"Oh? Nasaan na si Hillary?""Bigla nalang siyang nawala."
"Sabi ng mga teacher ay nag-drop na daw siya."
"Luh, anong nangyari?"
Karaniwan 'yang mga naririnig niya sa mga taong nasa labas ng dean's office.
Nandito siya sa university dahil may kukunin siyang mga files niya at magpaalam na din.
Dismayado ang mukha ng dean habang mag pinapakli itong mga folder at hinahanap ang pangalan niya.
"I'm very sorry of what happened Ms. De Erio. Mr. Race is very not pleased of what happened to you." punong-puno ng konsensiyang sabi ng dean.
Pakiramdam niya tuloy ay para siyang binully ng todo tapos ipapa-transfer ng mga magulang. Feel lang naman.
Napag-usapan narin nila ni Cendee at nag suhestiyon pa ang kaibigan kung saang magandang college na papasukan.
Pero buo na ang desisyon ni McHeshim na ipapa home-school siya nito.
Para siyang mayaman na ayaw i-expose ng mga magulay kaya ipapa home-school nalang. Feel lang din ulit.
"Actually po, okay lang sa akin na mag-stay nalang sana dito. Pero po kasi....."
"No it's okay. I understand. It's Mr. Race's dicision after all."
Pagkasabi 'non ay inabot na sa kaniya ang lahat ng papel na kailangan niya para mawala na siya sa Harmonica.
Class hours na ngayon kaya wala ng ibang taong nag-lalakad maliban sa kaniya sa hallway.
Kahit naman hindi na siya mag-aaral dito ay wala din naman siyang magandang alaala dito kaya naisip din niyang okay na lang din.
Itinext niya si Cendee na uuwi na siya. Hindi iyon naka reply agad dahil malamang nasa klase pa ang kaibigan.
Nakita niya si Miracle na kausap si Ms. Saavedra sa may accounting at parang nag-aaway ang mga ito.
Tago ang kinatatayuan niya kaya huminto na muna siya sa paglalakad at luminga-linga muna ng ibang madadaanan maliban sa accounting.
Pero hindi niya sinasadyang marinig ang napag-uusapan ng mga ito.
"Sinabihan na kitang hindi magandang ideya ang lumipat dito pero matigas parin ang ulo mo!" galit na anang ginang.
"I told you already mom na gusto kong matama ang mga pagkakamali ko noon."
Natigilan siya sa narinig habang inaalisa kung tama ba ang narinig niya mula dito?
Mom? Mag-ina sila?
"Paano? Sa pamamagitan ng pagpapahiya mo sa sarili mo? Hindi ka ba nag-iisip ha, Miracle?"
Natahimik ang dalawa habang siya naman ay nanatiling nakatayo doon at nakikinig. Ano ba tong ginagawa 'to?!
"Mom, kailangan kong gawin 'to. Nadadamay ko ang inosente dito." giit ni Miracle sa ina nito.
"Kaya nga ayaw kitang pumunta dito dahil may kamukha ka—"
"Kaya nga! Para hindi malito ang mga tao, dahil wala siyang alam! Paano niya makukuha at maiintindihan niya lahat ng ito kung wala ako para ipaliwanag na walang kasalanan si Riyadh?!"
Napangiwi siya nang marinig niya ang pangalan sa usapan. Ano nga ba ang pinag-uusapan nila?
Nakita niyang lumambot ang mukha ng ginang at niyakap nito ang anak.