Memoria - 17

126 6 2
                                    

Sinalubong ni Riyadh ang pag-usbong ng araw hanggang sa tumirik na nga ito mula sa bintana ng kwarto niya.

Hindi siya nakatulog simula nang makauwi siya.       

Oo.. Umuwi talaga siya. Hindi siya naawat ni McHeshim sa kagustuhan niyang umalis. Gusto niyang lang makahinga at malayo sa lalaki.       

Parang biglang bumaliktad ang utak niya at ayaw muna makita ang binata. Kahit labag man sa kalooban niya ay ginawa parin.      

Binigay naman ni McHeshim ang hiling niya na makuha ang phone para ma contact si Cendee.  Hinatid siya ni Spade kagabi kasama ang iba pang mga lalaki.

Maging ang mga ito ay pinilit siyang huwag na muna umalis, pero wala ding nagawa angmga ito.       

Bumangon siya sa kama niya at tiningnan ang phone niya kung anong oras na.

"Alas onse na, litsugas."    

Para siyang baliw sa bahay niya dahil panay ang kausap niya sa sarili at siya lang din ang sumasagot sa mga tanong ng kaniyang isipan.       

Dahil hindi niya alam ang gagawin, inilibang niya lang sarili sa pag-lilinis ng buong bahay.

Nag-mop, nag-vacuum, nilinis niya din ang kwarto nila ni Cendee. Hinalukay niya lahat ng sulok ng bahay nila para malinis nga ito.

May nakita pa siyang mga papel na ginamit pa nila ni Cendee para sa project nitong parol na gawa sa mga recycled materials. Nilabhan na rin niya ang mga damit niya at ang mga damit ni Cendee.  

Hindi siya nakaramdam ng pagod sa ginagawa, ni hindi niya nga namalayan kung anong oras na.   

"Ano ba ang susunod kong gagawin?"    

Maligo ka nalang, self.  

Ah, oo nga no?    

Kung anong sinabi ng isip niya ay ginawa niya nga. Naligo siya at umabot ng halos dalawang oras na mag-tanggal ng libag sa katawan.

Desperada siyang gawing busy ang sarili para kahit ni isang segundo ay hindi niya muna maisip ang lalaki.     

Hindi naman siya galit, nag-tatampo, o nag-iinarte... Sadyang gusto niya muna ng lugar para sa sarili.      

Nang matapos siya sa pag-liligo ay agad niyang kinuha ang phone niya dahil naisip niyang magpa-deliver ng pizza para sa snack.

Wala lang.

Gusto ko lang.

Sana all, gusto. Charles!
    

Inayos niya ang mukha niya sa pag-lalagay ng day cream na package galing sa tita niya noong nakaraang buwan, hindi niya pa kasi nagagamit ang mga iyon dahil marami pa siyang stocks.      

She found herself wearing a white skirt and a black cropped top.

She's even confused and wrinkled her nose up as she saw herself in the mirror.

"Saan ang lakad mo, self? Ano 'yang suot mo?" nakangiwing tanong niya sa sarili habang umiikot sa harap ng salamin para suriin ang napili niyang damit.

Wala siya sa sarili. Daig pa niya ang hindi nakakain ng isang linggo at nabaliw. She don't have any idea on why she even picked those clothes.

She even put make-up on her face unknowingly. "How weird."    

Nagkibit-balikat nalang siya at nag-hanap nalang ng sapatos na maipapares niya sa kaniyang suot.   

Naisip na naman niyang lumabas nalang para aliwin ang sarili. She wore her white Keds, courtesy by her tita of course.       

The Man I can't rememberWhere stories live. Discover now