Nung pag-uwi ko sa bahay, wala pa sila Mama. Mga 5:30 palang kasi yon ng hapon. Dumaan muna ko sa RG Garden saka palihim na kumuha ng flowers. Para saan? Kase yung engkanto, nung isang gabi pa nanghihingi neto. Ewan ko ba? Basta sabi nya, uwian ko daw sya ng rose. Kaya eto.
Pagdating ko sa bahay, tahimik. Sobrang tahimik. Tapos nagulat ako kase sobrang linis na. Parang minap yung floor ng sampung beses sa kinis. Tapos maayos yung sofas, mga chairs, yung chandelier parang pinunasan ng sobrang ingat. Parang walang alikabok. Ang bango pa. Parang inisprayan ng sampung bote ng Air Freshener.
Sino kayang gumawa nito? Yung engkanto? Hindi eh. Imposible. Imposible talaga.
"Nandito na ko." sabay lapag ko ng roses sa table.
Narinig kong may bumababa galing sa taas. Ah, si Clefairy. Ngayon ko lang napansin na maganda pala talaga yung engkanto nato. Chixx na chixx ang dating eh. Ang kinis, ang puti. (Lipbite)
"Oh. Nandyan kana pala Master. Wala namang taong dumating bukod dun sa nagdedeliver nung sulat daw?" paliwanag nya.
"Ah. Messenger? Nakita ka nya?" tanong ko.
"Yes Master. Pero biglang tumakbo bigla. Natakot ata?" sagot nya.
Napatawa nalang ako. Lahat naman siguro ng makakakita sa kanya, mapapakandirit sa takot.
"Sinong naglinis nito?" tanong ko.
"Ako. Ako lang Master." sagot nya.
"Ikaw? Ikaw ang gumawa neto lahat? Ikaw lang? Tama ba yung narinig ko?" paninigurado ko.
"Yes Master. Totoo nga." sagot nya.
"Good Clefairy." sabay bigay ko ng roses.
Bigla nya nalang itong inamoy at saka umilaw yung parang battery bar na nakakabit sa pakpak nya. Mula sa red na mauubos na, tumaas at naging green.
"Ano yan?" tanong ko.
"Ah. Eto yung Life Bar, master. Dito nasusukat yung buhay namin. Kapag bumaba ito hanggang sa mawala, mawawala rin kami." paliwanag nya.
"Waaah? You mean, mamamatay ka kapag naubos yan?" paninigurado ko.
"Ganun na nga. Kaya kaylangan ko ng rose." sagot nya.
"Para saan naman yun?"
"Ah. Yung mga rose yung nagbibigay buhay samin. Kapag nalalanghap namin sila, nadadagdagan yung Life Bar namin. Kapag walang rose, wala narin kami." paliwanag nya ulet.
Hindi ako makapaniwala sa sinabi nya. Binubuhay sila ng mga rose? Hindi ko ata kaya yun. Yung rose na nilanghap nya, biglang natuyo at nabulok.
"Nga pala. Goodnews Clefairy, may mapagtataguan kana." sabi ko sa kanya.
"Totoo ba master? Wow. Thank you master. Ang galing mo master. Ang talino mo master." sabi nyang habang lumilipadlipad.
"Dun tayo sa girlfriend ko. Ipapakilala kita sa kanya. Dun ka muna, hanggang sa maalala mo yung purpose mo dito sa mundo." sarcastic kong sabi.
"Aye aye master!" sabay ngiti nya at lumabas muli yung pink cheeks nya.
Biglang may bumusina sa labas.
"Nandyan na sila. Dun ka muna sa kwarto ko. Ilock mo." bilin ko sabay takbo sa labas.
Binuksan ko agad yung gate hanggang sa makapasok na sila.
"Pumayat ka. Di kaba kumakain?" bati ni Mama.
"Puro hilaw. Nga pala, ubos na yung mga canned goods sa ref. Naubos ko na lahat." paliwanag ko.
Ang totoo, si Clefairy lang talaga yung umubos.
"Kinain mo yung lahat? Ba't parang walang effect?" side comment ni Papa na nag-aayos ng mga dala nila.
"Ewan ko rin 'Pa. Siguro nga wala na kong pag-asang tumaba." sabi ko sarcastically.
"Kuya! I bought chocolates for you! I miss you Kuya 'Fel!" sabay hug at kiss sakin ni Gale, kapatid ko. 7 years old.
"I miss you too baby!" sabay ganti ko ng kiss at buhat sa kanya.
"I also bought ribbons for Ate Trix! Give it to her Kuya! From your very cute and beautiful sister, Gale Cavelier." sabay bigay nya sakin ng ribbons.
"Thank you baby! I'll tell Ate Trix that you make bigay bigay this to her." habang kinukuha ko yung ribbons.
Kumain muna kami bago ako bumalik sa kwarto. Nakita ko si Clefairy na nakatingin sa labas ng bintana. Umiiyak.
"Oh, anong problema?" tanong ko.
"Naiingit ako sayo 'eh." sabi nya.
"Ha? Bakit naman?" sabay tabi ko sa kanya.
"Ang swerte mo sa pamilya mo."
"Ha? Bakit? Ikaw ba? Wala kang pamilya?" tanong ko.
"Uhmmm. Wag mo na kong intindihin. Tara na sa girlfriend mo." sabay tayo nya.
Pinatiklop ko muna yung pakpak nya saka binihisan ng malaking tshirt saka jacket. Pinasuot ko rin yung pantalon ko na abot hanggang sa talampakan nya.
Kung titingnan, para syang rapper na jeje. Yung mga jeprox na tambay sa kanto. Parang myembro ng THr0pH4ng KhULetZxc. Pero mukhang chixx paren. Pinasuot ko narin yung sumbrero sa kanya para full package.
Palihim ko syang pinadaan sa bintana saka lumakad na papuntang 7Eleven.
BINABASA MO ANG
Seventy Steps Away From Her (On Hold)
FantasíaWe all make decisions. Kapag gumagawa tayo neto, mas pinipili natin kung ano yung mas mahalaga at mas mahal natin. At yung isang hindi nating mapipili? Maiiwanan, makakalimutan, mawawalang halaga. Ngunit pano na lamang kung magising ka isang araw at...