Chapter 7

1 0 0
                                    

Chapter 7

"Courtney kakain na daw!" Sigaw ni Clara mula sa kusina.

Andito ako ngayon sa labas ng bahay at nagsasampay ng mga nilabhan ko.

Halos mag dadalawang linggo na kami dito ni Lola at kahit papano naman ay agad kaming nakapag adjust lalo na at lumaki ang pamilya namin.

Si Tiya Isabel ay ang nag iisang anak ni Lola Cara. May tatlo itong anak, isang babae at dalawang lalaki. Si Clara ay halos kaedaran ko lang, samantalang ang dalawang lalaki ay nasa elementarya pa lamang.

"Oo, susunod ako..." Sagot ko pabalik.

Pinigaan ko na ang huling damit at agad na isinampay.
Mas maaliwalas ang tirahan doon sa probinsya kumara dito. Kakaunti lamang ang puno at marami pang sasakyang nagdaraan kaya minsan lamang makalanghap ng sariwang hangin.

Agad naman nanumbalik ang ala ala namin ni Reagan sa probinsya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isipan ko kung bakit siya umalis ng walang paalam. Siguro narealize niya na rin na wala siyang makukuha sakin.

At sino nga naman ako para magpaalam siya bago umalis, hindi niya naman ako nobya. Noong mga panahong iyon ay hindi ko pa naiisip na sagutin kaya siguro umalis siya kasi nagsawa na siya sakin.

Agad namang may dumagan na mabigat sa dibdib ko. Hindi ko man aminin sa sarili ko pero may nararamdaman na ako sakanya.

Ipinilig ko na lamang ang ulo ko, ayoko munang magulo ang isip ko tungkol sa ganyang bagay. Si Lola Cara at ang panggaling niya ang priority ko ngayon.

Papasok na sana ako sa loob ng makarinig ako ng paninitsit.

Agad nangunot ang noo ko at lumingon. Kitang kita ko naman ang ngising aso ng kapitbahay namin na si Tonny. Nakapang halumbaba ito sa balustre ng bahay nila at kumaway pa ito sakin.

Halatang may kaya ang pamilya nila dahil mas malaki ang bahay nila kumpara kila Tiya Isabel. Payat ang binata at may itsura naman kahit papano pero hindi ko gusto ang paraan ng pagtitig nito.

Minsan ay naaalala ko sakanya si Zyrine dahil sa parati nitong pag ngisi.

Awkward akong ngumiti sakanya at agad pumasok sa bahay. Nalanghap ko agad ang bango ng niluluto sa kusina.

"O andyan ka na pala hija, hala sige maupo ka na. Tulog pa si Mama pero nakakain na siya kanina pa." Pambungad ni Tiya Isabel.

Tumango naman ako at ngumiti. Umupo ako sa may kanang bahagi ng lamesa at katabi ko si Darryl.

Ngumisi siya sakin at binigyan ako ng plato.

"Salamat..."

Nakita ko naman si Clara na kapapasok lang habang nagse cellphone. Kitang kita ang magandang kurba nito dahil sa suot na itim na sando at maong shorts. Maputi si Clara at may chinitang mga mata kagaya ng kay Tiya Isabel , nakuha naman nito ang maamong mukha sakanyang ama.

Agad nilapag ni Tiya ang adobo sa gitna. "O tama na ang pagse cellphone Clara at kakain na."

Agad ko namang naalala ang pagkaing niluto sakin ni Reagan. Hay hindi ko na ata siya maalis sa sistema ko, konting bagay lang ay siya agad ang naaalala ko.

Umiling na lang ako at nagsimula na kaming kumain.

"Kamusta naman ang trabaho mo hija?" Pagsisimula ni Tiya.

Nag angat naman ako ng tingin. "Ayos lang naman po, medyo nakakapagod po dahil sa pag byahe pero kaya naman po."

Nagtatrabaho ako sa pampublikong paaralan. May kalayuan din mula dito sa bahay nila Tiya Isabel kaya maaga akong umaalis.

Baby You, Yaya Me (On-going)Where stories live. Discover now