Nandito na kami sa Lapu-Lapu International Airport. Wala paring pinagbago itong airport pangalan lang pala ang nagbago. Noon Mactan International Airport pero pinalitan na ni President D. ng "Lapu-Lapu International Airport".
Kasama namin si Manong Ranny gaya ng pangako namin sa kanya ni Zachary. Sayang hindi namin siya nakasama ngayon. Mas kaylangan kasi siya ni Kynn kaysa sakin ngayon. Alam naman natin na hindi maganda ang kalagayn ni Kynn ngayon. Kaya pala umalis si Papa non dahil pumunta siya sa presinto para magreport about don sa nangyari kay Kynn. Nagtataka sila bakit nasa likod ko si Kynn.
Naawa ako kay Kynn. Nong bumalik kami dito sa Cebu, andito din siya kasama namin, sobrang close niya na yung mga pinsan ko. Pusta ko hahanapin nila si Kynn, hindi ko pa din nabanggit sa kanila tungkol kay Zachary. Plano ko sana siyang ipakilala ngayon sa kanila kaso wala siya dito. Hingit parin sa kaalaman nilang Single ako... likeee duhhhh
Its like a picture-postcard. Gumanda lalo ang Airport dito. Noon hindi ko pinapansin kong ano ang nasa paligid noon lalo na dito sa Airport. Its been a month since I leave here in Cebu.
Walang alam ang mga pinsan ko na darating kami ngayon pati natin sila Tito at Tita, I hope na ngayon ay magkaayos na kami. Dahil ayoko ng mawalay pa sa kanila. Sobrang namiss ko yung tawanan, asaran at kwentuhan naming magpinsan lalo na yung pupunta kami sa lugar na gusto namin. Adventure..
Alam kong hindi maganda ang paglisan namin dito pero sana sa pagbalik namin ay okay na, wala ng away sa pagitan namin kasi kami-kami nalang tapos mag away pa dapat nga eh kami yung nagtutulongan dahil kami nalang, wala na sila Lola at Lolo.
"Kumain muna tayo." Ani Papa.
Lumingon naman ako sa kanya, si Papa ang nagdala ng maleta namin tapos si Manong ay bag lang.
Sakto gutom narin ako. Pumunta kami sa isang kainan dito. Tapos kumain na. Hindi din kami nagtagal doon dahil sobrang excited na si Manong makita ang kanya love of my life. Yieee. Ni hindi nga siya kumain. Ramdam ko si Manong gusto ko na ding makita ang mga pinsan ko pero hindi ako tulad niya na hindi ko kumain. Ako pa ba eh ang takaw ko Hahahaha. Marupok ako pag dating sa pagkain.
Mabilis lang kami nakasakay ng taxi dahil may mga pumarada ng taxi dito sa Airport. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil hindi ko alam kong ano ang magiging reaksyon nila lalo na sa mga Tito ko, sana matapos na tughidwaan namin. Hindi ko talaga gusto itong nangyayari sa pamilya namin, pagkatapos mamamtay ni Lola ganito agad ang bubungad samin na problema tapos si Kynn pa. Miss ko na si Kynn yung kakulitan niya siguro magtatanong si Ate Kathlyn sakin kong bakit wala si Kynn. Hayss hindi naman pwede kong palagi kong kasama si Kynn dito i mean awkward kaya yon, tapos si Zachary hindi ko pa napapakilala. Ahhaha justice namin kay Zachary siya yung boyfriend ko pero siya yung hindi kilala. so sad naman.
Nasa Hacienda na kami ng mga Nacorda, nakaramdam ako ng takot, takot dahil sa mangyayari, pano kong ayaw nila kaming makita dito? Pano kong itakwil nila kami bilang isang Nacorda? Hindi ko kaya yun. Sila na yung kinalakihan ko at sila din ako liliit charot lang heheheh.
