Nagkwentohan kami sa mga kamag anak namin. May mga nagtanong kong bakit daw ako nawala? Hindi naman ako nawala. Lumipat lang kami ng bahay. Tinanong din nila ako kong okay lang pa daw yung pamumuhay namin doon? Gaya din ba daw ng buhay namin dito sa Cebu? Sinabi ko sa kanila na hindi kami buhay mayaman sa Cagayan pero masaya kami. Sinabi ko sa kanila yung pangulila ko sa pamilya ko dito sa Cebu.
Narinig kong tinawag si Ate Kathlyn ng kanya Mama kaya lumingon ako sa kinaruruonan ni Tita Agnes sumenyas siya sakin na kalabitin si Ate Kathlyn. Ginawa ko naman ang utos ni Tita Agnes.
"Hmm" ani hindi niya ako liningon. Nag tatampo padin siya sakin hanggang ngayon? Nakita ko kasi sa mga kilos niya nong dumating kami dito mukhang iniiwasan niya naman ako. Hindi parin siya makamove on?
"Tawag ka ni Mama mo ate" yumuko nalang ako. Gusto kong magkaayos na kami ni Ate Kathlyn. Miss ko na yung asaran namin at tsaka yung sabay kaming kakanta sa harap ni Lola at Lolo. Eh kaso wala na sila.
Susundan ko sana si Ate Kathlyn pero nag vibrate yung phone ko nakita ko sa screen.
❤️❤️ZACHY IS CALLING❤️❤️
Ang lakas ng kalabog ng puso ko. Hindi kasi ako nakapagpaalam sa kanya na pupunta kami dito sa Cebu, binilin ko lang kay kynn na pagsabihan siya. Sana sinabi ni Kynn kay Zachy yung nangyari, hindi naman siguro magseselos si Zachy kay Kynn, bati na rin sila ngayon. Hindi ko nga din alam kong nakuha na ba yong card ko. Nakapasa kaya ako? Nako sana lang ayokong bigoin si Mama at Papa pati narin mga Tita at Tito ko gusto kong maging proud sila sakin, sana nandito si Lola at Lolo malapit na kaya yung graduation namin.
Nagpaalam mo na ako sa mga kamag-anak namin na aalis lang muna ako."Saan ka naman pupunta Zelle" tanong ni Laizah akmang aalis na ako.
"M-may.. ano kasi" hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko. Ayaw kasi nila na magkaroon ako ng jowa. Dapat daw munang dumaan sa kanila, titignan daw nila kong hindi ba daw ako lolokohin uso na kasi yung nga manloloko ngayon lalo naay issue ngayon tungol don sa isang manloloko hindi lang siya manloloko kundi isa din siya manggagamit.
Kilala nyo si Manloloko? Yung trending ngayon? Ginamit lang daw niya si girlaluh? May youtube channel siya at may 1M subscriber.Ang sakit sa part ni girlaluh na akala niya tunay yung pinakita nag boy. Sumikat si boy dahil lang kay girlaluh tapos gagagohin lang niya si girlaluh? Ang salbahi niya. Hindi niya deserve ang lahat ng meron siya pati narin yong 1M subcriber. He only deserve the bash from people.
Sinagot ko ang tawag ni Zachy.
"Zachy!Pasensya kana-" hindi ko na tapos ang sasabihin ko dahil nag salita si Zachary.
"Shh! Ako dapat ang humingi ng pasenya sayo dahil hindi kita nadamayan. Sorry kasi wala ako sa time na kailangan mo ako. Condolence Gazelle. Sobrang nag-aalala ako sayo."
Akala ko galit siya sakin. Napaluha ako sa sinabi niya. Hindi niya kailangan na puntahan ako lalo na may exam siya sa time nayun? Tsaka wala na yun past is past nga diba!
"Salamat Zach" hindi ko napugilan ang humagolhol.
"Ayos ka lang, darling? Umiiyak ka ba? Gusto mong pumunta ako diyan sa libing ng lola mo?"
