1567
Straw CityWalang tigil ang pag-alingawngaw ng putukan ng baril at kanyon kasabay ng pagtakbo ng mga tao at paglipad ng mga Altroy. Sila yung mga taong may kalahating pakpak at kalahating tao. Likas sa kanila ang kagandahan at kapuruhan na tila mga diwata. Mayroon silang mga mahahabang binti at mapuputing mga kutis. Taglay nila ang mga kulay kahel at asul na mga mata at mga pilikmatang nakapungay. Nakalugay rin ang kanilang kulay itim at diretsong mga buhok na abot hanggang sa beywang. Hindi rin sila tumatanda.
Ngayon ang pagsugod ng mga taga silangang sibilyan sa Straw City. Ang syudad ng hiwaga at mahika. Dito mo matatagpuan ang mga akala mong imposibleng mangyari sa totoong buhay. Dito mo matatagpuan ang mga sikreto ng mundo na matagal ng tinatago. Nandito ang mga kamangha-manghang mga istruktura at iskulptura na gawa ng mga dalubhasa. Kaya ito ang madalas na sakupin ng mga taga hilaga at silangan.
Nagsimula na ang gyera. Marami ang mga Straws na nakahandusay sa daan. Nakakalat rin ang mga putol na pakpak ng mga Altroy. Puno ng sigawan at pagsabog. Maraming umiiyak at tumatakbo. Pilit na binubuhat ng mga batang Altroy ang mga batang Straws para ito ay makalipad ngunit hindi nila kaya. Umiiyak na lamang silang lumilipad palayo habang pinapanuod ang mga kaibigang binobomba ng mga sibilyan at walang kalaban-laban.
"Iwan mo na ko dito Shalany!" sigaw ni Stan.
"Hindi Stan! Mabubuhat kita! Kaya ko to!" pagpupumilit ni Shalany habang pilit na binubuhat si Stan.
"Sige na! Umalis kana! Baka maputol pa ang pakpak mo!" sigaw ni Stan.
"Dali naaa!" dagdag pa nito.
"Minsan mo nang sinalba ang buhay ko Stan. Ako naman ang babawi sayo. Para sa buhay mo to." bulong ni Shalany.
"Wag na wag mong gagawin yan Shalany! Waaaag! Hayaan mo nalang ako! Waaaag!" nakabibinging sigaw ni Stan kasabay ang malakas na pagsabog ng kanyon.
Tinanggal ni Shalany ang kanyang kwintas. Binuksan ang kumikinang na bagay sa loob nito at biglang sumabog at napuno ang paligid ng liwanag na sa sobrang nakakasilaw ay kahit ang author ay di nakita. Ang mga sumunod na pangyayari ay malabo ng maaninag pa. Mauulinigan na lamang ang mahinang sigaw at marahang pagbuntong-hininga.
Natapos ang mga taon at tumahimik nang muli ang syudad ngunit naiwan rito ang mga ala-alang tanging historya na lamang ang makakapagkwento.
BINABASA MO ANG
Seventy Steps Away From Her (On Hold)
FantasyWe all make decisions. Kapag gumagawa tayo neto, mas pinipili natin kung ano yung mas mahalaga at mas mahal natin. At yung isang hindi nating mapipili? Maiiwanan, makakalimutan, mawawalang halaga. Ngunit pano na lamang kung magising ka isang araw at...