Chapter 14
I just finished rendering my layouts for my individual thesis at finally! Natapos ko rin after how many weeks of consulting and pulling an all nighter! Ilang beses ko ring binago lahat! Dito nakasalalay kung makakagraduate ako or hindi.
Bukas ang pasahan neto pero two weeks from now pa ang presentation. I still need to make my own model and board. Bukod pa rito ang ginawa naming project ni Aiden.
Buti nalang may lakad kami mamayang gabi. Alcohol will keep me sane! Nakakadrain talaga ang archi.
Twelve noon palang naman at mamaya pang eight pm ang usapan namin kaya naisipan kong guluhin si Leila ngayon.
"Ooops!" Gulat akong pumasok sa isolation area ni Leila dahil nadatnan ko ang doktor niya.
"A-ate! Anong ginagawa mo dito?" Wow!
"Masama?" Naguguluhan ako sa inaakto niya. Ayaw niya ba ako rito? Tss.
"Ha? H-hindi naman. Nakakagulat lang." Siya pa nagulat? Inirapan ko lang siya at umupo sa sofa.
I looked at his doctor and I can sense his expression is wary. Nakaiwas rin ang tingin niya sakin. What's wrong with these people really?
"Aren't you gonna introduce me to your doctor?"
"A-ay! Uhmm Evan this is my Ate Luna. Ate this is Evan Adams." I smirked.
"Good noon Ma'am. It's a pleasure to finally meet you." He said as he shook my hand. Very mature and formal. Pasado na!
"I'm sorry but did I intimidate you?" They looked at each other before answering.
"Ate tinatakot mo siya eh! Sige alis kana! See you bukas!" Si Leila na ang sumagot dahil sa tingin ko ay nahihiya pa sakin ang Evan na to. Tinanguan ko lang ang doktor niya.
Hinatid naman ni Leila si Evan sa pinto bago muling bumaling sakin. I laughed. Bakit ba kabang kaba sila? Mukha ba akong nangangain?
"Wow ha may bukas pa talaga? Kala ko weekly lang ang check up mo?"
"W-what brings you here?" She asked. Tinaasan ko siya ng kilay.
"I'm bored."
"Bakit hindi ka nalang sa bebe mo sumama? Istorbo!"
"We're both busy. Sigurado ka bang inaalagaan ka niya? Why are you so pale?" I looked at her from head to toe.
"A-ako? Baka dahil sa lamig." Nakita ko namang may inaayos siya sa basurahan.
"Kailan ka pa naging basurera?" I laughed. Siya ang pinaka maarte saming magkakapatid kaya himala talaga to!
"Ang dami mong sinasabi! Umalis kana Luna!" Sabi niya habang tinutulak ako.
"Kapag wala na si Evan hindi mo na ko tatawaging Ate? Ang plastic mo Leila!"
"Stop asking about Evan! Kaloka to!"
"Evan lang walang doctor? First name basis na pala kayo." I laughed.
"Chupi chupi! Nakakastress kana!" Tuluyan na nga niya akong napalabas ng kwarto niya. Hindi ko naman mapigilan mapangiti.
If there is really something going on between them. I will be very happy because she finally have someone who can make her life colorful. Yun lang naman ang hiling ko para sakanya.
BINABASA MO ANG
Fireflies In My Heart (Blueprint Series #1)
Teen FictionAstrid Claudia Grimaldi, graduated as her batch's top Architecture student, believes that forgiving is what truly molds a great person. She will meet Aiden James Morgan, one of the famous bachelors in town, and he will be the walking virus that woul...