Chapter 4

4 0 0
                                    

Chapter 4

Namayani ang katahimikan sa apat na sulok ng kwarto.

Awkward akong nakaupo sa may dulong upuan kung saan malayo Kay Reagan.

Hindi ako makatingin ng diretso sakanya at nakatingin lamang ako sa kamay ko na nakapatong sa hita ko.

Kanina habang muntik na mangyari ang 'kiss' kuno namin ni Reagan ay agad bumukas ang pinto at iniluwa nun si Zyrine. Natulala ito sandali samin at bigla na lang ngumisi na parang may ginagawa kaming kababalaghan dito sa loob.

"Oh anong nangyari sainyo? Kanina lang ay sobrang lapit ng mga mukha nyo ,muntik pa kayong magkapalit. Bakit ang tahimik nyo?" Natatawang tanong ni Zyrine.

Parang ang sarap niya sapukin sa mga oras na ito.

Nakita ko naman na parang wala lang Kay Reagan ang sinasabi ni Zyrine at mariin lang na nakatitig sakin kaya hindi ako naging komportable sa pagkakaupo ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Zyrine at tumayo na. "Bahala nga kayong dalawa dyan! Aasikasuhin ko lang ang bill ng makalabas na tayo dito!"

Umalis siya kaya lalo tuloy naging awkward ang nangyari sa pagitan naming dalawa.

Sana kainin na lang ako ng lupa! Gusto kong sabunutan ang sarili ko at bakit ako nagpadala agad sakanya baka isipin niya na 'easy girl' lang ako.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "I'm sorry..."

Napaangat ako ng tingin, bakit siya nga sosorry? Nagsisisi ba siya dahil ginawa niya yun? Dahil narealize niya na nabigla lang siya sa pangyayari.

Naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko sa paghingi niya ng tawad.
I shouldn't let my guard down.

"Bakit ka naman nagso sorry?" malamig kong sabi at hindi pa rin siya tinatapunan ng tingin. Kahit Alam ko na ang dahilan ay gusto ko pa rin malaman sakanya.

"I'm sorry because I make you uncomfortable... But I don't regret what I did. I- I just can't help it" Agad akong napatingin sakanya at wala akong nakitang pagsisisi sa mga mata niya.

Agad nag init ang dibdib ko sa sinabi niya. I thought he didn't want it...

Lumipas ang mga araw matapos makalabas ng hospital si Reagan. Madalas kaming magkasama tuwing lunch at lagi siyang may dalang lutong ulam.

May dala siyang adobo at sinigang. May dala din siyang graham balls at mga prutas. Minsan kapag nag lalunch kami ng sabay ay kinakabahan pa rin ako na baka maulit na naman ang nangyari.

Lagi niya akong inaantay tuwing umaga sa harap ng gate ng school at may dala dalang bulaklak.

"Ikaw hija ha, hindi ka manlang nagsasabi na ikaw pala ang bali balitang nililigawan nitong si Villanuevo." Biglang sulpot sa tabi ko si Ma'am Rita.

Umiling ako sakanya "Naku hindi po Ma'am, hindi niya po ako nililigawan"

Pabiro naman niya akong inirapan at hinampas niya ng mahina ang balikat ko "Asus pa showbiz ka naman Courtney! Eh ano iyang paghihintay niya sayo at may pabulaklak pa ha!"

Umiling na lang ako ulit dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko sakanya. Dumiretso na lang ako at ng makita niya ako ay agad siyang umayos ng tayo.

Naka puting polo siya ngayon at navy blue na slacks. Nakasuot din siya ng leather shoes na halatang mamahalin. May suot suot din siyang relo na ang brand ay Rolex. Magulo ang buhok niya ngayon kaya kitang kita ang maamo niyang mukha.

"For you..." Marahan niyang binigay sakin ang bulaklak at agad ko namang tinanggap.

Tuwing uwian naman ay lagi niya kaming hinahatid ni Zyrine. Hindi siya pumapalya at laging nakaabang sa sakayan.

Baby You, Yaya Me (On-going)Where stories live. Discover now