Memoria - 12

113 4 0
                                    

Manghang-mangha siya sa tanawin na bumungad sa kaniya nang nakapasok ang kotseng sinasakyan nila nicHeshim sa malaking gate.

Napalakaing garden at kilometro pa ang lalakarin mula sa gate hanggang sa bahay! Ganoon kalaki ang bahay na pinasukan nila. Hindi na siya makapagsalita lalo nang makita niya ang fountain sa tapat ng bahay.

"Ang ganda." bulong niya da sarili niya habang nakataningala sa mataas ng gusali ng bahay.

"Hop off, kitten."

Napalingon siya nang mag-salita ang binata, nginitian lang siya nito at naunang bumaba sa kotse.

Sumunod naman siya sa binata at napasinghap siya ng malalim na hininga nang dumampi sa kaniya ang presko at mabangong hangin mula sa ibat-ibang bulaklak sa garden.

Hindi pa siya nakakapasok sa mga ganito kalaking bahay. Ngayon lang nang dinala siya ni McHeshim dito, this place is a peace of mind.

"Earth to kitten?"

Napakurap siya nang marinig niya ang tinig ng lalaki at pagwagayway sa kamay nito sa mukha niya. Hindi niya alam ang iri-react niya kaya napatulala nalang siya sa lalaki.

Sumilay ang napakaliwanag na ngiti nito na ikinalukso ng dugo niya. Pakiramdam niya ang lahat ng ugat niya ay puputok na dahil sa lakas ng tibok ng puso niya.

"Nakatitig ka na naman sakin, baka masanay ako niyan." nakangising aniya ng lalaki.

Umismid siya. "Talaga? Edi wow."

"Just kidding. Pumasok na tayo?"

Inimuwestra nito ang malaking pinto ng bahay at tumango naman siya. Sumunod aiya sa likod ng lalaki papasok sa double doors na nandoon.

Bumungad sa kaniya ang mga mamahaling furnitures at malalaking vase sa kada corner ng bahay! Inilibot niya ang paningin at parang kumikinang ang kaniyang paligid dahil sa mga eleganteng mga gamit.

Ang sahig ay carpeted maging ang hagdanan ay may carpet din. Tumingin siya sa itaas at nakita niya ang kay laking chamdelier doon. Pero ang nakakuha sa atensyon niya ay ang mga gamit na gawa sa kahoy.

Ay hawakan sa hagdan ay ay gawa sa kahoy, maging ang haligi ay napansin niya gawa sa kahoy, dingding, at kung anu-ano pa. Walang malalagyan ang sobra-sobrang pagka-mangha niya dito.

"Nagugutom ka na ba? matagal-tagal din ang biyahe natin."

Napukaw ang isipan niya sa tanong nito. Tiningnan niya ang lalaki at umiling. " Hindi pa naman ako nagugutom, baka mamaya siguro?"

"Well dito ka lang muna, mag-bibihis na muna ako at magluluto na sa kakainin natin mamaya. Or gusto mong sumama sakin?" pilyong tanong ng lalaki sa kaniya at natawa nalang siya bago umirap.

"Dito nalang ako. 'Wag kang echosero."

"Okay. If you say so, kitten."

Natawa nalang siya at napailing sa kalokohan ng lalaki. She's somehow felt secured knowing that she's here inside McHeshim's house, she feel safe.

Wala siyang naisip na masamang mangyari sa kaniya sa kamay ng lalaki dahil hindi malataas ang kompyansa niya sa sarili na walang gagawing masama ang lalaki sa kaniya. Kalokohan, meron at marami!

Umupo siya sa napalaking sofa kinuha ang phone niya para i-check kung may message ba at para malibang nadin siya habang hinihintay ang binata na makabihis.

The Man I can't rememberWhere stories live. Discover now