Chapter 8
Pinahid ko ang iilang butil ng pawis na namuo sa noo ko at tiningala ang agency na sinabi ni Belen.
'LACS AGENCY' yan ang nakalagay sa itaas ng building.
Hay sa wakas nahanap ko na rin, sa dami ba naman ng building dito sa Maynila ay mahirap talagang hanapin ito dahil hindi naman medyo kalakihan ang gusali pero kitang kita na mamahalin ito.
Pinaggigitnaan ito ng dalawang matatayog na imprastraktura.Kanina nga ay bigla na lamang akong hinila ng isang bakla at sinabing nagrerecruit daw sila. Akala yun ang agency na yun pero ibang 'recruit' ang ibig niyang sabihin.
"Ay naku ineng paniguradong papasa ka agad, makinis ka at maganda. Paniguradong approved ka agad!" Sabi ng isang bakla habang hinihila ako papasok.
Pumasok kami sa isang kwarto at tumambad sakin ang mga babaeng kita na ang kaluluwa sa mga suot.
May iba pa ngang gumigiling at sumasayaw pa. May mga lalaki din doon na hula ko ay mga hapon dahil itsura nila.Probinsyana ako pero hindi naman ako ganun kainosente sa kung anong trabaho ang ginagawa nila dito.
Agad akong pinagpawisan ng malamig at agad hinila ang kamay ko. Agad akong kumaripas ng takbo, buti na lamang ay bukas ang pinto at nakalabas ako.
Napabuntong hininga ako, Oo kailangan namin ng pera pero kung kaya ko pa namang humanap ng maayos ayos na trabaho ay gagawin ko wag lang magbenta ng katawan.
Napailing na lang ako sa nangyari kanina at dumiretso na sa loob.
Agad akong pumunta sa receptionist para magtanong.Magsasalita pa lang ako ay agad niya na kong ininuhan.
"Mag aapply bilang yaya?" Tanong nito at agad tinignan ako mula ulo hanggang paa.
Nakasuot ako ng pinaglumaan ng flat shoes ni Clara at suot suot ko ang pencil skirt na gamit ko sa pagtuturo. Naka hanging blouse ako at ang maalon alon kong buhok ay nakatali.
Bitbit ko rin ang bag ni Lola na kumukupas na ang itim na kulay.Nakita ko ang pangiwi niya ng makita ang suot ko. Nangunot naman ang noo ko, ano bang problema sa suot ko? Maayos naman ah.
"Galing kang probinsya?" Taas kilay niyang tanong.
Tumango naman ako at medyo naiinip na dahil di niya pa sinasabi kung saan ng matapos na ito.
Tumango naman sya at parang hindi naniwala.
"Sa third floor, sa unang pinto. Makikita mo iyon dahil marami ding nag aapply."
Agad naman akong tumango at nagpasalamat. Agad akong sumakay sa elevator at pinindot ang 3.
Medyo nagtataka nga ako at alam ko pala gumamit ng elevator samantalang ngayon lamang ako nakakita nito.
Nang makarating ako sa third floor ay sumalubong sakin ang sobrang malamig na hangin. Agad naman akong napahaplos sa braso ko.
Naupo naman ako sa isang tabi at inayos ang sarili, baka mamaya ay amoy araw na ako.
"Hi!"
Agad naman akong napalingon sa katabi ko. Ngumiti ako at bumati rin pabalik.
"Mag aapply ka rin? Ako rin e! Sana matanggap tayo no? Kailangan ko kasi ng pera eh alam mo na ganun talaga pag poor hehe..."
Napakamot naman ako sa batok sa pagiging madaldal niya pero atleast mukha naman siyang friendly hindi kagaya ng ibang aplikante dito na ang tataas ng kilay.
"Ayy ang daldal ko ba hehe... Pasensiya ka na ha---
"Miss Sunsenrae Cordova?"
" Ayy hehe ako na pala, sige ha mamaya na lang ulit" ngisi niya sakin at naglakad na palayo.
YOU ARE READING
Baby You, Yaya Me (On-going)
Teen FictionBullet Lacsamana experience a traumatic event , The love of his life left him. It feels like his whole world crash into pieces, he don't know what to do. The doctor said that because of stress, trauma and anxiety. He experience age regression , whic...