Chapter 9

3 1 0
                                    


Chapter 9

Nakatanaw lamang ako sa labas ng jeep habang inaantay na makarating sa pagsusunduan sakin.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapalagay at inaalala pa rin ang kalagayan ni Lola. Lalo akong nag aalala lalo pa at hindi ko nakikita ang kalagayan niya.

Kahapon habang nasa ospital ako ay may natanggap akong isang mensahe sa Di kilalang numero.

+639*********

Good morning Miss Valdez, we are from LACS AGENCY and we are glad to inform you that your work will start tomorrow. Your full services is needed so you need to stay in your work. The employer's Butler will fetch you tomorrow 9:00am at E***** Cafe. Thank you, Have a good day!

Agad naman akong napatuptop sa bibig ko. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko, masaya dahil sa wakas ay makakapagsimula na ko at malungkot dahil kailangan kong iwan muna si Lola dahil kailangan kong manatili saaking papasukan.

"Oh courtney anong problema?"biglang dating ni Clara.

Napaangat naman ako ng tingin, huminga ako ng malalim. "Natanggap ako sa trabaho"

Ngumiti naman siya ng malawak. "Wow! Congrats! Pero bakit parang pinagbagsakan ka ng langit at lupa diyan?"

Sinabi ko naman sakanya ang dahilan at agad niyang pinatong ang kamay niya sa balikat ko.

"Naiintindihan kita Courtney, kahit ako pag nalayo kay mama e malulungkot rin. Pero isipin mo na lang na para kay Lola ang ginagawa mo." Ngumiti siya ng marahan sakin.

"Alam mo hanga ako sayo, kahit na hindi mo siya tunay na kadugo ay grabe ka na lang mag alala sakanya. Ginagawa mo ang lahat para sakanya, samantalang kami...." Biglang lumungkot ang mga mata niya.

"Samantalang kami hindi manlang namin nalaman ang kalagayan niya doon sa probinsya, hindi manlang namin siya nabisita at sinigurado kung okay lang ba si Lola" agad namang nanubig ang mga mata niya.

Agad kong hinagod ang likod niya at nginitian siya. "Alam mo bang masaya na si Lola dahil kasama niya na ulit kayo,sapat na iyon kay Lola ang makita niyang nag aalala kayo para sakanya. Hindi ko man siya totoong lola pero tinuring niya ako bilang totoong apo niya kaya masaya ako at nakilala ko siya."

Matapos ang madamdaming usapan namin ni Clara ay umalis na ito para bumili ng makakain. Hanggang ngayon ay di pa rin siya nagigising.

Marahan kong tinaas ang kumot niya hanggang dibdib at hinawi ang iilang hibla na tumatabing sa kulubot niyang mukha.

Agad naman akong naupo at hinawakan ang kamay niya.

"Lola, aalis po muna ako ha? Magtatrabaho muna ako para may pangpagamot kayo, lagi akong bibisita tuwing day off ko La kaya wag kang mag alala."

Hinaplos ko ang kamay niya. "Lola gumising ka na agad ha? Dapat pag bisita ko sayo dito malakas ka na ha?
Lagi akong magpapadala para makakain ka ng masarap tapos mabili mo na rin yung gustong gusto mo na bistida"

"Naalala mo pa nun La? Pinagiipunan ko yun  kahit na hindi na ako kumain tapos nahuli mo ako kaya pinaulanan mo ko ng sandamakmak na pangarap kahit na maraming tao sa paligid" natatawa kong sabi ngunit bumubuhos na ang mga luha ko.

"Kaya Lola magpagaling ka na, miss na miss ko na makita yung mga ngiti mo kahit ilang piraso na lang ang ngipin mo..." Natawa ako ng mahina.

"Gagawin ko lahat para sayo La , mahal na mahal kita..."

"BUKAS na ba agad ang alis mo iha?" Tanong sakin ni Tiya Isabel.

Tumango naman ako "Oho, mahirap man po saking umalis pero gagawin ko po para kay Lola"

Baby You, Yaya Me (On-going)Where stories live. Discover now