Prologue

16 1 0
                                    

Prologue

"Magandang Umaga Miss Courtney Valdez" bati sakin ng isang may katandaan ng lalaki. Nakasuot ito ng tuxedo na sinusuot ng mga Butler base sa mga napapanood ko.
Matikas ang tindig nito at halatang gwapo noong kabataan niya pa. Di rin maitatago ang ilang wrinkles niya sa noo.

Nagkasilong ako ngayon sa waiting shed dahil sa sobrang init. Sabi kasi ng Agency na pinag applyan ko ay susunduin daw ako mismo para ihatid kung saan ang trabaho ko.

Tumayo ako at medyong nag aalangan pa "Ahmm kayo po ba yung susundo sakin?" Tanong ko.

Ngumiti naman ang matanda at tumango "Ako nga po Miss Valdez, kung inyong mamarapatin ay sumakay na po kayo" inilahad niya sakin ang upuan sa bandang likuran.

Ngumiti ako ng maliit at tumalikod upang kunin ang gamit ko. Stay in daw kasi ang trabaho ko doon bilang katulong.

Nagulat ako ng may biglang may kumuha nun para sakin, napaatras tuloy ako ng bahagya.

"Ako na po Miss Valdez, sumakay na po kayo " nauna na siyang mag lakad sakin at ipinasok na ang bag ko.

Medyo nahiya ako dahil medyo may kalumaan at madumi ang bag na iyon. May mga tastas at butas na rin sa gilid.

Marahan akong sumakay sa likod at ipinatong sa kandungan ko ang bag.
Sinarado na ni Mr. Butler ang pintuan ng sasakyan at sumakay na din siya sa front seat.

"Thank you po Mr...." nahihiya kong sabi.

Ngumiti siya sakin " Paumanhin, Ako si Teodorico. Ako ang Butler ng mga Lacsamana, Tawagin mo na lamang akong Lolo Teodor"

Ngumiti rin ako pabalik "Sige po Lolo Teodor!"

Tumingin na lamang ako labas at pinagmasdan ang paligid. Ano na kayang ginagawa ni Lola doon?

Bigla tuloy akong nalungkot ng maalala na malalayo ako Kay Lola ng matagal na panahon. Pangako Lola sa oras na makapag ipon ako ng sapat ay agad akong aalis dito at pupuntahan kita agad.

Sana ay ayos lang siya doon , sana ay inaalagaan siya ni Tiya Isabel. Nangilid ang luha ko ng maalala ko ang kalagayan ni Lola at maraming aparatong nakakabit. Sana ay gumaling na siya agad. Sa oras na makatanggap ako ng suweldo ko ay agad kong ipapadala sakanya.

Medyo mahaba haba rin ang binyahe namin kaya nakatulog ako. Nagising na lamang ako ng may tumapik sa isang pisngi ko.

Bumungad sakin ang mukha ni Lolo Teodor. "Narito na tayo hija"

Agad kong inayos ang magulo kong buhok at inayos ang pagkakaupo ko. Nahiya ako dahil baka mukha akong mangkukulam pag nakaharap ko na ang aalagaan ko.

Kinuha ni Lolo Teodor ang gamit ko at naglakad na. Bumaba naman agad ako at sumunod sakanya.

Bumungad sakin ang napakalaking bahay --no scratch that, Mansion ng mga Lacsamana.

Grabe ngayon lang ako nakakita ng ganito kalaking mansion sa buong buhay ko.

May tumapik sa likuran ko "Halika na hija at baka kanina pa nag aantay ang aalagaan mo"

Tumango naman ako agad at sumunod sakanya. Nag bukas ang malaking dalawang pinto sa harap ko at naaninag ko agad ang grand staircase nila na may red carpet pa.

Kitang kita ko rin ang ibang mga maids na busy sakanilang ginagawa. At ang tiles grabe ang kikintab sa sobrang linis.

May malaking chandelier na nakakabit sa gitna. Kakaiba ang disenyo nito at halatang mamahalin.
Grabe parang Hari at Reyna ang nakatira dito.

Baby You, Yaya Me (On-going)Where stories live. Discover now