Chapter 16

66 1 0
                                    

Chapter 16

"Goodmorning Ma'am Grimaldi." Bati sakin ng nasa front desk. Nandito ako ngayon sa company dahil may gusto lang sana akong iconsult sa senior architect namin dito para sa thesis ko. But I will ask my parents' permission first.


I can feel everyone staring at me because of my casual attire. I feel so out of place for a moment. After ko kasi dito ay may lakad kami ni Aiden. Our monthsary is coming up. Magiinquire rin sana kami sa mga travel agency mamaya.



Pinipilit niya akong siya na ang umasikaso sa lahat but I chose not to. Because I want it the hard way. Wala, Trip ko lang.



Tinignan ko ang receptionist. Ang tagal naman? Kung tutuusin kaya kong umakyat nalang sa office nila Mom and Dad pero that would be rude. Tsk.


"What's taking so long?" I impatienly asked. Mukhang nagulat naman siya.


"S-sorry po. Busy po kasi ang line ng secretary nila Sir." Nakayukong sabi niya.


"Can I get my pass? Diretso nalang akong pupunta doon." Pagkasabi ko non ay dali dali naman niyang ibinigay sakin ang id.




I changed my mind. Ako nalang ang aakyat roon. Past four pm na at susunduin ako ni Aiden rito ng five dahil baka matagalan ang consultation ko sa senior architect.



I stepped in the elevator at nakita ang gulat sa mga kasabay ko dahil sa pagpindot ko ng last floor. Napayuko naman sila ng makita ko ang kanilang tingin. Only the ceo and the higher positions can go to that level that's why.




"Where's Dad?" I asked. Mayroon ring front desk receptionist rito. Kilala na naman nila ako kaya hindi na sila nagulat.



"I will call his secretary immediately ma'am. Hold on." She answered back.




I decided to sit on the sofa while waiting. I tapped my foot habang tinitignan tignan ang nails ko just to get away from the people's stares.


Nakita kong lumapit sakin ang receptionist at sinabing dumiretso nalang daw sa office niya dahil nasa meeting pa si Daddy.




"Mom---" I stopped dead in my tracks. Gulat akong napatingin sakanila. What the fuck?



Nakita ko ang isang rebulto ng lalaking nakadantay sa table ni Mommy. Kulang nalang ay halikan niya ang aking ina.



"L-luna! Anak! Nandito ka pala?" Nakita ko ang biglang pagtayo ni Mommy sakanyang upuan ng makita ako. Lumapit ako sakanila at tinaasan ng kilay ang kasama niya.



"So you are THE Emmanuel?" I hissed. I saw how his adam's apple moved. Hinarangan naman siya ni Mommy.



"B-bakit hindi mo sinabi sakin na pupunta ka?" Nauutal na tanong ng aking ina.



"Kanina pa ako nandito. Busy ka lang ata sa....business mo." I said while still not taking my eyes off the Emmanuel guy.



"Hindi mo ba ako ipapakilala sakanya?" Dagdag ko pang sabi. I took a step closer to him pero hinatak lang ako ni Mommy papunta sa sofa. I smirked. Scared?




"Ang Dad mo ay nasa meeting pa. Pero matatapos na iyon after ten minutes." Sabi niya nang hindi tumitingin sa mata ko. She offered me coffee but I declined. Nakipagtitigan lang ako sa lalaki niya.




"Ah kaya pala sinasamantala niyo? Here in my Dad's office really?" I said as I emphasized the word Dad. Tumayo ako sa aking upuan at pinagkrus ang mga braso habang nakatingin ng malalim sa kanila.




Fireflies In My Heart (Blueprint Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon