zachy...
Hind ko masyadong na dinig yong sinabi niya gabi..inaantok na kasi ako.
Kanina sinundo niya ako sa bahay papunta na kami sa school, habang nagd-drive siya may mga tanong lang siya kong "kamusta daw ang tulog ko ka gabi? Okay ba daw? Maganda ba daw yung gising ko? " lahat yon sinagot ko. Nong ako na sana ang magtatanong sa kanya nakarating na kami sa school sinalubong si ni Kynn. Hindi pa din sila nagpapansin..
Binulong ko kay Zachy na kausapin mo na para sakin nag *poker face lang siya at umalis ng sabay halik sa noo ko..
Kinawayan ko silang dalawa, nakasimangot ang mukha ni Zachy kaya sumenyas ng smile ka din....
Bahala na yong tanong ko basta ang importante mag kaayos na sila ni Kynn. Hindi ako sanay na hindi sila magkibuan, ngayon ko lang ata sila na kita na di masyadong nagpapansinan...
Ano kayang nagyari nong sinundan ni Kynn si Zachy? Hindi ko pa nasabi sa kanya na pinatawag ako ni Prof kaya di ko siya na puntahan non. Hindi pa ako ng S-sorry in personal.
Mamaya sasabihin ko sa kanya yong totoo.Kong sinabi na ni Kynn yon kay Zachy pero hindi pa din siya naniwala pwes ako magsasabi ng totoo.. Hindi naman yun kasalanan ni Kynn. Aksidente lang yong nangyari... Itatanong ko na din kay Zachy mamaya yung sinabi niya kagabi... may binulong siya kaso hindi ko masyadong narinig kasi ng inaantok na ako... Pag gising ko andon na siya samin nag-aantay... Na gulat ako kasi ang aga niyang pumunta hindi din siya kumain sa amin, busog pa daw siya sabi niya.
Papunta na ako sa Dep-Ed building kong saan si Zachy ngayon.. Hindi sila mag kaklase ni Kynn kaya malamang hindi sila mag kasama. Habang naglalakad ako tumunog bigla ang phone ko..
Momshie Is Calling
Bakit kaya napatawag si Mama? Bihira lang naman siya tumawag pag andito ako sa School namin, pwera nalang kong may problema sila ni Papa tinatawagan nila ako. Kong kailangan nila ng tulong tinatawagan nila ako.
Sinagot ko agad yung tawag ni Mama.
"Hello po"
Walang sumagot
"Hello!! Ma napatawag po kayo"
Wala paring sumagot... Ey call end kona sana kaso may narinig ako may umiyak.. teka tama ba ang naririnig ko si Mama umiiyak..
"Anong nangyari Ma? May problema ba kayo ni Papa?"
"Anak!"
Hindi ko masyadong marinig yong sinabi ni Mama may program kasi dito sa gym eh malapit lang kasi ang Dep-Ed building sa Gym kaya hindi ko masyadong narinig. Ang daming sumisigaw.. Kinabahan ako kasi hindi naman iiyak si Mama kong walang problema.
May sinabi si Mama sa kabilang linya kaso di ko narinig may mga babae kasing nagchichikahan dito..
Girl 1: "Sana mamatay nalang siya"
Girl 2: "Sana nga para may makape tayo"
Sabay silang tumawa ang weird naman ng trip nila gusto nilang may mamatay para makapagkape sila? Like wala bang kape sa inyo? How poor!? Charot
"Teka lang ma hindi ko kayo marinig" umalis ako sa Dep-Ed building pumunta ako sa parking lot wala kasing katao tao dito, tahimik din..
Narinig ko si Mama na humihikbi..
"Wala na si Lola mo"
Tumawa ako "Po?"
Hindi ulit nagsalita si Mama sa linya.
