"Kriiiiiinngggggg!"
"Oh pita. Late na ko!" dali dali akong naligo, kumain at diretsong nagbihis na.
Alas sais lang naman ang oras ng pasok ko mula rito sa Straw City hanggang sa Xerendipity College. Ewan ko ba kung bakit napakalayo pa ng pinag-aralan ko samantalang may limang university yung mas malapit dito sa City.
Hindi pa ata ako nagpapakilala. Im Felix Cavelier III. Eighteen (Magnnineteen sa next month) Currently taking up BS Accountancy Major in Business Mathematics. Hindi ako masyadong matalino sa matics-matics pero nakakapasa naman sa awa ng Diyos.
Nakarating ako sa school pasado alas-syete ng umaga. Naubusan pa ng gas yung sasakyan kaya dumaan pa ko sa Fuel Refilling Station (Self serve).
"Oyyy pare, di na ko pupunta sa inyo kahit kelan." bati ni Aly habang umaakbay.
"Mga punyeta kayo. Umaalis nalang bigla. Kina-ninja nyo yan?" sagot ko habang kinukuha ang notebook para mangopya ng assignment.
"Loko kasi tong si Denver. Biglang tumakbo sa likod ng pinto nyo, kaya ayun nagsisunuran kami." paliwanag ni Humfrey.
"Oy mga loko! Ako na naman? Si Aly talaga may pasimuno. Kung sino sino yung tinuturo dun sa pader. May babae daw." sisi ni Denver.
"Eh totoo naman kase eh. May mukha ng babaeng nakapakat dun sa pader eh. Nakapikit pa nga eh. Tapos napakaputi. As in parang Alodia." sabay mostra ni Aly ng mukha.
"Oo na oo na. Tama na. Mga sira-ulo. Ang lakas naman ata ng tama ng rootbeer." sagot ko.
Natapos ang klase bandang alas tres ng hapon.
Tuwing pagkatapos ng klase, madalas tumambay ang Decolgen Forte sa RoseFlakes Square Garden. Nasa dulo ito ng Straw City. Bandang silangan ng Xerendipity. Isa itong parisukat na hardin na puno ng iba't ibang klase ng rosas. White, black, red at pink. Madalas na pinagbabawal ang pagpitas nito ngunit di mo mapipigilan ang kamay mo dahil sa tukso. Bawal sa loob nito ang anumang klase ng sasakyan. Kaya kaylangan mong maglakad ng halos dalawampung metro para marating mo ang kalagitnaan. At dito mo makikita ang Petal Well. Isang balon na madalas pinaghuhulugan ng mga petals ng rosas. Ayon sa sabi sabi, kapag daw hinulog mo ang anumang petal ng rosas, at ito'y lumubog, makalatuluyan mo daw ang babaeng kasama mong maghulog.
Minsan ko ng ginawa yan kay Trix nung kasama ko sya. Hindi lumubog yung petal. Pero niligawan ko parin sya. Kase crush ko sya simula Grade six pa kame. Sya ngayon yung pinakamahalagang babae sa buhay ko, pangalawa sa nanay ko. Maganda sya, mabait, makulit tapos masense of humor. Sya lang ata yung babaeng nakilala kong parang perfect. Para sakin, dyosa sya ng mga diwata. At kung sino mang aangal ay sasapakin ko.
Nagsimula na kaming maglakad habang kumakain ng muncher. Tinawagan ko si Trix, pero unattended. Kagabi pa kami di nag-uusap. Sabi nya kasi kahapon, aatend daw sya ng party kinagabihan. Pagkatapos nun, di ko na tinext dahil nga walang kuryente. Wala ring signal. Tapos ngayon, unattended naman. Lasing yon sigurado.
"Nasan daw si Trix?" tanong ni Humfrey.
"Ayaw sumagot eh. Unattended." sagot ko.
"Nako. Baka may--"
"Wala. Loyal yun. Saka di malandi."
Sabay tawa nilang lahat.
"Party ba yung inattendan? Tapos kila Gale pa? Mga lasinggera yun eh. Dapat di mo pinapunta dun yon." sabad ni Dexter na kanina pa tahimik.
"Teka. Kelan ba kayo naging concern kay Trix Buenavista?" pagtataka ko.
"Syempre pare! Girlfriend mo yun eh! Girlfriend ng isa, girlfriend ng lahat. Cheeers!" pagmamalaki ni Aly.
BINABASA MO ANG
Seventy Steps Away From Her (On Hold)
FantasyWe all make decisions. Kapag gumagawa tayo neto, mas pinipili natin kung ano yung mas mahalaga at mas mahal natin. At yung isang hindi nating mapipili? Maiiwanan, makakalimutan, mawawalang halaga. Ngunit pano na lamang kung magising ka isang araw at...