Chapter 23

356 23 0
                                    

Alas otso na ng umaga, kailangan na naming umalis sa Sumilon dapat around 1pm nasa simala na kami.

Nagpasya muna kaming magswimming dahil hindi kami masyadong naligo ng dagat kahapon dahil sa pagod at antok.

Tabi ko si Laizah At si Kuya Jared matulog sa isang tent sa kabila naman ay sina Mayrel,Zoe at Arckestil at sa isang tent ay si Kynn at Ate Kathlyn.

Yung sinabi ni Kynn kagabi wala lang yun, alam kong dahil sa antok kaya niya nasabi ang ganon, oh di kaya nag p-practice siya para sa mga sasabihin niya kay Ate Kathlyn.

"Kumain muna kayo Gazelle, para hindi kayo gutomin sa byahe natin, nasa dalawang oras ang byahe natin papubta sa simala." Inabutan kami ni Kuya Jared ng poso at Isa paper plate na may lamang lechong baboy.

"Salamat Kuya." Sabay kami ni Laizah.

"Kumain na kayo Gazelle." Aniya.

"Tapos ng kumain sina Mayrel kayo nalang ang hindi pa nakakain ang tagal nyo kasing gumising. Nasa dagat na sila Mayrel at Zoe." Paliwanag ni Arckestil.

"Ano namang ginagawa nila sa dagat?" Tanong ni Laizah.

Hinampas ko siya sa ulo. "Gaga, edi maliligo. Tanga naman nito." Umiling- uling si Arckestil. Masyado siyang seryoso ngayong araw, mukhang wala siya sa mood.

"Gusto ko lang kayong patawanin masyado kasi kayung seryoso sige kayo baka mas una pa kayong tumanda sakin. Baka lalo kayong pumangit niya." Sabay halakhak niya ng tawa.

"Wala atang panget sa pangalang Cris Jared Nacorda." Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang kamay. then smirk.

Hinampas namin siya ni Laizah sa Balikat. "Ang feeling mana nito." Tumawa kami ng malakas.

"Tsk." Tapos nag walk out na siya.

"Ang KJ ni Arckestil." Sabi ni Laizah.

"Hayaan muna baka may problema yan sa chiks HAHAHA." Humalakhak si Kuya Jared.


Nagswimming kami ni Laizah ng madalian dahil pupunta na kami sa Simala.

Napansin ko na walang Kynn sa paligid. Kanina pa siyang wala simula nong gumising kami at kumain. Gusto ko sanang mag tanong kong nasan siya pero kasi nahihiya ako hindi ko alam kong bakit.

Walang malisya yung mga sinabi niya kagabi lalo na may Zachary na ako. Siguro dahil sa pagod kaya nasabi niya yon. Hindi ako nakatulog ng maayos ka gabi dahil feeling ko may iba akong katabi. Hindi sila Laizah At Kuya Jared iba siya. Hindi malinaw ang lahat sakin dahil pagod din ako at gusto ko ng matulog.

"I Love Your Lips, I Love Your Eyes, I Love Your Nose and I Love You, more than anything." I feel his lips on my forehead.

Ewan ko kung panaginip lang yun. O dahil sa pagod at stress. Oo napapagod din kaming magaganda noh! Anong akala nyo kayung mga pinakamaganda lang, kahit anong sabihin nyo maganda ako. Pag sinabi mo pangit ako, lumabas ka sa inyo at hanapin mong paki ko.. ilotecku...

Ilotecku is (I LOVE+ HATE+ PAKYU= ILOTECKU) parang naman may respeto ka kahit kunti lagyan mo ng LOVE. (kunti lang)

"Ano pang hinihintay mo d'yan? Si Kynn ba? Nauna na siyang umuwi, tumawag kasi yung Daddy niya."

Umuwi si Kynn? Kaylan? Bat hindi ko alam? Nag-usap pa kami kagabi ah..

"Bakit daw?" Tanong ko kay Laizah.

"Ito naman oh na miss ko agad?" Sabay kaming pumunta ni Laizah sa bangka.