Wait lang ano ng ulit yung sinabi ni Mama.. Hindi ko gets pumunta ako ng canteen bumili ako ng tubig pag inom ko doon na ang sink in sa akin yung sinabi ni Mama "Wala na daw si Lola"
"Wala na si Lola mo"
"Wala na si Lola mo"
"Wala na si Lola mo"
"Wala na si Lola mo"
Pa ulit ulit bumubulong sa utak ko... Ano daw? Joke pato kasi hindi nakakatawa.. Ang bilis ng tibok ng puso ko na bitawan ko yung tubig na dala ko. Joke lang yon diba? Hindi ko alam anong gagawin ko? Nanginginig yung kamay at tuhod ko hindi ko alam kong saan ako kukuha ang lakas..
"Ma Joke bato? Kasi hindi nakakatawa ma!"
"Wala na ang Lola mo Anak!"
Sa mga salita yon nawalan ako ng balanse. Nagkarirahan ang nga luha ko sa pag agos.. Hindi totoo.. Walang Totoo dito... Nakaupo ako sa sahig hindi alam kong anong nararamdaman ko ngayon. Hindi ko pa nakikita ang Lola ko simula ning pinaalis kami sa Cebu, ni hindi ko man lang siya na kausap kahit sa text o tawag man lang. Simula nong umalis kami wala na akong natanggap na balita. Ang sabi sakin ni Papa "hindi na daw dapat ako makipag-usap sa mga pinsan ko" nong una hindi ko maintindihan wala silang sinabi sakin kong bakit kami pinaalis don.
Ni isa wala akong alam. Tahimik na kaming naninirahan dito sa Cagayan de oro. Kahit ni isang kamusta wala akong natanggap galing kila Lola. Tapos ngayon biglang tumawag sakin si Mama na wala na ang Lola. Hindi ko alam.
Para akong baliw dito sa Campos namin umiiyak. Ang daming nakatingin yung mga tao sa gym, hindi na sa program naka tingin kundi sakin na. Hindi ako nakaramdam ng hiya, humagolhol na ako ng iyak, ang sakit mawalan ng mahal mo sa buhay. Hindi ko pa siya na yakap simula nong pinaalis kami. Ang sakit lang kasi minsan kalang makatanggap ng balita sa kanila pero itong ibubungad sakin.
Wala akong pake kong sino man ang nakatingin saakin ngayon. Wala si Zachy sa tabi ko para damayan ako baka hindi pa sila tapos sa exam nila. Walang imik sa kabilang linya. Hindi ko alam kong na call ended na ba... iyak lang ako ng iyak may mga dumalo para matayuin ako pero hindi ko kaya.
Iyak lang ako ng iyak. Ang sakit. Sobrang sakit. Hindi ko kaya. Mahal na mahal ko ang Lola ko. Gusto ko pa siyang makasama ni hindi ko pa napapakilala si Zachy sa kanya.
Lola ang daya mo!!!
May tumulong sakin na tumayo sa pagkakataong ito naka tayo na ako. Nanginginig parin ang kamay at tuhod ko. Gusto ko na ding mawala sa pagkakataong ito. Nawalan ng kulay yong mundo ko. Pangarap ko pa sanang ipasyal si Lola dito sa Cagayan kasama ang mga pinsan ko pero yung mga pangarap na yung
BOOoOM
Inti-unting nawala. Ang daming kong pangarap na kasama ang Lola ko. Ni hindi pa ako nakahingi ng tawad sa kanya. Nabunutan ako ng tinig nong narinig ko ang boses ni Kynn.
"Ako na ang mag hahatid kaso. Pasok na!" Pinagbugsan niya ako ng pinto ng sasakyan niya.
Pumasok na din ako.
Iyak lang ako ng iyak. Gusto ko ng umuwi tutal tapos na ang final exam namin si Kynn o di kaya si Zachy nalang ang kumuha ng card ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/215383645-288-k366123.jpg)
BINABASA MO ANG
Its All Coming Back (Nacorda Series #1)
RomanceIf you love someone don't take another one because love is not a buy 1 take 1