Chapter 24

82 4 1
                                    

Chapter 24



Kinakabahan akong pumasok sa aming mansyon pero ang katabi ko ay petiks lang! Pakisabi ngang kaya kami nag-mall ay para matakasan ang dinner na 'to! Tsk.



"Ads! Hintay!" Tuloy tuloy lang siyang pumasok sa dining area kaya wala akong nagawa kundi sumunod na rin. Nagulat ako nang pati si Ate Amelie nandito!



"L-luna?" Hindi makapaniwalang sabi ni Mommy. Iniwas ko naman ang tingin ko.



"Good evening, M-mom." I gently said. Nilapitan naman niya ako at niyakap ng mahigpit. I hugged her back. Si Dad naman ay tinapik lang ako.




She's probably still in shock right now. Hindi matanggal sakin ang tingin ni Mommy. It's like she's analyzing me. Ang mga Morgan naman ay nginitian lamang ako pero si Don Amorsolo ay niyakap ako. Tahimik naman akong umupo sa pwesto ko katabi si Adela. Thank God, Aiden's not here.




"How's Spain, Luna?" Tanong ni Tita Celestine, ang Mommy nila Adela. Napataas ang kilay ko sakanyang tanong pero agad ko ring nabawi.



"Great as always." Sabi ko at pinagpatuloy ang pag kain. She's never been a fond of me anyway so I am confused. She initiated the conversation and that's a first.



"Really? No boyfriend?" I scoffed. Mukha ba kaming close para tanungin niya ako tungkol doon? Napansin ko naman ang simple niyang pagtikhim.



"There were a few." Simple kong sabi. Mukhang nagulat pa sila sa sinabi ko. I mean, why not have a boyfriend again, right? I'm not like the typical emo girl.



"A few? Naging playgirl ka na ata?" Tanong niya ulit. I placed my utensils on my plate to look straightly at her. Adela held my hand under the table, squeezing it. Trying to calm me down.



"I'm sorry, but isn't it kind of rude to ask that to someone you aren't really close to?" I saw the shock in their eyes. Si Ate Amelie naman ay nakita kong napainom ng tubig.



"Luna, enough." I looked at Abuelo. Is he really siding with this woman? She partly contributed miserable things in my life! That's why, I somehow hate her guts. But I still respect her as a woman.



"I'm sorry, I am late." A deep voice said. Napa-angat ang paningin ng lahat maliban sa akin na tahimik lang uminom ng tubig. Baka kasi nakipag-date pa sa mall kaya na-late!



"Aiden, I'm glad you're here! Busying-busy kana sa kompanya niyo." Masayang sabi ni Dad. Napataas naman ang kilay ko, kung busy pala siya, dapat hindi na siya pumunta!



"Hindi mo ba babatiin si Luna, Iho?" Muntikan na akong masamid sa inosenteng tanong ni Doña Sofia. Napahawak ako ng mahigpit sa kutsara at tinidor ko. Mukhang nagulat naman si Aiden nang makita niya ako dito.



"I don't talk to strangers." He clearly said, mocking me. I heard my Kuya and Adela's chuckle near me. Sinamaan ko ng tingin si Aiden pero nginisian niya lamang ako.



The dinner didn't end so well as what I've expected. You can definitely tell that there's some tension going on between us. I wanted to say sorry to Ate Amelie because she had to witness that.



After I ate last night ay dumiretso na rin ako sa kwarto para matulog. Today is another day, it has been three days since that dinner and I'm happy hindi na iyon nasundan pa.




I am now on my way to the conference room dahil mayroon kaming meeting for the upcoming mall near MOA. Nagsuot lang ako ng black blazer dress na may gold buttons from Versace. Partnering it with my black satin pumps from ofcourse, Louboutins. Dala dala ko rin ang aking white YSL purse.



Fireflies In My Heart (Blueprint Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon