Chapter 3

2 0 0
                                    

Chapter 3

Sumapit ang oras ng lunch at kitang kita ko na naman ang ngisi ni Zyrine. Para siyang bulate na inasinan at Di mapakali.

Kanina niya pa ako pinaaalalahanan na mag ayos daw ako at paghandaan ko daw ang date 'kuno'  namin ni Reagan

"Naku kailangan maganda ka, pero maganda ka na naman talaga. Pero syempre kailangan mag ayos para maganda ang first impression niya sayo" kanina pa siya dada ng dada sakin habang hinihintay namin si Reagan.

Sinamaan ko siya ng titig dahil pinakikialaman niya na ang gamit ko.

"Alam mo konting suklay at konting ayos lang ay pwede ka ng model. Para kang hindi taga probinsya dahil sa porselana mong balat grabe! Ang kinis kinis mo rin, ano ba ang beauty secret mo hmm?" Talak niya sakin habang sinusuklay niya ang buhok ko.

Hinawi niya ang tuwid na tuwid kong itim na buhok sa kanan. Inikot niya ang iilang hibla na tumatakip sa mukha ko at itinali sa likod. Nilagyan niya ng iilang hibla ang magkabilang gilid.

"Oh my kailangan din natin ng lipstick o di kaya ay lipgloss or something basta maging mapula ang labi mo"  taranta na naman siyang naghanap sa gamit ko.

Napa face palm na lang ako dahil parang siya ata ang makikipag lunch Kay Reagan.

Dinilaan ko lang ang labi ko at naging kulay rosas agad ito.

Bumaling siya sakin "Ay di na pala kailangan, bakit kasi ang ganda ganda mo?" Ismid niya sakin.

Tumawa na lang ako sa kakulitan niya. Agad ko namang namataan si Reagan sa dagat dagat na estudyante.
Pinagtitinginan siya dahil sa bagong ayos niya, mukha pa rin suplado kahit sa malayuan.

Para siyang model na naglalakad, nahahawi ang mga tao. Ang tikas ng tindig niya at kung paano siya tumingin ay talaga namang nakakangatog ng tuhod.

"Jusko day kung ganyan ba naman ang makakasabay ko sa lunch ay iuuwi ko ng lang para walang ibang makakita" may pasandal pa siya sa pader na parang nanghihina.

Napailing na lang ako sa sinabi niya.

Tumayo na rin ako at kinuha ang mga gamit ko.

Ang mariin niyang mga tingin ay sakin na nakatutok.

"Let's go?"  Matigas na ingles niyang sabi.

Tumango na lamang ako at tumingin Kay Zyrine na hanggang ngayon ay nakatanga sakanya.

Tumango lamang sakanya si Reagan.

"Sge Zy sabay na lang tayo umuwi mamaya" tumango lang siya sakin.

Sumunod ako Kay Reagan at habol tingin ang ginawa ng mga Co teachers sa paglalakad namin.

Nakarating kami sa paanan ng bundok at nakita ko ang isang lamesa sa ilalim ng puno. May dalawang upuang kahoy din at maraming nakahandang pagkain. May sapin din ang lamesa pati na ang upuan, halatang pinaghandaan.

Ibinaba ko ang gamit ko sa isang upuan. Bakit niya pa ako binigyan ng ulam kung may nakahanda na palang pagkain?

"The dish that I gave to you is for Lola. May hinanda na kasi ako para satin" hindi siya makatingin ng diretso.

Tumango lamang ako at pinagmasdan ang mga pagkain. Mayroong Kaldereta, sinigang, at adobo. May kanin din na nakahanda at prutas para pang himagas.

"Naku ang dami naman nito baka hindi natin ito maubos" nahihiya kong sabi dahil nag effort pa talaga siyang mag luto.

Ngumiti siya sakin "It's alright, I'll give some to our Co teachers"

Ngumiti din ako sakanya at nag simula na kami kumuha ng pagkain. Nagulat ako ng inuna niya pang lagyan ang plato ko ng kanin kesa sakanya.

Baby You, Yaya Me (On-going)Where stories live. Discover now