Memoria - 2

245 7 0
                                    

"Ano?! pano kasi nangyari 'yon?!" hindi pakapaniwala at may halong gigil na tanong ng kaibigan niyang si Cendee.

Alas syiete na kasi siya ng gabi hinatid 'nong lalaking nag-ligtas kuno sa kaniya kanina. At dinala ng kung saan-saan.

Nang pagkadating niya sa tinutuluyang boarding house ay sinalubong kaagad siya ng nalabusangot na mukha ng kaibigan.

"Hindi ko nga alam! Hahabulin ko na sana 'yung hampaslupang tumakbo sa phone ko. Pero bigla niya akong hinatak at niyakap!" mataray niyang tugon sa kaibigan.

"Mag-kakilala ba kayo ha?!" gigil paring tanong ng kaibigan.

"Sympre hindi! Hindi ko nga kilala ang lalaking 'yon. Hindi siya familiar sakin at ngayon ko lang din siya nakita, kaya paanong magka-kilala kami?"

Padabog niyang pinagpagan ang kaniyang kama. Inayos niya ang bedsheet maging ang mga unan.

Naiinis parin siya sa nangyari kanina dahil halos absent siya ng isang araw dahil hindi pumasok ang first profesor niya. At biglaan nalang siyang hinila palabas ng isang mayamang lalaki sa skwelahan.

Isang araw mo lang na absent sa college ay napakarami mo nang na miss na lesson na ikinainis niya ng sobra.

Although hindi naman siya scholar at wala siyang grades na kailangan makuha pero, gusto niyang maipakita sa mata-pobre niyang auntie na kayang-kayang niyang harapin ang lahat ng laban niya.

Hindi ako papayag na basta-basta lang ako tatapakan! Para sa bayan, lalaban ako! Charot.

Natigil siya sa ginagawa nang maramdaman niya ang tingin ni Cendee sa kaniya kahit hindi siya nakatingin dito.

Nilingon niya ang kaibigan at napangiwi nalang siya nang makitang nakataas ang kilay nito sa kaniya at naka krus ang brasong nakatingin sa kaniya.

"Anong tinitingin-tingin mo jan?" pataray niyang aniya sa kaibigan.

Napahawak pa sa bewang ang kaniyang kaibigan at hindi talaga makapaniwalang nakahalukipkip pang nakatingin sa kaniya.

"May ideya kaba kung sino 'yung lalaking nag-hatid sa'yo dito?" nakangising tanong ng kaibigan.

Hinarap niya ito.

"Malamang hindi. Kilala mo ba?" tumatawang tanong niya sa kaibigan.

Her friends scoffed in disbelief.

"Really Riyadh? sympre kilala ko!"

Her lips formed letter O about what her friend said.

"Weee? sino nga ba 'yun—"

"Siya lang naman ang may ari ng Harmonica Melodia! How come hindi mo alam 'yon?!"

Para siyang binuhusan ng napakalamig na tubig nang marinig niya ang sinabi ng kaibigan. Like, what the f?

Paano nangyari 'yon?

Napaisip siya.

Kaya ba ganoon nalang siya makipag-usap sa ibang stockholders pati narin kay dean dahil siya pala ang may-ari?! What the actually heck!

"Oh ano?! Napanganga ka na ngayon?! Ha! 'Yan kasi, palagi mo nalang pinapairal 'yang kasungitan mo. 'Yan tuloy, nag-mumukha kang tanga." panunukso ng kaibigan niya at sinamaan naman niya ng tingin.

Nakatingala lang siya sa kisame ng kaniyang kwarto. Para siyang patay na nasa morgue dahil sa posisyon niyang naka straight ang katawan at nasa nakapatong sa tiyan ang dalawang kamay.

Hindi siya makatulog. Hindi siya makatulog dahil sa kakaisip doon sa lalaking nakasalamuha niya kanina'ng may-ari pala ng university niya. At ito pa, kung 'yon talaga ang may-ari ng skwelahan na pinapsukan niya ay mas lalong hindi niya nga kilala iyon!

The Man I can't rememberWhere stories live. Discover now