Chapter 6

2 0 0
                                    

Chapter 6

"Naku, mag iingat kayo doon Courtney ha? Alagaan mo ang sarili mo." Maluha luhang sabi ni Ma'am Rita.

Narito ako ngayon sa eskwelahan at huling pasok ko na ngayon dahil nag resign na ako pagkatapos ma discharge ni Lola Cara.

Luluwas na kami mamayang gabi patungong Maynila. Natawagan na din namin ang anak ni Lola doon, alalang alala nga ito ng malaman na may sakit si Lola.

"Salamat po Ma'am, kayo rin po mag iingat kayo rito..." Pinunasan ko ang mumunting luha na namumuo sa mata ko.

Naninikip ang dibdib ko sa isipang iiwan ko na ang bayang kinalakihan ko, ang eskwelahang tinuturuan ko.

Ang kapwa ko mga guro ay binigyan ako ng malungkot na ngiti. Nginitian ko rin sila pabalik pati na ang mga batang nakatanaw sakin.

"Naku naman wala tuloy kaming magandang guro na masisilayan araw-araw..." natatawa at naiiyak na sabi ni Zyrine.

"Oy grabe ka Zyrine ha! Sinasabi mo bang hindi kami maganda?" Apila ng ibang guro.

Gumaan naman kahit papano ang loob ko dahil sa pagbibiro nila.
Mamimiss ko ang ganitong pangyayari araw araw...

"Kung makapag emote naman kayo riyan parang hindi na babalik itong si Ma'am Courtney." Biglang sabat ni Marycris.

"Oo nga! Paniguradong laging dadalaw itong si Courtney dahil andito ang Prince Charming niyang si Reagan..." Segunda ni Zyrine.

Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Ma'am Rita. "Naku si Reagan ba? Eh biglang nawala na lang iyon na parang bula e, hindi na pumapasok nitong mga nakaraang araw. Ang sabi ng principal ay nag resign na, kinuha na nga ang gamit kahapon."

Parang tinakasan ako ng ulirat sa sinabi niya.
"Ano ho? Nag resign?!" Gulantang kong tanong.

Tumango ang matanda "Noong tinanong ko nga kung bakit ay wala manlang imik, tsaka mukhang malalim ang iniisip. Umalis na lang siya ng walang paalam samin dito"

Tinignan ako ni Zyrine ng may pag aalala sa kanyang mga mata.

Kaya pala noong nakaraang araw at sabi niyang babalik siya ay hindi na siya tumupad sa usapan. Naghintay ako kung bigla siyang susulpot at may dalang pagkain pero ni anino niya ay hindi ko nakita.

Ito na naman ang dibdib ko naninikip, hindi ko alam pero bakit ang sakit? Kakikilala pa lang naman namin pero bakit masyadong mabigat sa dibdib? I guess it's just my ego talking, sinabi niya kasing liligawan niya ako pero wala naman siyang sinabing gusto niya ko...

Agad kong pinunasan ang luhang tumulo at nakangiting humarap sakanila.

"Pano ba yan? Aalis na ko, Mamimiss ko kayong lahat!"

Agad naman kaming nagyakapan, ito na ang huling yakap ko sakanila dahil paniguradong matatagalan kami roon.

Lumabas na ako ng faculty bitbit ang mga gamit ko at nagulantang ako sa nakita. Nag silabasan agad ang luha ko.

Ang mga bata na tinuruan ko ay nakahilera at may hawak silang malaking banner na nakalagay
'Thank you, Ma'am Courtney!"

Napatuptop ako sa aking bibig dahil hindi ko kinaya ang nag uumapaw na saya sa dibdib ko.
Ang mga batang tinuruan ko ngayon ay nakangiting nakatingin sakin.

Hinagod ni Zyrine ang likod ko.
"Masaya silang ikaw ang naging guro nila, sayang nga lang at aalis ka pero naiintindihan nila iyon..."

Habang naglalakad ako palabas ng gate ay binibigyan nila ako ng pulang rosas na malugod ko namang tinatanggap.

Baby You, Yaya Me (On-going)Where stories live. Discover now