Memoria - 8

118 4 0
                                    

Nag bibihis na si Riyadh ng uniform para pumasok na sa school niya. Inaayos na niya ang buhok niya ngayon at nag lagay na din ng konting kolorete sa mukha.

"Riyadh! Tapos ka na ba 'jan?! Kakain na tayo!" rinig niyang sigaw ni Cendee mula sa baba. Alas sais na ng umaga kaya malamang nag-mamadali na din ang kaibigan niya.

Dinampot na niya ang bag at kinuha ang mga notebook sa study table at lumabas na sa kwarto pababa sa kusina kung nasaan ang kaibigan niyang nag hahanda para sa kanilang kakainan.

Minsan talaga ay pakiramdam niya ang pabigat lang siya dahil wala man lang siyang maitulong ni Cendee. Pero kung kokomprontahin naman niya ang kaibigan patungkol doon, lagi nitong sinasabing mas gusto daw nitong mag-linis ng mag-isa para wala daw hassle. Kaya hinayaan nalang niya.

"May duty ka ba mamaya?" tanong niya nang makaupo na siya. Nakita niyang umiling ang kaibigan at kumunot naman ang noo niyang tumingin dito.

"Ooz? Talaga? Manood tayo movie." nakangising aniya sa kaibigan at nag liwanag naman ang mukha nito. Nag-salin nadin siya ng kanina sa plato.

"Yiiee, sige download ka movie. Ako nalang ang bibili ng fries hihihi." nagpapacute na aniya Cendee at natawa naman siyang umirap dito.

Lahat nalang talagang kalokohan nitong kaibigan niya ay dinadaan lahat sa ngisi. Pero kung seryoso naman ito, daig pa ang gorillang gutom.

"Uy may chika ako." panimula ni Cendee at tiningnan naman niya ito. Sinenyasan lang niya ang kaibigan na ipag-patuloy ang sasabihin dahil puno ang bibig niya.

"Sa library kasi kahapon may may babae akong nilapitan, binulyawan ko siya dahil akala kong ikaw 'yon. Dahil magka-mukha kayo, sabi ng mga classmates ko transferee daw 'yon." seryosong-seryoso na aniya Cendee.

Natigil naman siya sa pag nguya at tiningnan si ang kaibigan na may naguguluhang tingin. Sinasabi na nga ba niya at makakarating 'to sa kaibigan at responsibilidad pa niyang magpaliwanag.

"Kilala mo ba 'yon? Mukha kayong kambal. Taray! May twinny ka na ngayon sa Harmonica!" nang-aasar na aniya Cendee bago tumawa ng napakalakas.

Siya naman ang nakaganti ng tawa nang maubo ito dahil nabulunan sa kinakain. Napalailing nalang siya sa kabaliwan ng kaibigan at inabutan niya ito ng tubig na agad din nitong tinanggap.

"Ayan kasi, karma is me." maarteng aniya bago tumawa. Tumalas ang nguso ng kaibigan at tahimik nalang kumain pati narin siya. Hindi naman sila mag-aalalang ma late dahil maaga pa naman.

Nang makarating sila sa school ay sabay silang pumasok sa loob at nag-lakad sa hallway.

"Grabe talaga ng mga fans mo ano? Tindi! Pag-pasok mo lang may stares from the crowd ka na." mahinang bulong nito sa kaniya at siniko niya ang kaibigan dahilan para matawa ito.

Napahinto siya sa paglalakad nang inunahan siya ni Cendee at hinarap. Napatabingi ang ulo niya at pinaningkitan niya ito ng tingin. Huminga lang siya ng malalim para pigilan ang inis niya sa kaibigan.

"Pupunta lang ako sa garden saglit, mauuna ka na." sabi ng kaibigan na ikinangiwi niya ng husto.

"Anong gagawin mo sa garden?" nakataas kilay niyang tanong dito pero tinawanan lang siya na ikinainis niya lalo.

"Ikaw, echosera ka rin ano? May ka meet up lang ako sa in-order kong pen online, gaga." natatawang singhal pa sa kaniya.

Napatango-tango nalang siya at hinayaan na si Cendee na umalis habang siya ay nagpatuloy parin na nag-lakad sa hallway.

The Man I can't rememberWhere stories live. Discover now