"May kaylangan daw siya gawin para sa farm ng kapatid niya." Dagdag niya.

Tumahimik nalang ako baka kasi ano pang sabihin ni Laizah.

"Nandiyan naba lahat ng gamit?" Tanong ni Kuya Jared.

"Opo kuya." Sagot ni Zoe.

Pinaandar na niya ang sasakyan, papunta na kami sa Simala.

May farm pala sila? Hindi ko alam yun ah. Saka wala naman akong nakita sa school na may kasamang iba si Kynn na kapatid niya.

"Zachyyy Is Calinggg"

Hindi ko sinagot ang tawag niya sa halip ang nag text ako sa kanya, baka anong isipin ng mga pinsan ko, ipakilala ko siya sa tamang panahon hindi muna ngayon. Dapat andito si Zachary para makilala talaga nila, mabait naman si Zachary magkakasundo siguro sila ng mga pinsan ko katulad ni Kynn ilang araw palang si Kynn samin eh welcome na welcome na siya diba pano pa kaya pag si Zachary na.

To: Zachary

"Iloveyou babe... Later nalang please. Imissyou mwauh."

Send.

Nakatulog kami sa kalagitnaan ng byahe. Kaming dalawa lang ni Laizah ang magkatabi si Zoe,Mayrel at Kathlyn ang sa likod at si Arckestil sa frontseat.

"Andito na tayo." Napagod kamo sa byahe kaya dumiresto na ako sa kwarto ko.

Naligo muna ako, pagkatapos kong maligo nagsuot ako ng pantulog na damit at humiga na sa kama. Antok na antok na ako gabi na nung na kauwi kami galing simala.

"Sobrang ganda ng Simala. Ilang taon din akong hindi nakapunta dito." Sabi ko sa sarili ko.

"Picturan kaya kita Gazelle." Nagoffer si Laizah sakin.

"Sge bah."

"Ako din ate." Inabot ni Zoe ang camera niya kay Laizah.

Pagkatapos ko si Zoe at Mayrel naman ang pinicturan ni Laizha.

Nagpapicture din si Arckestil at Kuya Jared.

"Group selfie naman." Sabi ni Laizah.

Nagtipon kami sumali din si Ate Kathlyn katabi niya si Kuya Jared.

"One, two, three, say cheese!"

"Cheese!!" Sabay lick ni Laizah sa camera.

"One more."

"Cheese!" Sabay kaming tapos yun na matapos na.

Pagpasuk namin sa simbahan kumuha si Kuya Jared ng papel sumunod naman kaming lahat, sumulat kami ng pasasalamat at dasal.

Marami akong gusto eh sulat sa papel na yun kaya nauna na silang umakyat sa taas para sa mahal na birhen.




Marami ang nangyari simula nong umalis kami dito sa Cebu. Madami naring nagbago pati jowa mo may bago.. charot lang.





Isang buwan na din simula nong pumunta kaming Cebu nila Mama at Papa. Namiss ko na agad ang kulitan naming magpipinsan.

"Ang lalim naman ng iniisip ng girlfriend ko."

Tumingin ako sa kanya. "Malalim nga, kasing lalim ng pagmamahal ko sayo." Tumawa si Zachary sa sinabi ko.

Nakita kong pumula ang kanya pisngi kaya hinalikan ko ito.

"I love you more than anything." Hinalikan niya ako sa noo.

Ang pagmamahal ko sa kanya ay parang dagat kaylan man hindi masusukat ng kahit sinong tao.

Sa 2 years namin ang dami kong natutunan. Natutu akong magmahal ng badboy. Mapapaamo mo pala ang gaya ni Zachary, noon nakikita ko siyang maykahalikan na babae may time din na tatlo silang babae ang nakapulupot kay Zachary.

Sabi ko pa sa sarili ko noon "Hindi ako magmamahal ng gaya niya."

Hindi talaga natin alam kong ano ang nakatadhana satin.

Its All Coming Back (Nacorda Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon