Chapter 44
Puyat, walang kain, bahay, opisina at site lang ata ang cycle ng buhay ko netong mga nakaraang araw. Nakakapagod pero masaya naman dahil passion ko ang paga-arkitekto. Ngayong araw ang isa sa mga pinaka-busy kong naging schedule kaya naman wala na akong oras para tignan pa ang aking phone.
Hindi ko napansin ang pagtawag ni Aiden sa akin ng ilang beses kaya naman ay nag-aalala na ako. I got 5 missed calls from him. Nagtatampo ako sakanya pero hindi ko rin naman maiwasan ang hindi mag-alala. Halos maghahating-gabi na, pagod na ako at wala nang lakas para tawagan siya kaya naman naisipan kong umuwi muna at magpalamig nang sa ganon ay magkaroon ako ng energy. Minsan nalang kami makapagusap kaya naman gusto kong sinusulit ang pagkakataong iyon. Although I'm still mad about him. Ni lugar kung nasan siya ay hindi ko alam. Basta ang alam ko lang ay busy siya. Tch.
"Thank you, Yna. Pati tuloy ikaw ay nago-over time na. Sure ka bang ayaw mo mag leave or kahit day off man lang?" I sincerely asked my secretary. Dahil sa tambak tambak na trabaho ay hindi ko maiwan iwan ang aking opisina, pati tuloy ang secretary ko ay napipilitan na ring samahan ako dito.
Inayos niya ang nagkalat na documents ko sa aking table at sinserong ngumiti at umiling. She reached for my hand and caressed it. Napatingin naman ako sakanyang mga mata nang gawin niya iyon.
"Take care of yourself, Architect Grimaldi. Huwag ka hong mag-alala sa akin. Isa lang 'to sa mga thank you ko sa dami nang naitulong mo sakin simula pa lang noong nag-aaral ako. Rest, Architect. Ako na ang mag-aayos dito." She genuinely said. I sighed.
"Alright. Pagod na talaga ako at hindi na gumagana ang aking utak. I'm sorry, Yna. I'll go ahead, okay? Thank you." Sabi ko.
Naisipan kong sa condo nalang dumiretso dahil sa apat na araw kong pag-stay sa mansion ay walang ginawa sila Dad kundi pilitin ako na huwag nang makisali sa kaso laban kayla Emmanuel.
Papasok na sana ako sa banyo para maligo nang sinubukan kong tawagan si Aiden. Cannot be reached. I failed thrice. I tried calling him again but another caller called me instead. Tinignan ko at nakitang si Sister mula sa bahay ampunan na pinatayo namin ang tumatawag. Bigla akong kinabahan. Why would she call at this hour?
"G-good evening, Sister." I nervously said. Napakagat ako sa aking ibabang labi sa nerbyos.
"Sorry iha, nagising b-ba kita?" She cautiously answered.
"Hindi naman po. Ano pong maitutulong ko sainyo?" Tanong ko. Umupo muna ako sa dulo ng aking kama para mas mapagtuunan ng pansin ang aking kausap.
"P-pasensya na, Luna. H-hindi ko nagawang sabihin sayo ang nangyayari rito sa Sorsogon. N-nanakawan kami. Ang pera na inihuhulog mo sa bangko ay paubos na. Ang lakas rin ng bagyo rito kaya ang mga kwarto ay nagkakatulo na. Iyong tubig rin namin ay nagkakaproblema. Ang mga bata ay puro may ubo at sipon. Humihingi ako ng pasensya dahil sa nagawa naming pagkukulang, Luna. S-sana maintindihan mo kami." Tuloy tuloy niyang sabi. Narinig ko pa ang kanyang pag-hikbi.
Lalo lang akong nawalan ng lakas sa narinig. Patapos na ang araw ngunit may dumagdag pa. Napasabunot nalang ako sa ulo dahil sa stress.
"Paano pong nagkakasira dyan, Sister? Ang pinagawa naming bahay ampunan ay calamity proof! Hinding hindi iyan masisira ng signal 2 na bagyong nangyayari ngayon! Sister naman, paano na ho ang mga bata? Kayo?" Tuluyan na akong napa-yuko sa pagkadismaya. Huminga ako ng malalim upang maikalma ang sarili at makapag-isip ng maayos.
BINABASA MO ANG
Fireflies In My Heart (Blueprint Series #1)
Teen FictionAstrid Claudia Grimaldi, graduated as her batch's top Architecture student, believes that forgiving is what truly molds a great person. She will meet Aiden James Morgan, one of the famous bachelors in town, and he will be the walking virus that woul...