Natigil ako sa pag iyak ko dahil sa uling salita na sinabi ni Zachy. Pupunta siya dito? Eh hindi pa tapos yung exam nila? Pano nayan may pasok pa naman yong September 5.
"Wag na darling. May exam kaba diba? Anyway nakuha mo yong card ko?" May narinig akong yapak sa likod pero hindi ko pinansin baka guni-guni ko lang yon.
Narinig kong tumikhim si Zachy.
"Ahmm. Yong Card mo? Oo nakuha ko na!" Nag-alin langan niyang sabi."Awh ganon ba. Darling-"
Hindi ko na naman natapos yong sasabihin ko kasi may tumikhim sa likoran ko. Omy sino to? Si lola bato? Minumulto ba niya ako? Omyy gulayy..
Lumingon ako nangdahan dahan dahil sa takot. Nakita ko si Arckestil. Seryoso yong mukha niya walang ekpresyon yung mga mata niya. Naku lagot ako nito!
"Sino yan? Boyfriend mo?" Hindi ko alam kong aning isasagot ko sa kanya. Ayaw na ayaw nila na mag karoon ako ng jowa. Hindi ko alam kong sasabihin ko sa kanya yung totoo.
May tiwala naman ako kay Arckestil pero pano kong malasing siya tapos ma daplis yung baba niya. Pataya ako.
Yumuko ako tapos pinatay yung tawag ni Zachy. Huminga ng malalim si Arckestil "tsk" umalis na siya sa harap ko.
Anong gagawin ko? Baka sabihin niya sa mga pinsan ko? Baka magalit sila sakin. Nangako kasi kami sa isa't-isa na hindi muna kami magkaka jowa kong walang permission nila. Kaso wala sila sa Cagayan nong panahon na nililigawan ako ni Zachary. Sinagot ko din siya dahil alam kong mahal ko siya. Hindi ko na papalagpasin yung panliligaw ni Zachy sakin, dito kasi sa Cebu wala man lang nagkakagusto sakin. Kahit crushback lang wala akong natanggap. Pinakilala ko na si Zachary kay Mama at Papa nong nagliligaw pa lang siya sakin, gusto din kasi ni Zachy na makilala yung future Lolo at Lola ng anak namin. Hahah makapag isip ang isang to parang alam yung magyayari in the future. Malay natin hindi pala kami sa isa't isa...charot lang. syempre gusto ko yung happy ending na love story, kong kaawaan man ako ni tadhana baka kami ang mag katuluyan ni Zachy. Ang dami kong gustong gawin ng kasama siya. Gusto ko sa pagbuo ko ng mga pangarap ko ay andyan siya nakasupporta sakin.
Pangarap ko kasi dati maging isang sikat na singer kaso. Sinundan ko si Arckestil hinila ko yung braso niya at nag makaawa sa kanya.
"Patawarin mo sana ako Arckestil. Kong hindi ko sinabi agad sa inyo. Alam ko namang ayaw ninyo na magkaroon tayo ng jowa ng hindi dumadaan sa mga pinsan natin."
Wala siya kibo nakahalukipkip lang siya binitiwan ko na kasi yung braso niya.
"Hayaan mo akong magsasabi sa mga pinsan natin. Parang awa muna, wag muna ngayon. Wag mo sanang sabihin sa kanila Kestil! Pleasee" umiyak na naman ako.
Seryoso siyang tumingin sakin. Tumango lang siya at walang ni isang salita ang lumabas sa kanyang bibig. Pinanood ko siyang umalis papasok siya ng mansion kanina kasi nasa garden kami nagk-kwentuhan.
Ilang minuto ang nakalipas sumunod na ako kay Arckestil baka kase magtanong sila kong bakit ako natagalan. Natakot din ako na baka sabihin ni Arckestil sa pinsan namin, siya pa lang ang may alam na may jowa ako.
Pag-pupunta si Zachary dito sa Cebu ipapakilala ko na siya sa mga Nacorda.
BINABASA MO ANG
Its All Coming Back (Nacorda Series #1)
Storie d'amoreIf you love someone don't take another one because love is not a buy 1 take 1