Kong ano man ang gagawin nila samin ni Mama at Papa ay okay lang sakin basta magkaayos lang kami at makita na ni Manong Ranny si Manang Tesih para narin ma explain ni Manong yung side niya kung bakit niya yon nagawa. Dapat bigyan natin ng chance ang iba pwerket nasaktan nila tayo and they run our turst.
When someone does something wrong, don't forget all the things they did right.
Nakita kong lumabas si Tito Jessi kasunod niya si Kuya Jared at Manang Tesih. May pinag-uusapan silang tatlo. Hindi ko alam kong ano ang kanilang pinag-usap dahil masaydo silang malayo samin. Ni hindi ko narinig ang kanilang boses. Napansin kami ni Tito Jessi at mukhang sinabi niya iyon kila Manang. Lumingon samin si Kuya Jared at Manang Tesih. Nakita kong ngumiti ang labi ni Kuya Jared nong nakita niya kami kaya ngumiti din ako sa kanya. Nakita kong may luhang dumaloy sa pisngi ni Manong Ranny. Kay tagal na niya ito hinintay, labas akong natutuwa para sa kanila gayon ay nagkita na sila.
Lumapit kami sa kanila para makakita namin sila sa malapitan. Umalis si Kuya Jared at pumasok sa loob ng mansion. Si Manang naman ay walang kibo pati si Tito Jessi.
"Bakit kayo nandito? Anong kaylangan nyo?" Si Tito Jessi ang nagbukas ng conversation.
Walang sumagot samin kaya yumuko nalang ako, narinig ko ang tili ng aking mga pinsan kaya tumingin ulit ako sa kanila. Nakita ko silang nakangiti, pero si Manang ay tila ba nabagsakan ng mundo. Hindi ko alam kong anong nasa isip ng mga pinsan ko, bakit sila na ka ngiti? Masaya ba sila na andito kami ngayon?
"Unsa inyong kinahanglan? Naisipan niyo pang pumunta dito? At meron pa kayung kasama? Huh?" Sarcastic na sabi ni Tito Jose.
Hindi ba din pa napapawi ang kanilang galit laban saking ama? Hindi pa sila napapagod magbangayan? Kapatid laban sa kapatid.
Tila ba ay hindi maigalaw ni Papa ang kanyang katawan at bibig si Mama naman ay nakaabay kay Papa. Hindi ko gusto ang mangyayari.
"Pwede na kayung umalis." Pagtakwil nila samin. Napawi ang ngiti ng mga pinsan ko dahil sa sinabi ng Ama nila. Nakuha ni Manang ang atensyon ko nakita ko siya umiyak kasabay non ay unalis siya sa harapan namin.
Pain change people. Some become rude. And some become silent.
Sumunod silang lahat kay Manang sa loob ng mansion.
"Papa anong gagawin natin?" Malungkoy kong tanong kay Papa. "Mama,tatayo nalang ba tayo dito? Maghihintay na papasukin nila? Magmakaawa?" Sunod kong tanong. Alam kong ramdam nila ang takot at pag-alala.
"Tayo na." Ani Papa.
Anong tayo na? Aalis na lang kami? Ganon nalang ba yun? Ito na yung chance para magkaayos na kami. Gusto ko ng matulog sa gabi ng mahimbing at walang inaalala. Gusto kong umising ng walang takot. Gusto kong buohin uli ang nasira naming pamilya. Pwede naman yun diba?
Nagsimula kami na masaya at masaganang pamilya at matatapos kami sa masaya at matatag.
Lumakad si Papa papunta sa pinto ng mansion. Sigurado na ba si Papa?
Huminto siya nong nasa harapan na siya ng pinto. "Hali na kayo." Pang-aaya ni Papa.
At sa pagpasok namin doon. Bumukas ang pinto.
Boooommmm
Boomm
Bogshh
Bogshh.
BINABASA MO ANG
Its All Coming Back (Nacorda Series #1)
RomanceIf you love someone don't take another one because love is not a buy 1 take 1