Chapter 1

6 0 0
                                    

Chapter 1

"Magandang umaga klase" bati ko sa mga estudyante.

"Magandang umaga rin po Ma'am Valdez" bati pabalik sakin ng mga bata.

Nagtuturo ako sa Rosario Elementary School, isang maliit na paaralan sa probinsya ng Quezon.

Mahigit isang taon pa lang ako nagtuturo sa mga bata dito pero agad ko din silang nakasundo. Last year lamang ako grumaduate sa Pamantasan ng Quezon. Kinuha ko ang kursong Bachelor of Elementary  Education Major in Filipino.

Nag teacher ako dahil nakita ko rin ang kakulangan sa mga nagtuturo sa mga bata dito. Naaawa ako sakanila, yung iba ay hindi na nakakapasok dahil walang baon ,yung iba ay ayaw na papasukin ng mga magulang nila dahil sa layo din ng paaralan.

Tumalikod ako at sumulat sa pisara.
Sumulat ako ng pangungusap at binilugan ko ang simuno, ginuhitan ko naman ang panaguri.

"Okay mga bata basa, sabay sabay ah"

"Si Anna ay maganda" sabay sabay nilang basa.

Napangiti ako dahil worth it lahat ng mga tinuturo ko sakanila kahit na maraming kulang sa classroom. Mabilis silang matuto at nakakatuwa silang pagmasdan.

"Okay mga bata si Anna ang simuno sa pangungusap dahil siya ang pinag uusapan" tinuro ko ang pangalan na 'Anna'
"Ang salitang maganda naman ay panaguri dahil dinidescribe niya si Anna" tinuro ko naman ang 'maganda'

Nakita ko namang nakikinig sila ng maayos kaya lalo akong ginanahan magturo.

"Okay Class, Pwede na kayong mag recess" sabi ko pagkatapos ko magturo. Pangatlong subject na kasi nila ako.

May ibang lumabas para kumain sa labas. May mga nagtitinda kasi doon kagaya ng maruya, halo halo, banana cue at iba pa. Yung iba naman ay may mga baon pero madalas mas marami ang nag stay sa loob ng room dahil walang baon kagaya ni Eric.

May 6 na estudyante na natira sa classroom habang 14 naman ang lumabas.

Lumapit ako sa dala kong bag at nilabas ang isang dosena na fudgee bar. Kumuha ako ng anim at nilapitan ang mga bata. Binigyan ko sila isa isa, bakas sa mga mata nila ang saya kaya ngumiti din ako pabalik.

"Oy Ma'am Courtney, halika na mag lunch na tayo" tawag sakin ni Zyrine, Co teacher ko.

"Sige sandali lang" sabi ko at tumayo na.

"Ubusin nyo yan ha" tinap ko isa isa ang mga ulo nila.

Kinuha ko ang bag ko at sumunod Kay Zyrine. Morena ang balat ni Zyrine, Medyo may pagka chubby siya pero yun ang mas lalong nag pa cute sakanya. Medyo matangkad ako sakanya at may itim na itim din siyang buhok na hanggang bewang.
Maamo din ang mukha niya na parang anghel.

Dumiretso kami sa may ilalim ng puno, laging may dala ng picnic blanket itong si Zyrine para daw sabay sabay kaming mag lunch.

Namataan ko pa ang ibang teacher na may kanya kanyang dala ng lunch. Maaliwalas dito lalo ng ganitong oras. Puro puno at halaman ang makikita mo da paligid kaya masarap magpahinga dito.

Umupo ako sa tabi ni Zyrine at binaba ang lunch ko na Sinangag na kanin at itlog na hinanda pa para sakin ni Lola.

Siniko ako ni Zyrine at nginuso ang katabi ko. Lumingon naman ako at katabi ko pala si Reagan. Co teacher ko din siya at medyo iwas siya sa tao. Matangkad ito at may tama lang na pangangatawan. Makinis ang mukha nito at parang anak mayaman. May matangos na ilong at mapupula na labi. Ang kayumanggi niyang kulay ay kumikinang kapag tinatamaan ng sinag ng araw. Ang itim niyang buhok na tumatakip sa mga mata niya.

Baby You, Yaya Me (On-going)Where stories live. Discover now