Chapter 2

1 0 0
                                    

Chapter 2

Sinalubong ako ng bango ng sinigang na niluluto ni Lola Cara.

"Hmm ang bango naman niyan Lola" binaba ko naman ang lahat ng gamit ko sa upuan.

"O siya sige na maupo ka na nga roon ng makakain na tayo" tumalikod siya sakin at nag salin sa mangkok.

Umupo naman ako sa lamesa at pinagmasdan si Lola Cara. May pagka kuba na din siya at kitang kita na lahat ng kulubot niya sa mukha. Nasa 70 taong gulang na si Lola kaya may kabagalan na din ang kilos niya.

Siya ang nag alaga at nag paaral sakin noong mga panahon na may sakit ako at walang masandalan. Hindi ko man tunay na kadugo si Lola Cara ay tinuring niya naman ako bilang totoong apo niya.

Nilapag niya sa harap ko ang sinigang at kanin. Umupo na rin siya harap ko at siya pa ang naglagay sa plato ko.

"Salamat ho Lola"

Inilahad niya ang pagkain "Hala sige kain na"

Nag umpisa na ako kumain at lasap na lasap ko ang sarap. Medyo maasim kaya Di ko maiwasang mapangiwi.

Hindi ko alam kung sino ang totoo kong mga magulang o may mga kamag anak ba ako dito sa Quezon. Di ko rin maalala kung may mga kaibigan ba ako at ano ang kinagisnan kong buhay noon.

Minsan ko na ring naitanong Kay Lola Cara pero lagi siyang ilag at iniiba palagi ang usapan.

"Lola nasan po ba ang mga magulang ko ? Dito rin po ba sila nakatira sa Quezon?"  Tanong ko habang nag babalat ng sibuyas.

"Oh Hija tapos na ba ang pagbabalat mo riyan? Akin na ng magisa na dito" sabi nito at kinuha ang sibuyas. Hindi niya rin pinansin ang tanong ko at parang walang narinig.

Minsan ay di ko maiwasang mag doubt kay Lola dahil wala naman akong maalala na nakasama ko siya. Iniiwasan niya rin ang mga tanong ko pero maganda naman siguro ang intensyon ni Lola sakin dahil kung may balak na siyang masama ay dapat ginawa niya na nung panahon na mahina pa ako.

Siguro ay wala talagang alam si Lola sa nakaraan ko kaya di na muli ako nagtanong sakanya.

Paminsan minsan ay may napapanaginipan akong mga pangyayari. Katulad ng nasa isang malaking mansion daw ako at masayang nakikipagtawanan. May dalawang matanda na masayang nakikipag usap sakin pero di ko maaninag ang mga mukha nila.

Minsan ng subukan kong pilitin ang sarili ko na makaalala ay sumakit ang ulo ko at nawalan ako ng malay.

Pagkagising ko noon ay nasa hospital na ako sobrang nag alala sakin si Lola noon. Nakapagbayad kami ng malaki laking halaga dahil dalawang araw ako namalagi sa ospital.

Sabi ng doctor ay huwag ko daw pilitin ang sarili ko na makaalala dahil baka mawalan na naman ako ng malay. Kusa daw itong babalik kapag may tao o mga bagay na makakapagpaalala sakin.


Hindi ko na pinilit pa ito dahil ayaw ko ng gumastos ng malaki si Lola lalo pa at may sakit ito.

Nang matapos akong kumain ay ako na ang naghugas ng plato.

Inalalayan ko si Lola patungo sakanyang kawayang kama. Inayos ako ang unan.

"Lola higa na po kayo" dahan dahan siyang humiga at agad ko siyang kinumutan.

Inayos ko ang iilang hibla na lamang na buhok niya at hinalikan siya sa noo.

Kung di dahil kay Lola ay sa tingin ko matagal na akong wala. Kaya laking pasasalamat ko ng dumating si Lola sa  buhay ko.

Baby You, Yaya Me (On-going)Where stories live. Discover now