"Luh?! Seryoso? Sinasabi ko na nga ba't may something talaga kayong dalawa eh. Maang-maangan ka pang hinuyupak ka!"
'Yan ang paulit-ulit na tanong ni Cendee sa kaniya sa tawag.
Matapos kasi ang nangyaring 'Harana' kagabi ay tumawag agad ito para alamin kung anong meron.
Natawa nalang sa naging reaksyon ng kaibigan dahil expected na naman niya iyon.
"Nag-sasabi naman ako ng totoo ah? Hindi ko naman siya kilala-"
"Hindi mo kilala pero jowa mo na ngayon. Sus! 'Yang paganyan-ganyan, alam ko na 'yan! Wag ka nalang mag-deny dahil kahit noon paman may something na talaga akong na sense." kuda na naman nito.
Bumuntong hininga siya. "Ewan ko ba, ang dali kong na-attach sa kaniya. All I knew is mahal ko na siya."
"Ang sabihin mo, marupok ka lang talaga." pag-tama pa ng kaibigan niya na ikinangiwi niya.
Gusto niya lang naman sabihin sa kaibigan ang tungkol sa status niya sa buhay pero ito ang nangyari. Para na tuloy siyang isang batang pinagalitan dahil may secret jowa.
"Teka, nasaan ka nga ba ngayon?" tanongni Cendee.
Sa tanong ng kaibigan, tamang-tama na lumabas si McHeshim mula sa kwarto nito na inaayos ang tie na suot.
Napangiti siya dahil sa kagwapuhan nitong taglay habang pinag-mamasdan ang mga kaugatan sa kamay nitong gumagalaw.
His hair is still wet and disheveld which is making her atmosphere hot.
"Nasaan ka na?! Nawala ka na ba sa earth?"
Nagising siya sa matinis na tanong ng kaibigan. Epal hehe.
"Who's that?" tanongng binata sa kaniya na tinutukoy ang kausap niya sa phone.
"Who's that?!" tanong naman ng kaibigan niya mula sa kabilang linya. Halatang narinig nito ang boses ng lalaki.
Hindi niya nasagot ang kaibigan dahil nag-salita na naman ang kasintahan.
"Anyways, pupunta tayo sa Love House. Kakain na muna tayo."
"Love house?" tanong niya sa binata.
"Love house? Anong Love House? Saan 'yon?" naguguluhang tanong ni Cendee.
Nalukot ang mukha niya dahil nalimutan niyang nasa kabilang linya pa pala ang kaibigan.
Nawala sa isip niya iyon dahil sa presensya ng lalaki.
Tsk. Marupok.
"Hindi mo man lang ba ako sasagutin ha Riyadh-"
"Sasagutin kita mama. Bye muna, I love you. Keep safe, mwa."
Pinutol na niya ang tawag at saka in-off agad ang phone para hindi muna makatawag ang kaibigan.
Sorry Cendee.
Bumaling siya ng tingin sa kasintahan na busy sa paghahanda ng kanilang makakain.
She saw him wearing a confused face while looking at her. Nilapitan niya ito."Anong ginagawa mo?" tanong niya sa lalaki.
"Who are you talking to?" seyosong tanong sa kaniya.
Sandali siyang natigilan at naisip kung bakit ito seryiso ngayon. Natawa nalang siya ng malakas na ikinalukot sa mukha ng binata.
"What's so funny?"
Tumawa lang siya ng tumawa hanggang sa makontento siya saka tingingnan ang lalaki.