Nakarating kami sa 7Eleven past 10PM na. Sakto, walang katao-tao kundi si Trix lang. Nakaupo sya sa bandang dulo at naghihintay parin habang umiinom ng Gulp at kumakain (as usual) ng Bigbite. Sa harap nya ay may dalawang Gulp din, na for sure ay para samin.
Sa malayo palang, nakita ko na ang kagandahan ni Trix.
Pumasok na kami na parang may ordinaryo lang akong kasamang babae.
"Hi babe. Tagal much. Anyways, sya ba?" bati nya sabay turo kay Clefairy. "Hi! Good Evening! I'm Trix Frylle Buenavista." sabay bati nya.
"Ah oo. Sya nga. Clef, este Gigi, si Trix, girlfriend ko. Trix, si Gigi. uhmmm. Oo sya na nga." pagpapakilala ko.
Hindi gumagalaw yung engkanto. Kumakaway na sa mukha nito si Trix. Nakatingin lang ito sa kanya.
"Hello?" sabay kaway ni Trix.
Bigla itong kumurap kurap na parang nakakita ng dyosa.
"Wow Trix. You're so gorgeous. Parang gusto ko nalang maging lalaki." habang umuupo at kinukuha na yung Gulp na hindi pa naman inaalok sa kanya. "Akin nalang to ah? Nakakauhaw eh. Salamat."
"OMG! Thanks! She's so freaking cute! I love you Gigi! I like you na." sabay kurot nya sa pisngi ni Clef.
"I so much like you back Trix! Thank you Master sa pagpapatuloy!" sabay tingin sa akin.
Napakunot ako.
"Hahahaha! Dontyawori, we have so much to talk! You know, girly things that that guy don't surely know!" sabay apir nila.
"Wow. Excited na ko Trix. I can't wait. Tara na sa bahay nyo!" pagaaya nya.
"Hahaha. We will, we will. I just want to ask something to you Fel. Sa labas." sabay hila nya sakin. "Stay there Gi. We'll be back."
Hinila nya ako hanggang sa labas.
"Totoo bang fairy yan? Eh mas mukha pang makulit yan sakin eh." pagtataka nya.
"Sa una lang yan Trix. Pag nakita mo yung pakpak nyan, for sure mahihimatay ka." sagot ko.
"Hahaha! Okay okay. Basta tatawag nalang ako pag ginawa nya akong palaka." he said grinning. "Hahahaha! Pero kiddin' aside, di talaga sya mukhang fairy. Para lang syang simpleng babae."
"Babae nga sya. Kayalang kakaiba. Kakaibang kakaiba." pagsasang-ayon ko.
Biglang lumabas yung babaeng nasa cashier at lumapit samin.
"Uhmmmm sir at mam, kasama nyo po ba yung babae dun? Bale, kumuha po sya ng dalawang ferrero, tatlong cadbury, isang toblerone, saka isang vitamilk. Ayaw lang nya po bayaran." paliwanag nya.
Nagkatinginan kami ni Trix.
"Patay na! Di ko nasabing mahilig sa chocolates yun!" paliwanag ko.
"Hahahaha! Fairy na mahilig sa chocolate? Waaaaah!" sabi ni Trix. "How much all in all miss?" sabay baling nya sa kahera.
"Bale po, 289.75 pesos po Mam."
"Okay. I'll pay for that. Basta ipunch mo nalang lahat ng kinuha nya, okay?" sabay abot nya ng credit card.
"Trix! Sorry, naparami yung kain ko ha? Ubos na kase yung chocolates nila Master. Kaya bigla akong nagcrave. Ang sarap nung isa, lasang caramel!" paliwanag nung engkanto.
Naglalakad na kami ngayon, papunta sa bahay nila Trix. Pasado alas dose na. Naubos yung isang hilera ng chocolates section sa 7Eleven. Nalibre tuloy kami ng isang mini slurpee. Yung 7oz lang. Pero guess what? Sya din yung tumirada. Hay.
"Hahahaha! Okay lang Gigi. Basta, kapag nagkadiabetes ka, di ako magpapahospital sayo ha?" sagot ni Trix.
Nasa tapat na kami ngayon ng bahay nila Trix.
"Okay. Nandito na tayo." - Trix.
"Huwaaaw! Ang ganda ng bahay nyo Trix! Ang laki laki!" sabi nung engkanto habang tumatalon.
"Pano babe? Bukas nalang. I'll just text you if something happens. Punta ka rito after school ha? Bye." sabay kiss nya sa cheeks ko.
"Okay babe. I will." sabay hug ko sa kanya. "Hoy Clefairy! Magpakabait ka ha?" sabay tingin ko sa engkanto na kanina pa talon ng talon.
"Aye aye master!"
Nagtaxi nalang ako pauwi. May 500 pa pala ako sa bulsa. Hindi ko alam pero ramdam kong magkakasundo yung engkanto saka si Trix. Saka nung nagtabi sila, napansin kong magkamukha sila. Ng ilong, balat, hugis ng ulo, texture ng buhok, curve ng lips. Parang sa mata lang nagkaiba. Blue yung kay Clefairy. Orange yung kay Trix. Dad nya kase is Filipino and her Mom is Angelican. Ewan ko kung anong lahi yon. Basta, dun nya nakuha yung genes na yon.
Nakarating ako ng bahay ng 12:45PM. Naglaro pa kami ng Resident Evil sa Ps10 ni Gale habang kumakain ng pizza pagdating ko. Bigla syang nagtanong.
"Kuya, may I ask you a question?" sabi nya ng habang bumubomba ng zombie.
"Sure baby. Ano yon?" tanong ko.
"Do you have a fairy in your room?" bigla nyang tinanong na kinagulat ko. Nakita nya kaya si Clef?
"Huh? What are you talking about baby?" sabi ko ng nanginginig na boses.
"I saw dust there. Pixie dust. They are littered in your floor." paliwanag nya.
"Ah.. Yun ba? Wala yon baby. Gumagawa lang ng project si Kuya. And he needs a pixie for it." alibi ko.
"Ah. And who's crying in your room earlier? I hear her sobbing." tanong nya ulit. Pati pala yon ay narinig nya.
"Ah. Yon? That's the television baby. I'm watching drama on channel 65. You know, Katy West? The great artist?" muling alibi ko.
"And your talking to your television? I hear you conversing." tanong nya ulit. Waaaah? Ang tinik ng batang to.
"Uhmm. Ahh,yes baby. I'm practicing her lines. Your ate Trix needs it for her drama presentation in school." alibi ko ulit. "It's already midnight baby. You have classes tomorrow. Let's shut it off." sabay tayo ko at shutdown ng Ps10 bago pa sya magtanong ulit.
Muntik ng malaman ni Gale yung engkanto. Kaylangan pa maging maingat. Hay.
BINABASA MO ANG
Seventy Steps Away From Her (On Hold)
FantasyWe all make decisions. Kapag gumagawa tayo neto, mas pinipili natin kung ano yung mas mahalaga at mas mahal natin. At yung isang hindi nating mapipili? Maiiwanan, makakalimutan, mawawalang halaga. Ngunit pano na lamang kung magising ka isang araw at...