[Chapter 9]
"ANONG ginagawa mo riyan?" nagtatakang tanong ko. Bigla namang nag-init ang pisnge ko ngayon dahil napagtanto ko na pinapakinggan niya pala ako habang kumakanta ako kanina.
Hindi pa rin naaalis sa kaniyang mukha ang pilit niyang ngiti, "N-naabutan kasi kitang kumakanta at hindi ko nais pang abalahin ka..." sunod ay bahagya siyang yumuko sabay humawak sa kaniyang batok, "A-at isa pa nais nais kong marinig ang iyong tinig habang ika'y umaawit dahil, kailanman ay hindi ko pa ito naririnig."
"Napakaganda ng iyong boses binibini" diretsong tingin ni Agustin sa aking mga mata kasunod ay ngumiti siya.
Tila nabuhusan ako ng malamig na tubig sa kaniyang sinabi. Napatitig lamang ako sa kaniya at napanganga. Hindi ko na nagawang tumugon sa kaniyang mga sinabi dahil sa hindi ako makapaniwala sa kaniyang sinabi. Lalong umiinit ngayon ang aking pisnge at sa tingin ko ay namumula na ito ngayon. Sana lang ay hindi niya ito mapansin.
Mukhang nagitla si Agustin nang makita niya ang naging reaksiyon ko, at dahil sa hindi ako nakasagot sa kaniyang sinabi. Napayuko siyang muli at napawi ang kaniyang mga ngiti sa labi, parang bata na naagawan ng lollipop.
"Paumanhin sa aking kapangahasan" saad niya sa malungkot na tono.
Wala sa sariling tinakpan ko ang aking bibig at tyaka tumawa. Hindi ko mapigilan ang matawa sa kaniya ngayon. Sa totoo lang ay ang cute ng reaksiyon niya.
"Ano kaba ayos lang 'yon hindi mo kailangang humingi ng paumanhin" sabi ko habang iwinawasiwas sa ere ang aking kamay. " Salamat nga pala sa pagcompli-- este PAGPURI mo sa aking boses" dagdag ko habang nakangiti.
Inangat ni Agustin ang kaniyang ulo at muling tumingin sa akin. Umaliwalas ang kaniyang itsura at muling sumilay sa kaniyang nga labi ang ngiting ipinakita niya kanina. Bagay na bagay sa kaniya ang ngiti niyang 'yan, Nakakadadag sa kaniyang kagandahang lalaki. Lalo na't nakasuot siya ngayon ng eyeglasses ung mala Harry Potter.
Agad akong umiwas ng tingin, baka mamaya ay mapatitig ako ng matagal kay Agustin nakakahiya!
"B-bakit hindi ka muna maupo s-señor? alok ko sa kaniya habang umaktong kinukuha ang librong nakapatong ngayon sa aking kandungan at ipinatong sa lamesa na nasa harap ko.
Ramdam ko na nagsimula siyang maglakad. Nagtungo siya sa silya na nasa tapat ko at naupo siya roon.
Umihip ang isang malakas na hangin. Tinangay ng malakas na hangin ang mga tuyong dahon mula sa puno na malapit dito sa asotea. Tila'y umuulan ng tuyong dahon ngayon dito sa balkonahe. Ang ganda nitong pagmasdan habang unting-unti bumabagsak sa lupa, idagdag mo pa na maaliwalas ang panahon ngayon.
Naalala ko tuloy ang paborito kong pelikula, dahil ang pangyayaring ito ay may pagkakahintulad ito doon sa isang scene sa pelikula iyon. Kung saan ang bidang babae ay nakatayo malapit sa isang puno at nagninilay. Sa hindi kalayuan naman ay nakatayo ang bidang lalaki habang lihim na sumusulyap sa bidang babae. Nang umihip ng malakas na hangin ay napatingin sila sa isa't isa. Nagsimulang mahulog ang mga tuyong dahon na tinangay ng hangin. Tila'y bumagal ang oras habang sila'y magkakatitigan. Kasunod ay may kakaibang nadarama ang namuo sa kanilang dibdib. At napagtanto nila na tunay na mahal nila ang isa't isa. Waaahhh! Talagang kinilig ako sa part na 'to. Nakakalungkot nga lang dahil hindi ko na magawang panoorin ito ulit dahil wala pa iyon sa panahon na ito.
"Ang ganda naman ng araw na ito" bulong ko sa sarili
"Ang ganda nga" sagot ni Agustin sa akin.
Bigla akong napatingin sa kaniya sa gulat na narinig niya pala ang ibinulong ko. Nahuli ko siyang nakatingin sa akin at hindi niya ito inaalis. Napatitig na lang din ako sa kaniya.

BINABASA MO ANG
Amor y Traición
Historical FictionAmor y Traicion, isang pelikula na hango mula sa masalimuot na buhay pag-ibig ng isang dalaga noong 1890. Magagampanan kaya ni Dana ng maayos ang pinakauna niyang pagbibidahang pelikula kung siya ay napadpad sa mismong panahon ng pelikulang ito? Sa...