Chapter 9

45 10 1
                                    

* Trix Buenavista's Point Of View *

Hindi ko alam pero parang napakagaan ng feeling ko dito kay Gigi. Parang nagkita na kami before? Pero imposible eh. Basta. Parang ang gaan gaan lang.

"Uhmmmm. Gigi--This where we'll sleep. Eto yung kwarto ko. Sige, magbihis ka muna."

"Kase, uhhh. Trix, ano kase. Wala akong--, wala akong damit." paliwanag nya habang nagkakamot ng ulo.

"Oh? It's not a problem! Bukas na bukas, magshoshopping tayo! By now, suutin mo muna yung pantulog ko. Nasa drawer bottom part."

"Waaaaah? Shopping? Yung ba yung bibili bili? Yihh, gusto ko yon! Thank you Trix! Pwedeng bes nalang tawag ko sayo?" sabay pout nya.

"Bes? Pleasure. Okay, by now, we're calling each other bes. And we are bestfriends!" sabay yakap ko sa kanya.

Bigla na lamang naging pink yung pisngi nya saka lumabas yung napakalaki nyang pakpak. Yellow Wings. Muntik na kong mahimatay dahil ron. Pero, inexpect ko na to. Buti nalang sinabi ni Fel. Whoooo!

"That's just wow! Amazing! Totoo ngang fairy ka! Ang ganda mo bes! Ang ganda ganda mo!" sabay hipo ko sa pakpak nya.

Lumabas muna ako bago sya nagbihis. Pagkatapos nya, mukha na syang ordinaryong babae lang na magssleep-over. Lalo syang naging maganda. (It sounds quiet boyish) I cook Popcorns and we eat together until the middle of the night.

"Pano mo nakilala si Master, bes?" tanong nya habang tinataktak yung isang handfull na popcorns.

"Highschool palang kami nun eh. Nung una, inaasar asar nya ko. Sobrang hate ko sya nun. Pero nung time na---" bigla akong napahinto.

* FLASHBACK *

"Alam mo, mukha kang cartoon. BWAHAHAHAHA! Si Clefairy!" tukso ni Felix habang nilalapit yung mukha nya sakin.

Fourth year kami nun. Hapon na. Nag-uuwian na yung ibang estudyante. Pero kami ni Felix, gumagawa pa ng electrolysis sa Physics Lab. Ba't pa kasi sya yung nakapartner ko.

"Hmmmmp. Atleast cute yon! Ikaw, kamukha mo yung mga halimaw sa Ghost Fighter! At para sabihin ko sayo, walang cute na halimaw!" sigaw ko sa mukha nya sabay pout.

"Ay! Hindi pala si Clefairy! Yung dragon pala sa dragonball! Kase kapag nagagalit ka, lumalaki butas ng ilong mo, tapos nagiging red ka. Hanggang sa magtransform kang parang dragon! BWAHAHAHAHA!" tukso pa nya.

"Uhmmm. Kahit na. Ikaw naman, bakla. Bading! Bading ka! Pumapatol ka sa babae! Bakla!" ganti ko.

"Anong bading? Eh kung halikan kaya kita dyan?"

"Bakla ka! Bakla! Badi---" biglang dumampi yung lips nya sa lips ko.

"At sinong bakla?" sabi nya pagkatapos.

*End of Flashback*

"Natahimik ako saka sinampal ko sya. Pero nung simula nun, nainlove na ko sa kanya. Eka nga diba, the more you hate, the more you love." habang ngumunguya ako ng popcorn.

"Waaah? Hinalikan ka ni master bigla bigla? Wow. Ang tinik pala nya. Hihi." sagot nya.

"Oo. Nagulat rin ako eh. Tapos after nung isang pangyayari sa likod ng school, sinagot ko na sya." dagdag ko.

"Anong pangyayari?"

"Muntik na kong pagsamantalahan ng panget na bully naming kaklase kasama yung mga tropa nya. Pero, pinagtanggol nya ko nun. Nagpabugbog sya hanggang sa dumating yung mga pulis. Pero, mabuti nalang walang masamang nangyari sakin. Pero sya, ayun! Paralisado. Kaya nga utang ko yung buhay ko ngayon sa kanya eh." kwento ko.

"Nagpabugbog si Master? Ba't di nya ginamit yung mga punches nya tulad ng uppercuts!!" habang minomostra nya.

"Huh? Nag-uupercut ba yun?" tanong ko.

