Maya maya, nanaginip na ko.
Sa isang lugar na hindi pamilyar sa akin, may kaguluhan. Maraming nagpapasabog. Maraming umiiyak. Maraming tumatakbo. Maraming lumilipad. (Waiiit, whuut?) Oo nga, lumilipad. May mga taong parang mga paru-paro. Pilit nilang dinadala yung mga taong sugatan. Ngunit, hindi ata kaya ng mga pakpak nila.
Biglang may sumabog na kaliwanagan. Umikot ang paligid. Umikot ng umikot. Hanggang sa purong kadiliman na lamang ang makikita.
Ngunit, may dalawang boses akong narinig.
"Iwan mo na ko dito Shalany!"
"Hindi Stan! Mabubuhat kita! Kaya ko to!"
"Sige na! Umalis kana! Baka maputol pa ang pakpak mo! Dali naaa!"
"Minsan mo nang sinalba ang buhay ko Stan. Ako naman ang babawi sayo. Para sa buhay mo to."
"Wag na wag mong gagawin yan Shalany! Waaaag! Hayaan mo nalang ako! Waaaag!"
Bigla kong ibinukas ang aking mga mata. Mabilis ang kabog ng aking dibdib. Parang hinahabol ng sampung kabayo. Walang tigil sa pagtulo ng aking butil butil na pawis. Kagya't dali dali akong bumangon at tiningnan ang orasan na nakatirik sa itaas ng aking kama.
2:59 AM
Madaling araw na agad? Eh mga alas-diez lang ako natulog eh. Ang bilis ng oras. Apat na oras na yon? Muli akong humimbing sa saliw ng lagitik ng orasan na kay bilis kapag hindi napapansin.
Napakamisteryoso ng drawing na yon. Pero sa halos sampung taon ko rito, ngayon ko lang napansin yan. Medyo naguguluhan ako kasi walang pwedeng gumawa nyan. Hindi naman pwede yung kapatid kong si Bloom kase limang taon palang yon. Hindi rin pwedeng si Papa kase parehong kaliwa kamay nun. Si Mama naman, ewan? Di mahilig magdrawing yun.
Magulo.
Mahirap.
Misteryoso.
Gumulong ang oras at nagising ako sa liwanag ng araw na tumatama sa aking pisngi.
Time Check. (8:30 AM)
"WAAAAH! Shet, late na ko!"
Dahil sa antok at katamaran, hindi na ko pumasok. Isang araw lang naman. Saka, friday naman na. Ang kaylangan ko na lamang gawin ay...
(Choose one below) eka nung author.
A. Magbasa ng Business Taxation dahil malapit na ang prelims.
B. Maglinis ng bahay kase onti nalang magmumukha ng junkshop.
C. Isolve ang mystery sa mahiwagang drawing sa pader featuring Alodia Look-Alike.
"Uhmmm. Gagamit ako ng 50:50." sagot ko sa author.
"Sure kabang gagamitin mo na yung lifeline mo?" tanong nung author.
"Oo nga." iritado kong sagot sa makulit na author.
"K." sagot nung epal na author.
Tenteneneeen! Ang natira ay ang...
C. Isolve ang mystery sa mahiwagang drawing sa pader featuring Alodia Look-Alike.
"Okay, dahil yan nalang yung natira. Siguro yan narin yung sagot." sabi ko sa author.
"Malay ko. Depende sa common sense mo." sagot nung author na namumuro sa exposure sa story na to.
"Okay yun na lang. Final answer." paninigurado ko.
BINABASA MO ANG
Seventy Steps Away From Her (On Hold)
FantasíaWe all make decisions. Kapag gumagawa tayo neto, mas pinipili natin kung ano yung mas mahalaga at mas mahal natin. At yung isang hindi nating mapipili? Maiiwanan, makakalimutan, mawawalang halaga. Ngunit pano na lamang kung magising ka isang araw at...