Kabanata 1

148 6 1
                                    

[Chapter 1]

"Ilang beses mo mang saktan ang damdamin ko, hindi mawawala ang pagmamahal ko sa'yo Joven..."

PAGKARINIG ko ng mga katagang iyon mula sa tinig ng isang babaeng humihikbi ay iminulat ko ang aking mga mata. Tumingin ako sa orasan at 8:00 am na.

"Bakit narinig ko nanaman ang tinig na iyon?" Tanong ko sa aking sarili habang hinihimas ang aking noo.

Hindi ko maintindihan kung bakit buwan-buwan ay ginigising ako ng tinig na iyon at tila ba'y ako lamang ang nakakarinig.

Ito ay aking napatunayan nang isang beses ay sa kwarto ko natulog ang bunso kong kapatid na si Lauren. Magkatabi kaming natulog sa malaki kong kama. Kinaumagahan nang magising ako dahil sa tinig, ay nadatnan ko siyang tutok sa kanyang phone sa aking katabi habang nananatiling nakahiga. Tinanong ko siya kung may narinig ba siyang tinig na humihikbi ngunit ang sabi niya ay wala raw siyang narinig at sunod niya akong sinermonan.

"Lauren" tawag ko at lumingon sa aking kapatid.

"Hmm? Bakit ate?" Sagot niya habang bungisngis na nagtatype sa kanyang phone

"May narinig ka bang babaeng umiiyak ngayon ngayon lang?" Tanong ko sa kanya.

"Ha?" Kunot noo siyang lumingon saakin. "Wala naman bakit?" Dugtong pa niya.

"Wala? Umiiyak na babae tapos may sinasabi siya, parang ganto iyon ' Ilang beses mo man saktan ang damdamin ko, hindi mawawala ang pagmamahal ko sa'yo Joven...' wala ka talagang narinig?" Pagpapaliwanag ko sa kanya.

Nag iba ang kanyang itsura na para bang nahihibang ako dahil sa mga sinasabi ko. Ilang saglit ay tinaas niya ang isa niyang kilay at ngumiti ng nakakaloko.

"Ate hindi mo sinasabi saakin na may crush ka palang Joven ang pangalan, artista ba iyan?" Pagtutukso ni Lauren

"Seryoso ako Lauren, narinig ko nga iyon kani kanina lang at iyon ang gumising sa akin." Nag-fierce ako nang hindi na niya ako tuksuhin pa lalo.

"Seyoso din ako ate na wala akong narinig na ganon kani-kanina dahil mas nauna akong nagising sa iyo at matalas ang pandinig ko." Nag taray tarayan naman siya habang sinasagot ako.

Napakunot ang noo ko dahil malinaw na narinig ko iyon at hindi namang malabong marinig niya iyon ngunit bakit hindi na narinig? Posible bang ako lang ang nakakarinig ng tinig na iyon? Ngunit bakit?

"Siguro dahil sa pagpupuyat mo iyan ate. Huwag ka na nga mag puyat! tingnan mo oh ang laki ng eyebags mo kakapuyat wala ka namang ka-late night talks dzuh! Be like me ate have a healthy lifestyle! Hindi nagpupuyat at kumakain ng gulay!" Paninermon ng kapatid ko sa akin sabay tapik sa flawless face niya which is na sa lahi na namin.

I rolled my eyes and said "Ang dami mong ka ekekan, eh buong araw ka namang tutok sa cellphone, halos hindi mo iyan tantanan. Sa susunod ung mata mo malabo na." Sabay hinampas ko ang noo niya.

"Aray! How dare you ate?! Porket mas maganda ako sa'yo ginaganyan mo na ako!" Reklamo niya sa ginawa ko.

"Woah confidence level todamax!" Tinaas ko ang kamay ko pagkasabi ko no'n ."Ako ang ate dito at understood na ako ang mas maganda sa ating dalawa." Dagdag ko at kiniliti siya.

Amor y TraiciónTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon