Chapter 20
I think it's already 3 am at hindi parin ako pinapatulog ng mga sinabi ni Leila. I trust her but ako yung walang tiwala sa sarili ko.
I keep pacing back and forth, nagdadalawang-isip ako kung pupuntahan ko ba siya sa baba.She loved so much, she hurt herself and I will blame myself if something bad happens to her. Hindi ata kakayanin ng konsensya ko kaya napagdesisyunan ko nalang na puntahan siya.
Nagpatong lang ako ng hoodie at hindi na nagpalit ng pajamas. Nararamdaman kong may kakaiba sa kinilos ni Leila kanina at sana nagkakamali lang ako.
"Ma'am bawal na po kayo pumasok. Lagpas na po sa oras." Pagpigil sakin ng bantay.
"Let me in." Matigas kong sabi. I can feel my heart beating so fast. This is not a good sign.
"Pasensya na po talaga pero mahigpit na ipinagbabawal po ito ni Madam." Napasabunot ako sa buhok dahil sa narinig.
"Ang lintek na utos pa ba ang iniisip mo?! Hihintayin nalang ba natin mawala siya? O hihintayin kong mawalan ka ng trabaho?!" Inis na sabi ko sakanya. Mukhang natakot siya sakin kaya binuksan niya ang pinto. Nalaglag pa niya ang mga susi sa taranta.
Pagkapasok ko ng kwarto ay bumungad sakin ang malinis na gamit at walang kahit anong anino ni Leila. Nagsimula na namang tumibok ng mabilis ang dibdib ko.
Hinalughog ko na ang lahat ng parte ng kwarto pero wala! Pati ang mga damit ay nawala.Rinig ko ang malakas na tawag sakin ng guard pero hindi ko na iyon pinakinggan at dali daling kinuha ang susi ng kotse. Ayokong mawalan ng pag asa, sigurado akong nandyan lang siya sa paligid at hindi pa nakakalayo.
Sakto naman at parang may nakita akong anino sa likod ng bahay malapit rito sa garahe. Gagamitin ko sana ang sasakyan kong tahimik ang makina pero napansin kong nawawala ito. Gamit ni Leila. I trust my sister. Sana tama ang ginagawa niya.
"Leiluna!" Tawag ko sa babaeng nakatalikod at tumatakbo. Hindi siya lumingon pero ramdam kong siya ito.
Sumakay ako sa range rover at dali daling sinundan ang sasakyan niya. I wanted to cry but the last thing I'd do right now is to be sad. I need to make sure my sister's safe. Susuportahan ko siya sa kahit ano mang gawin niya.
"Slow down, please." Bulong ko sa sarili. Alam ko ang daan na 'to. Papunta siya sa Sierra. Malapit doon ang ospital ni Evan.
"Fuck! Tangina napakabagal niyo! Mga harang!" Naiinis na ako dahil ang dami pang sasakyang humaharang sa daan. Naririnig ko ang pagtunog ng aking phone, siguro ay nakarating na sa aming mga magulang ang pagtakas ni Leila.
Hindi ko na maaninag ang sasakyan ni Leila. Sinabayan pa ng ulan! Ang gandang timing talaga! Ang dulas ng kalsada pero sumugal ako at binilisan pa ang pagpapatakbo ngunit sadyang may mga bagay talaga na sagabal!
"Aarrgghh! Padaanin niyo ko!" Gusto ko nang iuntog ang sarili sa manibela sa irita. Paulit ulit akong bumubusina pero parang hindi nila ako maintindihan at mas inunahan pa ako.
"Leila p-please, go home to Ate." Naiiyak kong sabi. Para na akong tanga rito sa loob ng sasakyan at tuluyan nang nababaliw sa takot. I'm stuck in traffic, hopeless.
"Waaah!" Nagulat pa ako dahil biglang kumidlat. I covered my ears. I am shivering. The heavy raindrops started to pour like how my tears started to stream down my face. Wala akong kwenta, I am so fucking useless!
Bigla akong napa-ayos ng upo ng marinig ang busina ng mga sasakyan. Nakita ko silang bumabalik sa pinanggalingan naming daan. Didiretso na sana ako para hanapin ulit si Leila pero pinara ako ng pulis.
BINABASA MO ANG
Fireflies In My Heart (Blueprint Series #1)
Ficção AdolescenteAstrid Claudia Grimaldi, graduated as her batch's top Architecture student, believes that forgiving is what truly molds a great person. She will meet Aiden James Morgan, one of the famous bachelors in town, and he will be the walking virus that woul...