Chapter 5
Inilagay ko lahat ng mga gamit na kakailanganin ni Lola Cara habang nasa ospital.
Umuwi ako ulit sa bahay para kumuha na rin ng pera pambayad habang mananatili siya doon.
Buti na lamang ay may naitabi ako kahit papano.Bumuntong hininga ako habang nag aayos ng gamit.
Paano na ito ngayon? Kulang na kulang pa ang perang naitabi ko para sa gamot ni Lola.Si Zyrine at ang mama niya muna ang magbabantay Kay Lola. Hindi pa rin siya nagigising hanggang ngayon. Sabi ng Doktor ay kailangan muna manatili ni Lola Cara para matignan mabuti ang kalagayan niya.
Malalaman ang resulta bukas sa ngayon ay pagpapahingahin muna siya.
Inilagay ko sa bulsa ang kakaunting pera. Kailangan kong makahanap ng isa pang trabaho para matustusan lahat ng pangangailangan niya.Nag aabang ako ng trycicle ng may isang magarang sasakyan ang pumarada sa tapat ko.
Agad akong kinabahan ng bumukas ang pinto at iniluwa noon si Reagan.
Anong ginagawa niya dito? Bakit siya may sasakyan? Alam ko namang may kaya ang pamilya nila pero di ko alam na afford nila makabili ng sasakyan.Nakasuot ito ng isang simpleng black T shirt at khaki shorts. Naka suot din ito ng sunglasses. Mukha siyang modelo ng isang kilalang brand.
Ang magulo nitong buhok ay sumasayaw dahil sa lakas ng hangin. Naramdaman ko rin ang mariing titig nito."A-anong ginagawa mo dito?" Nauutal kong sabi. Napahigpit ang hawak ko sa bag na dala dala ko.
Hindi niya sinagot ang tanong ko, iminuwestra niya sakin ang loob ng sasakyan.
"Get in, I'll take you to that hospital"
Nakabibinging katahimikan ang nangyari sa pagitan naming dalawa. Ang daming mga tanong ang naglalaro sa isipan ko. Kagaya na lang na Paano niya nalaman na sa hospital ang punta ko? San niya naman nalaman iyon ? Tinawagan ba siya ni Zyrine?
"We're here" malamig niyang sabi.
Di ko namalayan na nakarating na pala kami. Bumaling ako sakanya at nakita ko sa mukha niya na may malalim siyang iniisip.
"Salamat nga pala sa paghatid, pero pano mo nalaman---
Pinutol niya ang pagsasalita ko "Zyrine called me " maiksi nitong tugon.
Naku naman! Ito talagang si Zyrine.
"A-ano, Pasensiya na sa abala. Dapat hindi ka nalang pumunta baka ---
Nagulat ako ng kinabig niya ako at niyakap ng mahigpit. Agad bumilis ang tibok ng puso ko sa sobrang lapit ng katawan niya. Amoy na amoy ko ang panlalaking amoy niya na nagpapakalma sakin.
"I am so worried about you that's why I'm here. Hindi ka abala so stop saying that! Are you okay?" Nag aalala niyang tanong.
Agad lumabas ang luha ko, Ngayon lang ako nakaramdam ng pag comfort maliban Kay Lola at Zyrine.
"Ayos lang ako..." Mahina kong tugon habang dinadama ang mainit niyang yakap.
Hinahaplos niya ang likuran ng ulo ko at bumubulong.
"Shh... Everything will be okay. I'm here , so stop crying..." Mahina niyang sabi.
Kusang pumulupot ang kamay ko para yakapin din siya pabalik.
Ang init ng pakiramdam ko ngayong nandito na siya. I feel loved...Kanina pa umalis ang sasakyan ni Reagan pero heto ako tulala pa rin.
Ngayong wala siya pakiramdam ko ay may nawala ang kalahati ng puso ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/222447441-288-k33883.jpg)
YOU ARE READING
Baby You, Yaya Me (On-going)
Teen FictionBullet Lacsamana experience a traumatic event , The love of his life left him. It feels like his whole world crash into pieces, he don't know what to do. The doctor said that because of stress, trauma and anxiety. He experience age regression , whic...