[Chapter 2]
"HEY, are you alright?" Tanong ng lalaking kakarating lang na umupo sa aking tabi at inalalayan ako.
Hindi ako nakasagot sa kaniyang tanong dahil patuloy ko pa rin na iniinda ang sakit. Parehong nakahawak ang dalawa kong kamay sa aking ulo. Ilang saglit lang ay may naramdaman akong may umupo sa aking tabi sa gawing kanan ko.
"Oh what happened Dana?!" Natatarantang boses ni direk Louise at hiwakan niya ako sa balikat.
"I think she needs water. Paul kumuha ka ng tubig." Utos niya sa lalaking tumabi sa akin.
Agad naman siya nitong sinunod at itinapat ang isang bottled water sa bibig ko. Ininom ko iyon. Ilang saglit lamang ay unting unti nawala ang sakit ng ulo ko. Nilingon ko ang lalaki upang nagpasalamat.
"Thank yo--", laking gulat ko nang makita siyang nakasuot black suit. Parang kanina lang ay naaninag ko ang suot niya ay pang heneral. Namamalikmata lang ba ako?
Tumango ang lalaki biglang tugon sa sinabi ko.
"Are you okay now Dana?" Tanong saakin ni direk Louise.
"Opo, bigla lang sumakit ang ulo ko habang binabasa 'tong ibinigay niyo sa akin." Sagot ko at iwinagayway ang folder na hawak ko. "Siguro ay nanlalabo na ang mata ko kaya biglang sumakit ang mata ko." Dagdag ko. Isinantabi ko muna ang pag iisip tungkol sa nabasa ko kanina.
"Oh I see." Ani direk. "Tapos mo na bang basahin iyan?" Tanong niya ulit.
Napatingin ako sa hawak ko at ibinalik muli sa kaniya ang tingin bago sumagot.
"Opo." Ngiting sagot ko. "Napakaganda po ng kuwento." Pagpuri ko sa gawa niya.
"So ano ang sagot mo sa alok ko sa iyo kanina?" Pagbalik tanong niya.
"Sigurado po ba kayo na ako ang pipiliin ninyo? I mean, marami naman po diyan na sikat na artista o naggagandahang artista na fit sa role na ito." Lakas loob kong sagot kay direk.
Napabuntong hininga siya at sumagot.
"This role is perfectly fit for you. Only you Dana, can portray this role very well."
Naguluhan ako sa huli niyang sinabi kaya't hindi ako nakasagot sa kanya agad.
"Actually si Paul Alvez na nasa tabi mo ang gaganap bilang si Gen. Simeon Joven Garcia." Turo ni direk sa lalaking nasa kaliwa ko na hanggang ngayon ay nandoon pa rin pala at hindi pa umaalis.
Lumingon ako sa kaniya at ngumiti.
"Paul Alvez. Nice meeting you my future co-lead." Pagpapakilala niya at inilahad ang kaniyang kamay.
"Dana Flores. Nice meeting you too. Pero hindi pa ako pumapayag sa offer ni direk. " Nakangiting sagot ko at inabot ang kaniyang kamay.
Nang bitawan ko na ang kamay ni Paul ay biglang nagsalita si direk
"But why Dana are you planning to decline it?" Malungkot niyang tono.
"I am just worried to dissappoint you direk if my acting skills did not impress you. You know I am not like the other veteran artist out there, like Paul." I explained.
"Do not worry Dana, I believe in you. I saw your potential as a good actress. And if totoo nga ang sinasabi nilang sumisikat ang mga artistang kinukuha ko para sa mga pelikula ko, why decline it? It might help you alot since hindi ka pa ganoon kilala." Pagpupumilit niya.
"And what I've said this role is only for you." Dagdag niya at ngumiti. Para bang nag iba ang aura niya noong sinabi niya ang mga salitang 'only for you' na may malalim itong kahulugan.

BINABASA MO ANG
Amor y Traición
Historical FictionAmor y Traicion, isang pelikula na hango mula sa masalimuot na buhay pag-ibig ng isang dalaga noong 1890. Magagampanan kaya ni Dana ng maayos ang pinakauna niyang pagbibidahang pelikula kung siya ay napadpad sa mismong panahon ng pelikulang ito? Sa...