Chapter 11

0 0 0
                                    

Chapter 11

"Oh you don't want to follow my orders huh?" Ngumisi ito at nagulat ako sa sumunod na nangyari.

Inihagis niya ang buong laman ng tray kaya nabasag ang baso at nagkalat ang mga pagkain sa sahig. May iilang piraso din ang tumalsik sa damit ko.

Di ko na napansin na pumasok na pala si Miss Theodora dahil nakatulala lamang ako at patuloy na ang pag agos ng mga luha ko.

"Ipagpaumanhin nyo po Master Bullet, ako na po ang maghahanda ng inyong umagahan."  Mahinahong sabi ni Ms Theodora na parang sanay na sanay na siya na ganito ang ugali ng binata.

"Sige na Tessa, lumabas na kayo ni Courtney ako na bahala dito."

Hinawakan ako ni Tessa sa balikat palabas, siguro kung hindi dahil sakanya ay baka hindi na ako nakalabas ng buhay dito.

Nanginginig din ang mga balikat ko dahil sa paghikbi, hindi ko alam pero bakit ang sakit sakit nung pinagtatabuyan niya ako.

"Shh tahan na Courtney..."  Pag aalo sakin ni Tessa.

Habang papalabas kami ng pinto ay lumingon ako sa kwarto at nakita kong nililinis na ni Miss ang mga nagkalat na pagkain. May awa akong naramdaman, may katandaan na siya at ng dahil sakin ay siya pa ang naglilinis ng gulo ko. Naalala ko sakanya ang Lola Cara ko.

Nang dumapo ang mata ko sa lalaking nagpaiyak sakin ay nakita kong nakatingin din ito at may nakita akong emosyon na hindi ko maipaliwanag. Bakit parang malungkot at nasasaktan ang mga mata niya?

Nang makita nitong nakatitig ako ng matagal sakanya ay mabilis na naglaho ang malungkot nitong mata at naging malamig na titig.

Siguro ay dahil lamang ito sa mga luha ko kaya kung ano ano na ang nakikita ko.

Dinala ako ni Tessa sa kusina at binigyan niya ako ng tubig.
Hanggang ngayon ay may kaba pa rin ako dahil sa nangyari.

May iilang luha pa din ang pumapatak sa mga mata ko at agad ko namang pinapahiran.

"Shh Courtney tumahan ka na... Pagpasensyahan mo na ang young master, ganun talaga siya minsan "

"Nakakatakot pala ang mangyayari kapag nagkaganun, bakit hindi mo agad sakin sinabi?"

Hindi naman sa sinisisi ko si Tessa pero kung sinabi niya lang sana agad sakin.

"Pasensiya ka na Courtney, kaya hindi ko sinabi sayo dahil ayaw kong matakot ka at umalis kagaya ng iba. Gusto ko lang naman ng may makakasama at may nakakaintindi sakin. Hindi ko naman alam na ganito pala kalala ang mangyayari, pasensya na talaga..." Malungkot ang mga mata nito .

"Ayos lang, pasensiya ka na rin kung sinisi pa kita. Hindi mo naman kasalanan."

Nagsisisi tuloy ako at sinabi ko pa yun sakanya. Naging mabait siya sakin at hindi siya galit sakin hindi kagaya ng ibang mga matatandang katulong na parang may ginawa akong mali sakanila.

"Ayos lang, kalimutan na natin yun. Sa ngayon ay tuturuan kita ng mga bagay na dapat mong malaman para hindi na maulit ang nangyari kanina. This time , sasabihin ko na talaga sayo lahat promise!" Agad naman itong sumigla at tinaas pa ang kanang kamay na para bang nanunumpa.

Ngumiti na lamang ako sakanya.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na si Ms. at dala dala niya ang mga kalat kanina.
Mukha itong galit ngunit pilit lamang kinakalma ang sarili.

"Tessa, iwan mo muna kami ni Courtney." Mahinahong sabi nito.

Nakita ko namang nag aalangan si Tessa kaya tumango na lamang ako at ngumiti.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 15, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Baby You, Yaya Me (On-going)Where stories live. Discover now