Chapter 7

47 16 1
                                    

"Wait lang, wait lang." reklamo ni Clefairy.

"Ano na naman yon?"

"Yung pakpak ko. Masyado atang naipit. Kaylangan na nyang maunat." paliwanag nya.

Patuloy parin yung paglalakad namin. Nandito palang kami sa pangalawang kanto ay nagreklamo na agad sya. Makapal ang dami ng tao dito sa Xavier St. Isang street pa at 7Eleven na kami.

"Shems naman oh! Ba't dito pa? Di mo ba nakikita? Nasa City na tayo! Ang dami na kayang tao!" bulyaw ko.

"Ihh. Kaylangan na talaga master." sabi nyang habang nagppout na parang bata.

"Osige na nga. Pumunta ka dun sa madilim na iskinita na yon!" turo ko dun sa tabi.

Dali dali syang tumakbo at parang madaling madali. Hinintay ko sya sa labas ng iskinita na parang holdaper na nag-aabang ng didispatyahin.

Lumipas ang 20 minutes, wala parin sya. Normal siguro yung pagkapabagal nung engkantong yun. Maya maya ay tumawag na si Trix.

"Babe, nandito na ko sa 7Eleven. Nasan na kayo?" sabi nung kabilang linya.

"Wait lang babe. Yung fairy, nag-uunat pa ng pakpak nya." paliwanag ko.

"Hahahahaha! Totoo babe? I can't wait to see it. Make it sure that you'll be here in a bit. See ya." sabay patay nung call.

Okay. Almost 30 minutes na, wala parin sya. 'Nak ng butiki oh, ba't pa kasi napadpad yang engkanto na yan samin eh.

I waited again for 5 minutes then nung wala parin, I decided to follow her inside the dark alley.

"Cleffy? Clefairy? Nasan kana ba? Ang tagal mo!" sigaw ko with matching echo.

Walang sumasagot.

"Si Trix nasa 7Eleven na! Hoy engkanto! Lumabas kana!" sigaw ko ulet.

Wala paring sumasagot. Pinasok ko pa ang kaloob looban ng iskinita hanggang sa nandun na ata ko sa pinakadulo. Biglang may sumisigaw, boses ni Clefairy.

"Massterrr! Tulong! Master!"

May tumatawa ring parang lalaking lasenggo. Tumakbo pa ko at sumagot.

"Clef? Nasan ka? Nasan ka ba?"

At sa di kalayuan, nakita ko na hinahatak sya ng isang lalaking parang nakainom. Namumula yung mata na parang nasobrahan sa paghithit ng shabu.

"Hoy bata! Parang masarap iulam itong girlfriend mo ah? Ipaubaya mo na to sa sakin. Sige na." sabi nung kalbong lalaking parang nakahithit ng limang gramo ng shabu.

Biglang nagpantig yung tenga ko. Naalala ko yung isang pangyayaring naging mahina ko.

FLASHBACK

"Bitawan mo si Trix!" sabi ko kay Gilbert. Ang dating bully kong kaklase.

Hawak hawak nya si Trix sa collar at akmang pagsasamantalahan. 4th year high school kami nun sa West Faction High School.

"Hahaha! Sino ka uhugin para utusan ako ha?" sagot nya.

"Basta! Ibaba mo si Trix kung ayaw mong mapuru--"

*Blaaag*

Bago pa man ako matapos magsalita, may humampas na agad sakin ng baseball bat. Nagdugo agad yung ulo ko. Sa likod, nakita ko yung mga barkada ni Gilbert. Mga pito sila. Puro mga lalaking malalaki yung katawan.

Binugbog nila ako hangga't kaya nila. May tumatadyak, may humahampas, may sumusuntok. Nagkikisay na ata ako sa sahig non. Bago pa man nila magalaw si Trix, nakapagtext pa ako sa 822 (Police number) at agad naman silang dumating. Duguan ako. Sabog yung mata ako at parang naparalyzed yung buo kong katawan.

Tumakbo sakin si Trix saka tinulungan akong bumangon. Walang tigil sya sa pag-iyak nun.

Nakulong silang walo kasama si Gilbert. At ako? Isang buwang nasa hospital.

Yun yung memoryang ayaw ko nang balikan pa. Kaya ngayon, di na ko papaapi.

*End Of Flashback*

"Master! Master!" sigaw ni Clefairy habang kumakawala.

"Hoy pangit na bungal! Ibaba mo yang babae kung ayaw mong isubsob ko yang mukha mo sa kanal?paghahamon ko sabay unat ng kamao.

"Aba! Lumalaban ka pa ah?" sabi nung kalbong lalaki sabay baba kay Clefairy.

Susuntukin sana ako nung pangit pero naunahan ko syang sikmuraan saka iuppercut. Tinadyakan ko rin sya ng makailang beses bago ako nakalimang job sabay straight na nagpatumba sa kanya. Ngayon ko lang nagawa ito sa tanan ng buhay ko.

Tumakbo sakin si Clefairy sabay yakap. Umiiyak sya.

"Thank you Master. Thank you." sabay hikbi.

"Okay ka lang ba? Walang bang masakit sayo?" sabay check ko sa arms nya.

"Wala Master. Thank you talaga. Kundi dahil sayo, patay na ko." sabay yakap uli at biglang nagpink yung cheeks nya.

"Sorry." mahina kong bulong.

"Huh?" sagot nya sabay release sakin.

"Sorry kase I let you go here in the dark alley knowing na may maaaring mangyari sayo. Sorry. Hindi ko na uulitin. Sorry." sabay luhod ko sa kanya.

"You don't need to say sorry master. It's my fault. It's all my fault. Why are you pleading for forgiveness?" sabay akay nya saking tumayo.

"Layunin ng mga lalaki ang protektahan ang mga babae." diretso kong paliwanag habang nakayuko parin. "Kaya sorry, kase hindi kita naprotektahan this time. Sorry Gigi."

Biglang tumulo yung luha ko.

Hindi ko alam pero biglang lumabas sa bibig ko yung totoong pangalan nya. Bakit kaya? At saka, bakit ganito yung kinikilos ko? Parang may kakaiba sakin. Oo, sure ako don.

"No master. You saved me. Wag ka nang umiyak. Sige ka, papangit ka nyan." sabay ngiti nya at naging pink ulet yung cheeks nya.

"Hahaha! Osige. Gwapo nga pala ko. Tara na. Baka napanis na si Trix dun." sabi ko sarcastically sabay takbo habang hila hila sya.

Seventy Steps Away From Her (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon