"Araaaaaay!" sigaw ni Clefairy.
Hinihintay namin si Trix dito sa Park dahil bumili sya ng cotton candy. Binilan nya lang naman etong engkanto ng sandamakmak na damit. Kase halos lahat ng damit, kasya at bagay sa kanya. Pero, in goodness sake! (facepalm) may problema na naman ata sya.
"Ano na namang meron?!" purgang purgang tanong ko.
"Yung ano ko-- ahhh." daing nya.
"Natatae ka? Nawiwiwi? Nagugulumihanan? Ano!?" tanong ko ng hindi nakatingin.
This time, wala akong narinig na sagot kaya agad kong binaling ko ang tingin ko sa kanya.
Nakayuko sya at namimilipit sa sakit. Nahaharangan ng kanyang buhok ang kanyang mukha kaya hindi ko makita ang kanyang reaksyon.
"Teka nga..Oy Clef!" hinawakan ko ang kamay nya.
Biglang may tumunog sa likod nya.
"Tut tut! Tut tut!" yung LifeBar na sinasabi nya kulay red na.
Hay. Yun lang pala. Yung Life bar mauubos na. -.-
Teka nga lang.. O.O
Lifebar? O_______O
* Flashback *
Bigla nya itong inamoy at saka umilaw yung parang battery bar na nakakabit sa pakpak nya. Mula sa red na mauubos na, tumaas at naging green.
"Ano yan?" tanong ko.
"Ah. Eto yung Life Bar, master. Dito nasusukat yung buhay namin. Kapag bumaba ito hanggang sa mawala, mawawala rin kami." paliwanag nya.
"Waaah? You mean, mamamatay ka kapag naubos yan?" paninigurado ko.
"Ganun na nga. Kaya kaylangan ko ng rose." sagot nya.
"Para saan naman yun?"
"Ah. Yung mga rose yung nagbibigay buhay samin. Kapag nalalanghap namin sila, nadadagdagan yung Life Bar namin. Kapag walang rose, wala narin kami." paliwanag nya ulet.
Hindi ako makapaniwala sa sinabi nya. Binubuhay sila ng mga rose? Hindi ko ata kaya yun. Yung rose na nilanghap nya, biglang natuyo at nabulok.
* End Of Flashback *
Shetness again! Kaylangan ko ng rose! Rosaaas!
"Teka lang. Teka lang. Clef, dito kalang. Promise mabilis lang ako!" sabay takbo ko na madaling madali.
"Oo--hkaa-yy ma--ste--r." nanghihina nyang sagot.
Nasa Park ako. San ako kukuha ng rosas? Nakngpating naman oo. Wait lang. Tnry ko kumuha sa garden, pero nahuli pa ako nung nagbabantay. Nagbayad pa ako ng 100. Tapos hindi ko pa nakuha, isa na nga lang yun. -_____- May "Dont Pick Off The Flowers" pala dun sa gilid. Di ko nakita.
Pano na si Clef? Isip. Isip. Isip. (Ala Jimmy Neutron) Sa kalayuan, may nakita akong nagtitinda ng bouquet ng flowers. At may roses dun.
Agad agad akong tumakbo at bumili ng apat na bouquet. 50 pieces each. 1,500 ang piraso.
"Eto Clef! Eto yung roses!" sabay bigay ko sa kanya nung apat na bouquet.
Agad nya itong kinuha saka walang tigil na inamoy. Unti-unting nadagdagan yung lifebar nya. Pero kalahati lang. Sa 200 pieces na roses, hindi pa napuno? Eh bakit nung nagbigay ako nung 5 roses sa kanya, kalahati na yon. Eh sa RoseFlakes ko lang naman kinuha yon?
"Thaank youu! Ma-asster!" sabi nya matapos mabulok lahat ng roses na binigay ko.
"Haay! Ba't di mo agad sinabi na mababa na pala yung lifebar mo? Tapos bakit hindi pa napuno?" sunod-sunod kong tanong.
"Hindi ko alam Master. Kapag naman nakakaranas ako neto, hindi kakaiba yung sakit. Pero ngayon, ibang iba na." sagot nya.
"Sino kaba talaga kasi? Saka san kaba talaga galing? Pano kapag umalis na kami ni Trix? San ka pupunta? Sino magbibigay ng mga gusto mo? Ha?! Sabihin mo na kung sino ka! Ba't kasi bigla bigla kana lang dadating?" bigla bigla kong sigaw sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit eto yung mga salitang lumabas sa bibig ko. Basta bigla na lamang syang tumayo at tumakbo palayo. Nakita ko ring naggilid yung luha nya. May nasabi ba akong masama? Ako na naman ba yung mali?
"Wait lang. Teka, san ka pupunta! Hoy! Bumalik ka rito! Hoy!" habol ko sa kanya. Pero bigla nalang syang nawala. Ang bilis.
Ba't ba kasi ganun yung nasabi ko?
"Ang tanga tanga mo Felix! Walangya kang lalake ka! Sino ka para pagsabihan yung babaeng yon ng mga ganun? Hindi mo ba natatandaan ang mga salitang ikaw mismo ang nagsabi? Tungkulin ng mga lalakeng protektahan ang mga babae! Bold yan para intense! Wala kang kwenta Cavelier! Walaaa! San mo hahanapin yun, ha? Hindi mo alam! Hindi! " sabi nung konsensya ko.
Napaupo na lang ako sa bench saka dumukdok. Nasan kaya si Trix? Haaay buhaay. :c
BINABASA MO ANG
Seventy Steps Away From Her (On Hold)
FantasyWe all make decisions. Kapag gumagawa tayo neto, mas pinipili natin kung ano yung mas mahalaga at mas mahal natin. At yung isang hindi nating mapipili? Maiiwanan, makakalimutan, mawawalang halaga. Ngunit pano na lamang kung magising ka isang araw at...