“MAMILI ka, hirap o sarap?” tanong ng lider na si Vicente sa babaeng nasa initiation. “Ipapaalala ko lang sa 'yo, kapag hirap ang pinili mo, walang kasiguraduhan kung makakalabas ka pa ng buhay rito lalo na’t babae ka lang. Kaya pag-isipan mo nang mabuti ang pipiliin mo. Hirap o sarap?” dagdag nito sabay haplos sa makinis na braso ng babae.
“Sarap po, Master!” matapang na sagot ng babaeng may piring sa mata.
Nagsigawan ang mga lalaki sa tuwa. Ang iba ay nagsipaghubaran ng pang-ibabaw na damit. Lalong nag-init ang buong paligid.
“Ayun naman pala, e! Marunong pumili ang isang ito!”
“Tama lang ‘yang pinili mo. Huwag ka mag-alala. Hinding-hindi ka makakaramdam ng hirap sa gagawin namin sa 'yo,” malumanay na wika ni Vicente sa babae saka inakay patayo sa upuan.
Dinala nila ito sa kuwarto kung saan gagawin ang ‘masarap’ na initiation sa kanya. Lima silang lalaki na pumasok doon.
“Hoy Carlos. Habang nasa loob pa sila, ikaw na muna ang gumawa rito sa mga bata,” bilin ng matabang lalaki na kapatid ng founder.
Pagkaubos ni Carlos sa yosi ay una niyang tinawag ang kapatid na si Billy. Piniringan niya ito ng panyo sa mata saka iniharap sa pader.
Kinuha niya ang isang pedal na nakasabit sa tabi ng pinto ng silid. Nilapitan niya ang kapatid at inayos ang pagkakatayo nito.
“Ulitin mo lang kung ano ang sasabihin ko. Maliwanag?”
“Yes po, Master,” sagot ni Billy.
Si Jun ay nakadikit lang sa dingding habang pinapanood ang mga nangyayari. Bahagya nang nanginginig ang mga kamay niya sa nakikita sa paligid.
Tama ba itong pinasok niya?
Itinaas ni Carlos ang pedal at madiing nagsalita. “Repeat after me. I love Black Syndicate!”
Mabilis na sumagot si Billy. “I love Black Syndicate!” Bigla siyang napaluhod sa malakas na palo ng pedal sa likod ng kanyang mga hita.
“Hoy, ungas, bawal ang lumuhod dito! Ayusin mo at huwag kang lalampa-lampa!” sita sa kanya ng isang matangkad na lalaking nakasumbrero.
“Repeat after me. I love Francis Magalona!”
Sagot agad si Billy. “I love Francis Magalona!” Napaluhod na naman siya sa pangalawang palo ng kuya.
“Tang-ina lampa ba ‘to?” asik ng isa pang lalaki.
“Billy, tumayo ka d’yan,” madiing wika ni Carlos sa kapatid.
Nanginginig ang mga tuhod na tumayo si Billy habang nakahawak sa pader. Muli siyang tumindig nang tuwid at inihanda ang sarili sa susunod na palo.
“Repeat after me. I love Draven Black!”
Nanginginig na rin ang boses na sumagot si Billy. “I love D-Draven Black!”
Sa pangatlong palo ay muling bumagsak ang katawan niya sa sahig. Itinayo siya ng isang lalaki at tinulungang i-cool down ang mga hita niya.
“Hindi na kaya nito, pare. I-welcome na natin mukhang malakas naman, eh.”
“Welcome to Black Syndicate.” Si Carlos ang nagturo sa kanya ng brotherhood handshake ng BS-13. Pinaupo niya sa tabi si Billy at sunod namang tinawag si Jun.
Napalunok ng laway si Jun nang marinig ang pangalan niya. “A-Ako na ba?”
“Oo ikaw na!” tinulak siya ng lalaki sa kanyang likod patungo sa puwesto kanina ni Billy. Siya naman ang piniringan ni Carlos sa mata at iniharap sa pader.