"Yes bes. Kanina, muntik na kong kunin nung kalbong lalakeng amoy alak. Pero binugbog nya yon! Pinagtanggol nya ko!" kwento nya.

Nakaramdam ako ng kaunting selos. Kasi ang pangako sakin ni Fel, hindi na sya ulit magliligtas ng babae bukod sakin. Ang babaw ko diba? Tama naman yung ginawa nyang magligtas. Pero-- uhmmm, ewan?

Patuloy parin sa pagkain etong si Gigi. Nakatingin sya sa malayo na parang may iniisip.

* Gigi Strauss Point of View *

Ang sarap nung pagkain na to. Pipcorm ba yung tawag? Hihi. Lasang mais eh. Anyway, kaya pala napaluha siguro si master nun dahil naalala nya yung karanasan na to. Huhuhuhu. Ang tragic. Grabe yung nangyari sa kanya. Pero ang sweet nila. Ang tapang pala talaga ni Ma--

Napatigil ako sa pag-iisip. Biglang nanakit yung ulo ko. Sobrang sakit. Napapikit ako. Tapos bigla na lamang nagbago yung paligid. Pero, pamilyar sakin to. Hindi ko lang maalala kung saan. May dalawang batang nag-uusap sa isang hardin.

"Shalany, para sayo." sabi nung batang lalake habang nagbibigay ng roses.

"Ah, thank you Stan. Ba't mo ko binigyan neto? Di ko naman birthday o ano pa man." sagot nung batang babaeng binigyan nya.

"May gusto akong ipagtapat sayo Shalany." seryosong sabi nung batang lalake habang hinahawakan yung kamay nung Shalany.

"Ano yun Stan?"

"Mahal na kita Shalany. Simula pa noon. May gusto na ako sayo, hanggang sa mahulog na yung loob ko sayo. Mahal na mahal kita Shalany." sabi nung Stan sabay luhod sa Shalany.

"Mahal din kita Stan. Pero, baka makita tayo. Hindi mo ba alam na bawal na bawal to? Hindi pwede Stan. Hindi pwede to." sabay alis nung kamay nung Shalany.

"Kahit na Shalany. Basta, sapat na napagtapat ko sayo ang nararamdaman ko. Kahit bawal." sagot nung Stan.

Biglang yumakap si Shalany dun kay Stan. "Mahal na mahal na mahal kita." bulong nito.

Biglang may kumaluskos sa may bandang mga matataas na rosas.

Umikot ng umikot at nung idilat ko ang aking mga mata, nakita ko yung sarili kong nakahiga na sa kama. Sa harap ko, si Trix.

"Bes bes, okay kalang ba? Bigla kang hinimatay eh." kwento ni Trix.

"Okay lang ako bes. Medyo nahilo lang. Salamat." sabay tayo ko.

May biglang tumatakbo pataas ng hagdan. Si master. Papunta si master.

"Okay ka lang ba Clef? Teka, yung life bar mo. Wait, tatakbo ako. Kukuha ako ng rosas. Sandali lang." pagmamadali nya habang hinihingal.

"Teka lang master. Okay lang ako. Salamat salamat. Medyo nahilo lang ako. Salamat." paliwanag ko.

"Hay salamat! Akala ko kung anong nangyari sayo eh." sabay hipo nya sa noo ko. "Wala ka ring lagnat."

"Pero thank you kay Trix. Master, ang bago kong bestfriend." pagpapakilala ko.

Napabaling ng tingin si master kay Trix na noon ay nasa likod nya lang. Nakayuko ito at hindi nagsasalita. Napangiti na lang sya.

"Thank you Babe." sabay yakap ni master kay bes.

Pero, hindi nag-hug back si bes. Nakayuko parin ito.

"Anong problema?" tanong ni Master.

Hindi umimik si bes. Umalis nalang ito bigla saka nagpaalam sa akin.

"Pasok na ako Bes. Uuwi ako ng maaga. Magshoshopping tayo." bilin nya sabay takbo pababa. Umaga na pala.

"Teka, teka Trix! Trix!" habol sa kanya ni master.

Bakit kaya biglang nagalit si bes? May kasalanan kaya si Master? Hay ewan. Matutulog nalang ulit ako. Pero, ano kaya yung pumasok sa isip ko kagabi? At sino si S--Stan? Saka si Sha--Shala--Shalany?

Seventy Steps Away From Her (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon