Chapter 11

93 1 0
                                    

Chapter 11

Sinundan ko si Aiden at Adela na hanggang ngayon ay nagtatalo parin at naghihilahan.
Hindi ko magawang pigilan sila dahil sa tensyong pinapakita ni Aiden.

"Aiden calm the heck down!" Hindi siya tumigil at umaktong walang narinig.

Nandito na kami sa parking lot at nagulat ako ng biglang lumuhod si Adela at pinigilan si Aiden pumasok sa sasakyan.

"Adela, stand up." Pagaalo ko sakanya. Umiiling siya at patuloy na umiiyak.

"N-no! Luna! Please! Alam kong naiintindihan mo ako."

"I know. Stop crying, okay? Sshh."

I hugged her and started tearing up too. I can't bear seeing my bestfriend like this. Binalingan ko ng tingin si Aiden.

"Let's take her home." Nagpakawala lamang siya ng buntong hininga at pinagbuksan kami ng pinto. Pagkatapos pumasok ni Adela at umikot ako at dumiretso sa shotgun seat.

"She's gonna be alright, Aiden. Loosen up." I assured him with a smile. Si Adela ay tahimik na humihikbi parin sa likod.

Walang sinabi si Aiden at patuloy lang na nagmamaneho. I wandered my eyes on the street.

I know Jaxon. Naniniwala ako na may mga rason siya sa kanyang ginawa at hindi niya sinasadyang saktan ang aming kaibigan.

Gets ko ang nararamdaman ni Adela. We're talking about Jaxon's ex. Iisa lang naman ang ex girlfriend ni Jaxon at nasaksihan namin ang pagkabaliw niya sa babaeng iyon. I can sense Adela's fear of losing him. Walang imposible sa mga bagay ngayon.

Gusto ko sana siyang kausapin pero I know it's not my business. Wala namang problemang hindi nalalagpasan. I hope it's just a misunderstanding.

Sinulyapan ko si Adela gamit ang rear mirror at napansing nakatulog siya. I heard Aiden's sigh so I looked at him.

"I know you're just worried for her. Pero relasyon nila iyan. We shouldn't meddle."

"She's my twin sister."

"Right. Ayaw ka rin naman siguro niyang pagalalahanin. Trust her, Aiden." He hissed but nodded right after. Alam ko namang hindi nila matitiis ang isa't isa. Magkakaayos rin sila mamaya.

Hindi pa tuluyang tumigil ang sasakyan sa harap ng mansyon ay nagulat kaming bigla nalang bumaba ng sasakyan si Adela.

"Stop. Let her Aiden." Pinigilan ko siyang sundan si Adela. He should give her space. Lalo lang hindi makakapagisip si Adela.

"You know what? I should drive."

"What?"

"You heard me right. Get off." Sabi ko habang tinatanggal ang seatbelt.

"Luna! Kaya ko magdrive!"

"Let's switch places, Aiden." Tuluyan akong lumabas para hindi na siya makapagreklamo.

"Where are you taking me?" I sighed. I looked at him with the side of my eyes because I am driving.

"Diba sabi ko may plans tayo today? Eto na yon. Just relax." I chuckled. Finally, ngumiti na ulit siya.

"Oh right. Meron nga pala tayong date. I didn't know you like it fast, Luna." He said while smirking.

"Shut up." As I said that I heard my stomach growl. Oo nga pala hindi kami naglunch.

"Is that you?" Natatawang tanong niya sakin. Sorry naman ha! Gutom na gutom na ako!

"Huwag mo kong tawanan, Aiden James! Kasalanan mo ito!" Tss.

Fireflies In My Heart (Blueprint Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon