Chapter 26

89 2 0
                                    

Chapter 26



Inis akong nag-hilamos at nag-suot ng simpleng sweatpants and cropped top. Pupunta ako sa office ngayon para isubmit ang lintek na blueprint kay Engineer Morgan!



I stayed up all night for this! Ni wala pa akong tulog, that's why I'm planning to go home immediately after I give this to him.



Makahulugan akong tinignan ng guard pagkapasok ko sa office dahil una, sa main entrance ako pumasok at pangalawa, nakapang bahay lang ako!



I somehow feel ashamed of myself right now, yung mga tao sa elevator ay iniiwasan ang tingin ko! Who wouldn't be? I look wrecked tapos may bitbit pa akong storage tube!



Nandito na ako sa engineering department at napansing kakaunti lang sila ngayon dito.



"Goodmorning, is Engineer Morgan here?" I asked to the receptionist. Mukhang nagulat pa siya sa akin.




"S-sorry Ma'am, pero ang sabi po niya sa MBD po siya papasok ngayong araw." That jerk! Nagpasalamat lang ako sandali at tinanong kung nasaan ang office niya rito.




Hinding hindi ako mage-effort puntahan siya sa kompanya nila no! Pwede ko namang i-email sakanya. Inis akong nag-marcha papunta sa kanyang opisina.
Not minding the people's stares.

Hindi ko rin siya ma-gets. How come I didn't know na ngayon ang deadline ng design?! He must be having fun seeing me struggle.




Pagkapasok ko ay nagulat pa ako sa sobrang gulo ng office niya. Parang nagkaroon ng signal number 5 dito! I really hate it when everything's cluttered kaya kahit inis na inis ako sakanya, pinulot ko yung mga nagkalat na papel at rulers.



"Hindi ka nakakatuwa, Aiden." Irita kong sabi habang nagaayos parin.




Mababawasan na naman siguro yung galit niya sa akin no? Tsk. Nilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kwarto. His office is quite dark, wala man lang halaman!

Nagulat naman ako sa sunod sunod na katok. I turned around and found a guy holding an envelope.




"Ay! Sorry po, Architect! Ilalagay ko lang po ito dito, para kay Engineer Morgan raw ho e." Nahihiyang sabi niya. Nilapag niya iyon sa table ni Aiden at umalis na.




I got curious so I looked at it. Why does he have this? Sa pagkakaalam ko ay wala naman siyang mga kaaway, kaya para saan ang FBI envelope na ito?




Natigil ang pagiisip ko nang marinig ang aking phone na tumutunog. It's my freaking alarm! 10 am ako gumigising araw-araw pero ngayon hindi pa ako nakakatulog!

Binaba ko ang hawak na envelope at umalis na. Bumalik nanaman yung pagka-irita ko kay Aiden James! Argh!




Wala pa atang tatlong oras ang tulog ko ay narinig ko nanaman ang pagtunog ng aking phone. I looked at the caller and saw that it was Aiden. I cancelled it.


Hindi tumitigil ang pagtunog kaya irita akong bumangon at sinagot iyon.




"Ano ba!? Maawa ka naman sakin!" Sigaw ko. Huwag niyong gagalitin yung wala pang tulog. Please lang.




"Astrid Luna! Bakit mo 'ko sinisigawan!?" Tuluyan nang nagising ang kaluluwa ko. Halos gusto ko na sabunutan ang sarili ko!




"D-dad. A-akala ko...oh my gosh! I'm sorry!" Humanda ka talaga pag nakita kita, Aiden James! Pinapahamak mo ako!




Fireflies In My Heart (Blueprint Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon