Maagang pumunta si Zachary sa bahay namin may date daw kami, kaya sumang ayun si Mama at Papa na lumabas kami kasi walang pasok ngayon.
Naka dress ako nagyon kulay black tapos flat shoes. "Ingatan mo yang anak ko Zachary" sabi ni Mama kay Zachy nong nakasakay na kami sa kotse niya. Babawi daw siya sakin ngayon kaya kami mag d-date.
Pumunta kami sa isang sikat na resto, nag order na si Zachy ng pagkain. Masarap naman yong pagkain nila. Pagkatapos namin pumunta kami sa botique ng mga damit.
Binilhan niya ako ng limang damit tsaka tatlong shoes na parisian. Nahiya ako sa kanya pero sabi niya okay lang daw,babawi daw.
Hindi ko naman kailangan ng mga damit o di kaya mga sapatos para lang makabawi siya sa mga panahon na wala siya sa piling ko sapat na sakin yong kasama ko siya buong araw.Tsaka na iintindihan ko naman siya, maraming silang negosyo na dapat asikasuhin para din yun sa future niya..este future namin!
"Saan mo gustong pumunta pagkatapos natin dito sa Mall?" Tanong niya habang naglalakad kami sa parking lot.
Tumingin ako sa kanya "kahit saan basta kasama kita" sabi ko. Uminit ang pisngi niya!!! Hahaha ang cute niyang tignan pag kinikilig.
Nagtext sakin si Mama
Mama:
"Anak umiwi kana! Ayoko sanang guluhin kayo sa date niyo ni Zachary pero kailangan mo ng umuwi."
Kinabahan ako sa text ni Mama. Ano kayang nagyari. Kong ano man po yun lord tulungan niyo si Mama at Si Papa.
"Zachy"
Lumingon siya sakin "Hmmm"
"Pwedeng ihatid mo nalang ako sa bahay. Pinapauwi kasi ako ni Mama! Natatakot ako baka may nangyaring masama sa kanila Zachary." Nag iwas ako ng tingin.
Tumango siya at hinalikan ako sa noo "Walang masamang magyayari sa Mama at Papa mo" ani zachary
Pinaharorut niya ang kotse. Tinapik ko siya "Zachary dahan dahan lang, baka mabangga tayo" sa sobrang bilis ng pag-andar after 5 minutes nasa bahay na kami!
Nagtataka ako bakit! Walang ilaw sa labas pati narin sa loob ng bahay. Omyy gulayy ang dilim!! Natatakot ako baka may mumu!!!
Kumapit ako ng mahigpit sa braso ni Zachary binuksan ko ang pinto pero naka lock. Saan kaya sila Mama? Nasa loob ba sila ng bahay?
Nako kong may nangyari man sa kanila sana kong ikasasaya ko di yung ikakamatay ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa kaba. Nag-aalala ako sa kanila.
Pag maynangyaring masama sa magulang ko! Saan ako pupulutin? Spoiled brat kaya ako!! Lahat ng mga gawain sa bahay sila Mama at Papa ang gumagawa pati pag hugas ng pinggan sila din ang gumagawa, sila ang naglilinis sa kwarto ko, naglalaba pero ako yung kumokusot sa underwear ko! Yauckkerrss kahiya kaya!
Kinuha ko ang susi sa bag ko at binugsan ang pinto. Sumilip ako pero walang tao. Unang pumasok si Zachary sa bahay namin.
Nasa horror movie ba kami?
Pagpasok ko ang dilim. Di ko ma kita si Zachary.
Pagbukas ko ng ilaw nakita ko sila Mama at Papa kasama si Zachary may dalang bulaklak.
"Suprise!!" Sabay silang sumigaw. Di ako makapaniwala kanina lang takot na takot ako pero ngayon halo-halo ang emosyon ko hindi ko napigilan ang umiyak. Lunapit si Zachary sakin at binigayan ang bulaklak na dala niya, sinusuntok ko ang dibdib niya ng paulit-ulit "Nag-abala ka pa! May pa off off ilaw pa kayung nalalaman." Sabi ko
"Syempre naman anak para hindi mo agad malaman ang suprisa namin para sayo. Si Zachary nag plano sa lahat,para daw makabawi siya sayo" paliwanang sakin ni Papa
Niyakap ko si Zachary pati narin sila Mama at Papa. "Gutom na ba kayo?" Tanong ni Mama.
Tumango lang kami ni Zachary.
Umupo na kami ni Zachary samantalang abala si Mama sa paghanda ng mga pagkain si Papa naman nasa tapat ko. Pagkatapos maghanda ni Mama kumain na kami. Nag kwentohan kami. Si Papa tinatanong si Zachary sa mga bagay-bagay kami naman ni Mama nakikinig minsan nabanggit ni Papa kong kailan daw nag kasal.
Bata pa kami para don. Hindi pa ako handa, marami pa akong gustong gawin sa buhay. Gusto kong pumunta sa Cebu miss na miss ko na ang mga pinsan ko pati na sila Lola. Kailan kaya kami babalik don?
Kalaunan nagpaalam na si Zachary kay Papa at Mama hinatid ko siya sa labas ng bahay namin.
"Salamat Zachy" naglapat ang labi namin.
"Basta para sayo" ang husky ng boses niya..
"Sge na baka hinahanap kana ng Daddy mo!"
"Atat na atat kang makaalis ako. Bakit anong meron!" Tanong niya
Nagkibit balikat lang ako.
"Pumikit ka!" Utos niya "Bakit naman?" Tanong ko
"Basta sundin mo nalang ako pleasee!" Nag puppy eyes siya saka ng pout.
Nako si Zachary talaga. Sinunod ko ang gusto niya pumikit ako. Narinig ko ang paghinga niya ng malalim, naramdama ko siya sa likod ko may sinabit siya sa leeg ko.
"Open your eyes, darling!"
"Wow" nakita ko ang infinity necklace. Ang ganda.
Niyakap ko si Zachary sa saya...
"I love you" aniya
Hinalikan ko siya sa tuwa, ang ganda. Gusto kong magtanong kong mag kano pero nahihiya ako.
BINABASA MO ANG
Its All Coming Back (Nacorda Series #1)
RomanceIf you love someone don't take another one because love is not a buy 1 take 1