* Felix Cavelier Point Of View *
Nakng teteng naman, oo. Bakit kaya nagalit si Trix? Concern lang naman ako dun sa engkanto eh. Nakakainis. Dahil kaya akala nya hindi ko sya pinansin? O dahil dun sa affection na binibigay ko kay Clef? Hay buhay. Mga babae talaga oh. -.-
Hinabol ko sya hanggang labas. Bigla na lang nawala. Hindi ko alam kung ginamit yung kotse nya or what. Nagkita nalang kami sa school library.
"Trix." tawag ko.
Lumingon sya pero bumalik ulit sa paghahanap ng libro.
"Bakit ba?" sagot nya.
"Galit kaba? Sorry na." sigaw ko.
"Ano ka ba? Nasa library tayo, wala sa cafeteria. Yung boses mo!" bulong nya. "Hindi ako galit." dagdag nya.
"Eh bat ka umalis kanina?" tanong ko.
"Uhmmmm, basta. Wala. Okay lang ako. Okay lang talaga." sagot nya. "May klase ka ng ganitong oras ha? Ba't nandito ka?" tanong nya.
"Wala. Pinuntahan lang talaga kita." sagot ko.
"Sira ulo kaba? Bumalik kana! Dalian mo!" bulyaw ni Trix, napalakas ata.
"Ang ginagawa dito, nagbabasa. Di naglalandian. Okay?" sabat nung isang nerd dun sa gilid na may makapal na salamin.
"Aba, gago ka pala eh!" akmang susuntukin ko sana kung di lang ako pinigilan ni Trix.
"Osige na, sige na. Alis na. Kita tayo mamaya sa bahay. After class. Punta tayong mall." bilin nya.
"Okay, bye babe." sabay takbo ko.
* Gigi Strauss Point Of View*
Ang sarap pala nung mga pagkain nila Trix rito. Ang dami dun sa tinatawag na ref ba yun? Oo. Yun nga. Punong puno. Busog na busog na ko. *burp* (Excuse me)
Malawak rin yung bahay nila Trix katulad ng bahay nila master. Pero ang pinagkaiba lang, parang medyo luma eto. Pero ang ganda ng mga kagamitan! Yung parang mga glass dun sa gitna ng kisame na nakabitin, yun! Maganda yun! Chandelier ba tawag run? Yun nga ata.
Naglakad lakad pa ko paikot sa bahay nila. Lahat na ata ng sulok ng bahay napasok ko. Pero etong veranda ang pinakanagandahan ko. Tanaw mo mula sa taas yung buong hardin nila. Ang gaganda nung mga bulaklak. Kayalang walang mga rosas. Puro sunflower at daisy.
Tuwing may makikita akong malaking mariposa, nakikita ko yung sarili ko run. Ang dami kasing nagsasabi na ganun daw yung itsura ko. Si master saka si Trix. Siguro nga katulad ng paru-parong yon ang pakpak ko. Hihihi.
Pumasok na ako sa loob at nagdecide na maglinis nalang. Ugali ko kasi yun eh. Kaya nga yung napakalaking bahay nila master, nalinis ko yun! Walang mintis. Kaya eto, kayang kaya ko linisin. Matutuwa panigurado si Bes neto.
Nagsimula ako sa kwarto nya. Medyo madumi. Medyo maraming damit. Di pala medyo, sobra pala. Halos matabunan na nga ako nung binuksan ko yung cabinet. Pero nalinis ko naman agad. Naiwan nya pa yung bracelet nya.
Sunod ko yung katabing kwarto. Malamang sa malamang, kwarto to ng Daddy nya. Puro picture eh. Kayalang ang pinagtataka ko, bakit kaya wala yung Mommy nya? Nasan kaya yun? Naghiwalay kaya sila ng Dad nya? Ewan. -.-
Habang pinupunasan ko yung lamesa, may napansin akong isang picture. Yung dad nya may kasamang babae. Eto siguro yung mom nya. Pero ang nakapagtataka, bakit parang may nakakabit sa likod nyang pakpak? Ah. Siguro eto yung pinapaliwanag sakin ni master na cosplay. Yung nagdadamit ka para magaya yung isang fictional character. Parang kami yung ginagaya nya eh. Parang fairy. Pero, hindi naman kami fictional character ah? Hmp. -_____-
BINABASA MO ANG
Seventy Steps Away From Her (On Hold)
FantasyWe all make decisions. Kapag gumagawa tayo neto, mas pinipili natin kung ano yung mas mahalaga at mas mahal natin. At yung isang hindi nating mapipili? Maiiwanan, makakalimutan, mawawalang halaga. Ngunit pano na lamang kung magising ka isang araw at...